Malapit na ang September at ibig sabihin malapit narin ang Intramurals namin.Every Monday ng umaga,lagi kaming may Flag Ceremony at ito ang isang way para titigan na naman ng matagal si Erick. Everytime kasi na mag-faflag kami, malapit lang ang linya ng section nila sa amin. Sa totoo lang hindi na ako nakakapagpanatang Makabayan at Lupang Hinirang ng maayos dahil sa kakatitig sa kanya. Minsan nga ay nahuli pa ako ng classmate ko na nakaktitig sa kanya.
Sabi niya "Pasulyap-sulyap siya oh".Alam narin kasi ng lahat ng mga kaklase ko na crush ko siya.Oh diba?
After ng flag ceremony, nagkaroon ng anouncement, at sabi ng Dean namin, magsisimula na daw ang screening para sa Intramurals.Ako naman wala akong pake, kasi wala naman akong sasalihan,cheerer lang ako ever since the world began.Uwian na nung araw na iyon at marami na ang nasa quadrangle na nagpapractice. Bumili kami ng barkada ko ng softdrinks at papaauwi na sana kami nang makita namin si Erick na nagwawarm-up sa gitna ng quadrangle.
"Si Erick oh, baka sasali siya ng Tae kwon do .Kasama niya si Kuya Jordan oh" sabi ng isa kong kabarkada na si Nadine.
Si Kuya Jordan kasi ay player ng Tae kwon do.
"Ay oo nga, dito muna tayo,tingnan muna natin siyang magwarm-up" suggest ni Nadine.
At syempre payag naman ako.
"Oh my god he is so hot,girl" sabi ulit ni Nadine sa akin.
"Ooooh My" sabi ko at pinasok ang straw ng Softdrinks na iniinom ko sa aking baba.Hay.Ang gwapo niya.
Everyday lagi ko siyang binabantayan sa quadrangle, upang tingnan siyang magpractice. Pero minsan nabibigo akong makita siya, kasi minsan hindi sila doon nagpapractice.After ng class namin sa Psychology, ay uwian na. Agad kaming lumabas ng barkada ko sa room para umuwi. Pero nakita ng dalawang mata ko ang napakagwapong mukha ni Erick. And Oh My Geee...Naaalala niyo pa ba ang sign na sinabi ko kay Lord? Nangyari na yun. Nakita ko si Erick nung araw na yun na walang reading glasses. Ibig sabihin crush ko nga talaga siya.At gaya ng dati, hindi rin agad kami umuwi dahil tiningnan ko ulit siyang magpractice. At nakita ko na siyang sumipa.Ang astig niyang sumipa.Wahahahaha.Keleg mats..
Intarmurals na.At masaya ako kasi makikita ko na si Erick na naglalaro ng tae kwondo.Super excited na akong makita syang sipain ang kalaban niya.Sa laki ba naman niya, siguradong matatalo niya yun.Hahahaha.Joke lang, hindi naman ako sure kung matatalo nga niya iyon.
Tumambay lang kami ng mga classmates at barkada ko sa tambayan.Wala naman kasing ibang magawa eh. Ako naman panay ang tingin sa room kung saan magaganap ang tae kwon do. Doon kasi si Erick sa labas eh."Guys bili tayo ng foods sa labas!" yaya sa amin ng isa kong classmate.
Pumayag naman kami ng mga barkada ko at pumunta kami sa labas ng school. Dinaanan namin ang room kung saan magaganap ang tae kwon do at nakita namin si Erick na pinagpapawisan at tinatap sa balikat ng ibang mga students. Oh no.Ibig sabihin tapos na siya. Hindi ko man lang siya nakitang naglaro. Sobrang lungkot ko talaga.:( bakit hindi ko nalaman na naglalaro na pala siya nun? Sobrang sakit you know?
Sabi ko nalang sa sarili ko "Okay lang yan, siguro ayaw lang talaga ni Lord na makita ko si Erick na nasasaktan"
Pero malungkot parin ako. Pagsapit ng hapon, nanuod kami ng mga friends ko ng volleyball, player kasi si Jones eh.After naming manuod pumunta kami sa room kung saan pwedeng tumambay. At nakita ko si Erick sa labas ng room na nakatambay. Malapit lang kasi yung room na pahingahan ng mga players doon eh.And as usual tinukso na naman ako ng mga classmates ko. Ako naman, tago lang ng tago sa loob ng room. Naisipan naming bumalik sa oval, doon kasi nagaganap ang volleybal at basketball games. Paglabas namin ng room wala na doon si Erick. At alam niyo ba kung saan siya pumunta? Doon din sa oval. Kyaaaah:D. At dahil nakita namin siya doon, doon din naisipan ng mga friends ko na pumwesto malapit sa kanya.
Sabi ko nga sa kanila "Uy wag tayong pumunta diyan please.Nahihiya ako"
Pero ang sagot lang nila ay "Bahala ka diyan, doon kami lahat"
Wala na akong choice kundi sumunod nalang din sa kanila. And the next thing that happened was so unexpected.
"Meliza halika dito, picture kayo ni Erick" sigaw sa akin ni Jones.
Noong marinig ko yun, tumakbo ako ng mabilis at lumayo sa kanila, joke malapit lang.
"Meliza eto na yung chance oh, wag ka nang mag-inarte okay" sabi sa akin ni Nadine.
Tiningnan ko sila,at nakita ko si Erick na nakatayo at naghihintay sa akin.Oh my Gee. Pumayag siyang magpapicture? Unti-unti akong lumapit kay Erick, Ilang inches lang ang pagitan namin.Super nakakahiya, sobrang daming tao at para akong baliw na sigaw ng sigaw dahil ayaw kong magpapicture.Feeling ko talaga turn-off sa akin si Erick nun.
"Okay, ayan tapos na.Thank you Erick" sabi ni Jones after niya kaming kunan ng picture.
And the picture is so EPIC FAIL.Hindi ako nakatingin sa Camera, at shocks para ko siyang tatay sa sobrang taas niya sa akin.Pero atleast may picture kami together.And September 2, 2014 was a BEST DAY EVER.
I used our picture as my wallpaper, kasi nga kinikilig ako ng sobra.Alam mo yung feeling na, na-conquer mo ang iyong fear at nakapapicture ka sa crush mo? First time kong magpapicture sa crush ko. Ako lang at siya.Yung kami lang dalawa at wala nang iba. Super kilig talaga. HashtagKiligToTheBones:D
BINABASA MO ANG
CrushTastrophe
Teen FictionThis is just a simple story. Walang kakaiba.Walang Lalaking Gangster, walang Babaeng Nerd, walang Vampires, walang panget, walang Evil Step Sisters, walang taong may sakit na cancer, walang Patayan, walang bed scences at walang "once upon a time" na...