VI

41 1 11
                                    

Marami ang nagsasabi na gwapo raw si Erick.Yung mga friends ko, classmates ko, kapatid ko, mama ko at yung mga taong nagcocomment sa profile pic niya.

Sabi ko nga minsan sa mga kaibigan ko "Syempre Crush ko siya eh." sabay tawa.

Sa tuwing sinasabi nila yan, mas lalo kong nagiging crush si Erick. Nakakaproud lang,kasi nagagwapuhan sila sa crush mo.


Isang araw habang naglilinis ng room namin, nakita ko si Erick at ang mga kaibigan niya sa kabilang room. As usual pasulyap-sulyap na naman ako sa kanya.


"Erick!" Sigaw sa kanya nina Perrie at Kathryn.

Agad naman akong tumago,kasi baka makita niyang tinititigan ko siya.Sumilip ako ng konti, para makita kung ano ang reaksiyon niya.Nakita kong nagtanong ang friend niya kung nasaan daw ako.

"Oh Meliza hinahanap ka ni Erick!" sabi sa akin ni Kathryn.

Tinuro nila ako kay Erick.Pero nakatago parin ako.

"Erick nandito siya oh.Punta ka raw dito!" sigaw ulit nina Kathryn at Perrie sa kanya.

Asa naman silang pupuntahan ako ni Erick.Like, Duh??..sino ako para puntahan niya?

"Erick!" ayaw talaga nilang tumigil.Hinayaan ko na lang sila.

Laking gulat naming lahat nang lumabas si Erick sa room. Akala ko aalis na siya, dahil naiirita na siya sa amin. Pero sa direksyon pala namin sila papunta.

"AAAAAAAAAAH..Papunta siya dito girl!" sabi ni Kathryn

Sigawan lahat ng mga kaklase ko.Sa buong hallway, kami lang ang maingay. At alam niyo bang malapit lang kami sa Faculty Office? Pero ewan ko, wala talagang sumuway sa amin.Habang papalapit si Erick, panay ang sigaw sa kanya ng mga classmates ko. May ilang nagsabi na

"Puntahan mo siya Erick.Nagmamakaawa siya sayo.Puntahan mo siya.".Ang iba naman ay puro kantyaw lang.

Papalapit na si Erick nang papalapit.Pero ako nagawa ko pang tumakbo,pero nabigo rin dahil nahabol ako ni Kathryn.Malapit na si Erick, nakatingin siya sa akin.Tinakpan ko ng kamay ang mukha ko.Pero pinagalitan ako  ni Nadine.

Sabi niya "Meliza, magsheshake hands lang kayo.Wag mo na siyang paghintayin pa.Okay?"

Tinanong ni Nadine si Erick kung may pupuntahan pa siya,at sabi naman niyang oo.Kaya yun mas pinilit pa niya akong makipagshakehands kay Erick.

Tiningnan ko siya.Nakatingin rin siya sa akin.Kyaaaaaa..Nag-eye to eye contact kami. Ini-offer niya ang kamay niya sa akin.At dahan-dahan kong nilapit ang kamay ko.

Unti-unting nagkadikit ang aming mga palad.

At sa wakas nahawakan ko narin ang kamay niya.

WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAA!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! MALAMIG..Malamig ang kamay niya.:D

After naming magshakehands ay umalis narin siya. Sigawan ang narinig ko. Binati ako ng iba kong mga kaklase.

"Congrats girl!" sabi ng kaklase ko

Speechless pa ako nun.Pero unti-unting nagsink-in sa utak ko ang nangyari. Bigla akong naglinis ng room.Sinipag ako dahil sa nangyari.Kinagulat naman yun ng mga classmates ko.

Niravana beybeh..This is Heaven. Parag ayaw ko nang hugasan ang kamay ko.XD

CrushTastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon