II

53 1 0
                                    

Simula nung makita ko si Erick, lagi ko na siyang nakikita sa school.Hindi rin naman ako masyadong tinutukso ng barkada ko kasi alam nilang may crush din akong iba at mas matimbang yung feelings ko dun kesa kay Erick. Hanggang "Uy si Daniel oh" at  "Si crush mo oh" lang ang sinasabi  nila, sa tuwing makikita namin siya. Walang halong hiyawan, tulakan at tawanan.Simpleng ganun lang.


Hanggang sa dumating ang araw na nagkaroon ng girlfriend ang kaibigan kong  si Jones, sa isa sa mga classmate ni Erick. Papunta na kasi kami noon sa Cafeteria nang makita ko si Erick at mga classmate niya sa may stage.

Sinabi ko agad yun sa barkada ko. Sabi ko "Si Daniel!!!". (Daniel kasi ang tawag namin sa kanya.Codename ba) Nakita siya ni Jones at nakita rin niya ang girlfriend niya. At nagkaroon siya ng isang plan.Isang plano na hindi ko talaga nagustuhan.


Tinawag niya ang girlfriend niya at sinabing may ipapakilala daw siya kay Erick.Kaya ayun tinawag ng girlfriend niya si  Erick. At ako namang itong sobrang kinabahan ay wala nang ibang nagawa kundi ang tumakbo.At hindi ko na alam kung ano ang nangyari kay Jones, sa girlfriend niya, kay Erick at sa iba ko pang mga kabarkada.


Since that day lagi na nila akong tinutukso na may kasamang hiyawan at tawanan. Isang araw nga habang naghihintay ng teacher namin sa PE, biglang dumaan si Erick sa labas ng room at tinawag siya ni Jones.

Sabi niya "Erick si Meliza oh!" sabay turo sa akin.

Yung mga kaklase ko naman, panay ang sigaw at tukso rin sa akin. Tapos eto namang si Erick nag-hi naman at nagwave sa akin.Waaaaaaah....Hindi ko nakita yun, sinabi lang sa akin ng mga kabarkada ko.Yumuko lang kasi ako habang tinutukso nila ako eh.Kakahiya kaya.Pero kinilig ako nung sabihin nilang nagwave siya sa akin.Pero hindi ako sure kung sa akin nga o kay Jones siya nagwave.Hehe.


Malapit na ang birthday ko, kaya naman panay ang ang paghingi ko ng gift sa mga kaklase ko.At ito namang si Jones ay nakaisip ng regalo na super- super na nasiyahan ako.

"Oh ayan oh" sabi niya sa akin habang pinapakita yung cellphone niya sa harap ko.


Kinuha ko ang cellphone niya at tiningnan ang picture. Napangiti and at the same time kinilig ako nung makita ko ang video ni Erick.


Sabi niya sa video " Hi Meliza! Happy Birthday:)!"


 Agad kong pinapasa via bluetooth ang video na iyon sa cellphone ko.At syempre iyon ang pinakadabest na regalo noong birthday ko.


Sa araw-araw na panunukso sa akin ng mga barkada ko kay Erick, hindi ko na alam kung crush ko na nga talaga siya o simpleng feelings lang ang nararamdaman ko sa kanya.Kasi deep inside, yung isa ko pang crush talaga ang nangingibabaw. Lagi nga akong sinasabihan ng mga friends ko na si Erick na lang daw crush ko.Kasi schoolmate ko daw siya at mas nakikita ko siya araw-araw. At dahil ayaw kong mag-isip, ang ginawa ko na lang ay ang humingi ng sign kay Lord.

Sabi ko sa kanya "Lord,kung makikita ko po na hindi nakareading glasses si Erick.Sure na po akong crush ko siya."

Parang ewan lang noh?Kailangan pa talaga ng sign para malaman kung crush mo ang isang tao. Sorry ganyan ako eh.

CrushTastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon