Sabado, kausap ko si Benjie, pinsan ko. Sa ibang school siya nag-aaral, pero pareho kaming 2nd year college.
"Pinsan, sino yang wallpaper mo?"
tanong niya sa akin matapos niyang makita ang wallpaper ko.
"Ah si Erick nga pala dude, crush ko"
sagot ko naman.
"Erick? Sinong Erick?"
tanong niya ulit.
"Si Ericksean Paderes"
sabi ko.
"Ericksean Paderes.Eh bakla yan eh."
sabi niya na medyo may pagkasarcastic yung dating
"Ewan ko sayo dude, lahat naman ng crush ko, bakla para sayo eh.Ayaw mo ba akong magkalovelife?"
"Hay naku dude, basta ngayon, totoo na sinasabi ko sayo.Bakla yang Ericksean nayan."
"Ewan ko sayo, diyan ka na nga bibili na ako ng halo-halo.Lilibre pa naman sana kita, kaso inaaway mo crush ko eh"
sabi ko sa kanya sabay labas ng bente pesos, upang makita niya na may pera talaga akong pambili ng halo-halo.
"Uy!Joke lang yun dude.Lalaki talaga i Erick nayun,may pagkababae ngalang.Dude libre mo na ako."
Hahaha..Gustong-gusto ko talagang pagtripan yung pinsan ko.Nakakatawa kasi yung mukha niya eh,lalo na ngayon.
"Mukha ka talagang Halo-halo. Habulin mo muna ako."
tumakbo ako sabay bhelat sa kanaya.
Dahil lalaki si Benjie at medyo malaki at matangkad siya sa akin, halata namang mahahabol niya ako noh.Kaya ayun, nilibre ko siya ng halo-halo, at yung loko kong pinsan natuwa.Habang kumakain kami ng halo-halo ni Benjie, may lumapit sa aming lalaki.
"Hey dudes.Kamusta? Kumakain pala kayo ng halo-halo,hidi niyo manlang ako inimbita.Parang walang pinagsamahan."
sabi ng lalaki
"Bakit, kapag inimbita ka ba namin,may panlibre ka ng halo-halo sa amin?"
sabi naman ni Benjie
"Wala"
sagot naman ng lalaki
"Eeeeeh..yun naman pala eh."
pagkatapos sabihin ni Benjie yun inubos na niya ang kanyang halo-halo.
"Ang takaw mo dude."
Sabi niya kay Benjie habang tinitingnan itong sinisimot ang nakalagay sa baso.Nung maubos na ni Benjie lahat ng nakalagay sa baso,napunta naman yung tingin niya sa akin.
"Hi Meliza!"
bati niya
"Hi Andy"
bati ko risa kanya.
Siya nga pala si Andy, ang kababata naming dalawa ni Benjie.Bata palang kami magkaibigan na kaming tatlo.Akala nga dati ng iba tomboy ako, kasi dalawang lalaki ung mga kaibigan ko. "dude" ang tawagan naming tatlo kasi gusto naming maging Cool Kid dati eh.
"Gumaganda ka ngayon ha inlove ka na siguro no?"
Tanong niya sa akin
"Ah..Eh..Hindi ah.."
"Uy dude, yang pinsan ko na iyan, may crush kay Ericksean Paderes."
"Kay Ericksean?Eh bakla yan eh"
"Sabi ko nga sa kanya eh.Pero ayaw maniwala."
"Hahahaha..Ano ba naman yan Meliza, ang dami-daming lalaki sa mundo, sa bakla ka pa nainlove.Dude hindi cool yun."
Nakakainis talaga sila.Lagi nalang nila akong tinutukso.Okay lang sana kung ako lang, eh pati pa si Erick dinadamay nila,wala namang ginagawang masama si Erick eh.
"Ewan ko sa inyo.Nakakainis kayo!!I hate you!!"
Iniwan ko nalang sila at bumalik na sa bahay.Nakakainis GRRR!
Malapit na sana ako sa bahay namin, kaso may biglang humawak sa braso ko.
"Meliza"
Paglingon ko, si Andy pala.
"Oh, bakit mo ko sinundan,nakokonsensya ka na ba sa ginawa mo.Bakit ba kasi tinatawag niyong bakla si Erick eh mas lalaki pa siya kesa sa inyo"
"Dude, sorry na.Sorry na talaga.Oh eto, binilhan kita ng Beng-beng."
Biglang nawala lahat ng galit ko kay Andy nung marinig ko yung word na Beng-beng. Paborto ko kas yu g beng-beng eh.
Ngumiti ako ng sobrang laki,yung abot hanggang tenga.
"Talaga?"
"Sabi ko na eh, eto lang magpapabago ng mood mo.Oh tatlo nayan ha.Para I LOVE YOU"
Inabot niya sa akin ang tatlo beng-beng. To be honest, may crush sa akin si Andy, grade 6 kami noon nung umamin siya sa akin. Hindi naman sa binasted ko siya dati, sinabi ko lang sa kanya noon na kaibigan lang talaga ang tingin ko sa kanya.Tanggap naman niya yun,kaya hanggang ngayon dude parin kami. Pero hindi parin naman daw nawawala yung pagka-crush niya sa akin. Ewan ko sa kanya.
"Ikaw ha.Pasimple ka na naman."
Hinampas ko ng mahina yung balikat niya.
"Ah basta dude,dito lang ako para sayo.Kung kailangan mo ng Beng-beng, bibigyan kita kahit isang box pa.Kung kailangan mo ng tulong, just call my name and I'll be there."
"Oo na.Thank you Andy ha.Sige pasok na ako ng bahay"
"Sige bye dude"
BINABASA MO ANG
CrushTastrophe
Teen FictionThis is just a simple story. Walang kakaiba.Walang Lalaking Gangster, walang Babaeng Nerd, walang Vampires, walang panget, walang Evil Step Sisters, walang taong may sakit na cancer, walang Patayan, walang bed scences at walang "once upon a time" na...