Two days after ng Most memorable slash most amazing slash Super-duper-on-top-of-the-world-Happiness Shakehands of the year, nag-usap-usap kami ng tropa ko sa aming tambayan.
Sobrang dami ng napag-usapan namin.Mostly ay tungkol sa aming mga crush. Naikwento narin sa amin ni Nadine yung bago niyang crush na si Kert, Co-player sa volleyball ni Jones.
Si Kathryn naman ay nagrereklamo kasi hindi pa niya nakikita ang crush niya. Hindi ngarin niya alam kung ano ang ngalan nun eh.
Si Perrie naman,yun pinatigil na niya ang kanyang manliligaw sa panliligaw.Ewan ko kung bakit.Pero di pa raw siya ready.
Si Narda, crush parin naman ang crush niya.
At si Jones, sila parin naman ni Kizha.
At ako, haaaaay...Hindi parin makaget-over sa nangyari two days ago:)
"Girl ang swerte mo talaga na siya ang naging crush mo.Hindi siya KJ" sabi sa akin ni Nadine
"Oo nga girl.Paano kung magiging kayo?Ano reaksyon mo?" tanong naman sa akin ni Kathryn
"Ewan ko.Kyaaaaah.Kinikilig ako girl.."sabi ko naman, sabay sigaw.
Habang nag-uusap ay may lumapit kay Jones na mga lalaki, mga classmates ni Erick. Umupo ito sa tabi niya at may sinabi lang.Hindi ko alam kung ano.
"Uy diba classmate kayo ni Erick?"tanong ni Nadine sa kanila.
Tumango naman sila sa kanya.
"May girlfriend na ba siya?"tanong naman ni Perrie.
"Wala naman yata.Pero parang may nagugustuhan siya."sagot ng isa.
"Sa gm niya kasi laging may hashtag na, RS heart." sabi naman ng isa.
Nagulat kaming lahat sa sinabi nila.
"RS?? HEART??" sabay-sabay naming sigaw.
" "Parang" lang naman eh.Hindi pa naman sure" sabi naman ni Jones.
Sumang-ayon naman kaming lahat.Think positive lang.
Pagsapit ng gabi, nag-online ako sa Facebook.Pinuntahan ko agad ang account ni Erick at hinanap sa mga friends niya ang may RS na initials.May nakita akong isa.
Pinuntahan ko ang account nito at naghanap ng konting information na pwedeng magconnect sa kanilang dalawa ni Erick. May nakita akong picture, silang dalawa, stolen. Binalik ko na agad sa wall ko.
Ayaw ko nang makita ang iba pang picture, baka masaktan lang ako.Echos.
Pagbalik ko ng school sa morning, chinika ko agad sa mga friendslaluu ko ang aking natuklasan.Nagulat sila sa sinabi ko.
"Kailangan muna nating iconfirm bago tayo magjump into conclusion.Malay mo, coincidence lang." sabi sa amin ni Narda
Tama nga siya.Hindi pa naman sigurado diba?
PUSO MELIZA!PUSO!LABAN!
Anu daw?haha..
BINABASA MO ANG
CrushTastrophe
Teen FictionThis is just a simple story. Walang kakaiba.Walang Lalaking Gangster, walang Babaeng Nerd, walang Vampires, walang panget, walang Evil Step Sisters, walang taong may sakit na cancer, walang Patayan, walang bed scences at walang "once upon a time" na...