IX

7 0 0
                                    



Pauwi na kami ng barkada ko.Sa iisang traysikel lang kami lahat,kasi sa iisang destinasyon lang naman kami dadaan.

Iba talaga ang feeling kapag kilala mo lahat yung nakakasabay mo sa biyahe.

Maingay at hindi awkward. Sa tuwing pupunta kasi ako ng School, halos lahat ng nakakasabay ko,hindi ko kilala,minsan kilala ko yung isa o dalawa lang.Ang awkward lang ng feeling.Kaharap mo ang isang tao na hindi mo kilala.

Anyways. Habang nasa biyahe pauwi nagkwentuhan kami about sa aming mga crushes, at sa hindi malamang dahilan.Nakita namin si Kert na naglalakad.

 

"Oh My G! Si Kert my Labs!"

 sigaw ni Nadine sabay tili.

"Saan siya papunta?"

tanong naman ni Narda

"Wait, diba si Erick yun?"

sabi ni Kathryn sabay turo.

Lumingon kaming lahat sa direksyong tinuturo ni Kathryn.Si Erick nga.At papunta si Kert sa kanya.

"Waaaah..Magkaibigan ang crush natin Meliza."

sigaw ulit ni Nadine

"Oo nga. Parang soulmate talaga natin sila. Kasi magkaibigan din tayo. Aaah!"

Tilian kami ng tilian.Pati tuloy yung druver ng sinasakyan namin,nakitili narin.

Pagdating ko sa bahay, agad akong naglog-in sa facebook. Pinagpatuloy ko ang paghahanap kay RS.

Pinuntahan ko ang account ni Erick, at nakita kong nagpalit pala siya ng cover photo.And guess what? RS lang naman yung nakalagay sa cover photo niya.

Sino ba kasi talaga si RS? Bumalik nalang ulit  ako sa Account ko. Bigla namang nagchat sa akin si Nadine.

Nadine: Melizabeeeeels!!! :( Ahuhuhu..

Agad naman akong nagreply sa kanya.

Meliza: Oh anong nangyari?Bakit ka sad?

 

Nadine: Eh kasi si Kert, may girlfriend na yata.

Meliza: Pano mo naman nasabi?

Nadine: Nakita ko sa status niya..Waaaaah..

Meliza: wait lang titingnan ko sa account niya kung ano.

Pinuntahan ko ang account ni Kert.

Hinanap ko naman yung status na sinasabi ni Nadine.

 

"I love you to the moon and back, bae

#E"

Bae? Arteeeee.. Tiningnan ko yung mga comments.

Bhoxs: Palike idol:) XD

MhaldHitA: Xino phow si E?

Kert: My life <3

IdolSkie: Ang sweat nAman Idol..




Ay JeJeNa..

Meliza: Emergerd Nadinebels..My Life daw.At Bae??

 

Nadine: Huhuhuhu..who the hell is E?

Meliza:Siguro pati yan kailangan nating malaman. I'm not yet done with that RS girl..

 

Nadine: Huhuhu.Sige Meliza.Mag-eemote lang ako.

Meliza: Okay. Wag mo masyadong dibdibin ha..

Aaagh..Sino ba yang si RS at E nayan.Panira kayo ng lablayp..

Wait parang kami yata ang panira.

CrushTastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon