I
Nagsimula ang lahat noong June 13, 2014 ng umaga.Ang araw pagkatapos ng Independence Day.Nagkaroon ang section namin ng isang election para sa classroom officers. At bago pa man magsimula ang election, napagkasunduan na namin ng mga barkada ko na walang mag-eelect o magboboto sa isa't-isa.Ayaw lang kasi naming maging busy. Marami kasing ginagawa kapag officer ka.Hassle.Pero ewan ko ba, parang gusto talaga ng mga kaklase namin na i-elect kami, sa sobrang iwas namin at sa sobrang pilit namin sa kanila na wag kaming i-elect at iboto, sa huli naging officers parin kaming lahat. Kami na nga itong pinakamakulit, pinakamaingay at mga rule breakers(medyo lang) kami pa itong pinagkatiwalaan. Alam ko, na may mas deserving pa sa amin.At yung mga mas deserving ay yung hindi pa na-elect at nanalo.Bakit ganun?Ako mismo ay nagtataka.
Pagdating ng hapon,sinabihan kaming lahat na officers na magkakaroon daw ng meeting ang aming department.Magkakaroon din daw ng election para sa mga officers ng aming department. Isipin niyo nalang ito, lahat ng officers from first year to fourth year na tig-aapat na sections ay magmemeeting sa isang classroom.Super init at sikip diba? Isa yan sa mga dahilan kung bakit ayaw namin ng barkada ko na maging officer. Pero ang hindi ko alam, may dahilan pala kung bakit ako naging officer. Ang pagiging officer ko pala ang dahilan kung bakit ko isusulat ang lahat ng ito.
Habang naghihintay na magsimula ang meeting at election. Nakipagkulitan muna ako kasama ang aking mga barkada. Kinukulit din namin ang ilang mga first year na malapit lang sa aming kinauupuan. Habang nagtatawanan, napatingin ako sa dalawang lalaki na pumasok ng room. Pareho silang naka-reading glasses. At isa sa kanila ang nakakuha ng atensiyon ko. Tinitigan ko lang siya. May something talaga sa kanya na na-attract ako.
"Nerd". ito ang una mong magiging impression sa kanya.Pero para sa akin, hindi siya Nerd, parang isa siyang lalaki na lumabo lang ang mata dahil sa paglalaro ng DOTA o LOL.
May glasses, matangkad, maputi at mukhang tahimik. Super opposites kami. Kabaligtaran ko siya. Ako wala akong glasses, kahit sumasakit minsan ang ulo ko sa kakacellphone, never akong nagpasukat ng glasses. Hindi ako matangkad, hindi nga halata na college ako eh.Hindi ako masyadong maputi, at hindi ako tahimik.Super ingay ko.Tatahimik lang ako, kung may sakit ako, may singaw, o natatae.Oh diba super magkaiba kami.
Tinuro ko siya sa kaibagan ko na katabi ko rin, sabi ko " Uy kamukha niya si Daniel Padilla oh".
At iyon yung something sa kanya na naka-attract sa akin.Kamukha niya si Daniel.Ang aking Crush.Super crush, and my Soulmate.Pero slight lang .Konting-konti lang.Tiningnan siya ng kaibigan ko at sinabi " Kilala ko yan, Erick ang name niyan sa facebook, pero yung first name niya di ko alam kasi parang mahirap bigkasin." Erick hmmm..
Bago pa man nagsimula ang election, nagcheck muna ang governor namin ng attendance. Sa isang yellow pad na papel kailangan naming ilagay ang ngalan namin, Address, at cellphone number. Matapos naming isulat ang ngalan,address at number namin, agad naming hinanap ng kaibagan ko ang ngalan ni Erick sa papel.
Ericksean Paderes Kikiam Village 09123456789
"Kunin natin ang number niya." sabi ni Perrie ang kaibigan ko. Sumang-ayon naman ako sa kanya at sinave ko ang number niya sa cellphone ko.
Hanggang sa natapos na ang election at meeting.Nung pauwi na kami hinanap ko si Erick, at maswerte ring nakita ko siya.Kinilig naman daw ako.Okay aaminin ko Crush ko na siya.Eh ang gwapo niya eh.Chos. Alam narin ng buong barkadahan na may bago akong crush at alam kong tutuksuhin na naman nila ako nito araw-araw. After ng ilang days sinearch ko si Erick sa Facebook at nagfriend request ako sa kanya.At nung binuksan ko ulit ang facebook account ko, na-accept na niya ang aking request.:D
BINABASA MO ANG
CrushTastrophe
Teen FictionThis is just a simple story. Walang kakaiba.Walang Lalaking Gangster, walang Babaeng Nerd, walang Vampires, walang panget, walang Evil Step Sisters, walang taong may sakit na cancer, walang Patayan, walang bed scences at walang "once upon a time" na...