V

29 1 0
                                    


-Breaktime-


Naichika ko na sa mga kabarkada ko ang nangyari. Super kilig naman daw sila para sa akin.

Sabi nga ni Perrie "Girl, baka gusto karin niya.Biruin mo nakitext pa siya kay Jones para lang mareplayan ka.Haba ng Hair"


Nagsang-ayon naman sina Nadine, Kathryn, at Narda.Wala si Jones.He's a busy person kasi. Gusto kong maniwala sa kanila, pero ayaw kong umasa kasi baka masaktan lang ako.

Gabi-gabi iniimagine ko na mag-girlfriend-boyfriend kami ni Erick.Minsan pinipigilan ko ang sarili ko.Kasi ayaw ko ngang umasa.Pero hindi  ko talaga maiwasang mag-imagine.Pampatulog ko yata yan eh:D


"Pero girl, sino na ang mas matimbang? Si Crush1 o si Erick?" tanong sa akin ni Nadine.


Sa totoo lang hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya nun. Sinabi ko na lang sa kanya na hindi ko alam.Pero alam ko talaga deep inside my heart and my brain kung sino ang mas matimbang.

Lumapit naman sa akin si Narda at may dalang papel.Akala ko gagamitin lang niya ang papel para mag-sketch.Mahilig kasi siyang mag-sketch eh, pareho kami:D Pero nagulat nalang ako ng isulat niya ang ngalan ni Crush1 at ni Erick.Tinanong ko siya kung ano yun.At ang sabi niya, Score sheets daw yun.Kung sino daw ang may pinakamaraming score siya ang pinakamatimbang.


"Paano sila magkakascore?" tanong ko sa kanya.

At sabi niya, may sasabihin daw siyang something  (tanong o sentence) sa akin at sasabihin ko daw kung sino sa kanilang dalawa ang gumawa, ginagawa, meron nito oh basta relate sa kanila.

At nagsimula na ang Labanan.


1. Nakikita mo ba siya araw-araw?

-Syempre si Erick, schoolmate ko siya eh.Si Crush1, sa ibang school siya kaya hindi.

Scores:
Erick-1
Crush1- 0


2.Kilala ba siya ng parents mo?

-Pareho silang kilala ng parents ko.Lahat naman na crush ko,kilala ni mama at papa eh.

Scores:
Erick-2
Crush1- 1


3.  Kinakausap ka ba niya.

-Si Erick OO. Si Crush1, oo din.

Scores:
Erick-3
Crush1- 2

4. May picture ba kayo together?

-Alam mo na kung sino yan. Eh di si Erick, siya ang unang crush na nakasama ko sa picture eh.

Scores:
Erick-4
Crush1- 2

5. Kilala niya ba ang mga kaibigan mo?

-Si Crush1, hindi.Si Erick ewan.

Scores:
Erick-5
Crush1- 2


"Oh bakit may score si Erick?" tanong ko sa kanya.

Tapos ang sabi niya, kilala daw sila ni Erick.Lahat daw sila,kilala ni Erick.Friend na nga nilang lahat sa facebook si Erick eh.


6. Boto ba sa kanya ang kaibigan mo?

- ewan ko sa inyo

Scores:
Erick-6
Crush1- 2


"Oh bakit may score ulit si Erick?"tanong ko ulit sa kanya.

Ang ginawa niya ay tumayo sa harap naming lahat at nagtanong.


"Sino ang boto kay Crush1?"

Walang tumaas ng kamay .So sad walang boto kay Crush1.

"Sino ang boto kay Erick?"

Lahat sila tumaas ng kamay.

Bumalik siya sa tabi ko at sabi niya sa akin "See? One point para kay Erick"

Tumahimik nalang ako.Parang wala na yatang pag-asa si Crush1 na manalo dito.

7. Does he likes your status and photos on Facebook?

-Si Crush1, hindi. Si Erick oo, pati nga yung picture niyo nilalike niya eh.

Scores:
Erick- 7
Crush1- 2

Napansin ko, na sa lahat ng sinabi ni Narda ay laging may score si Erick, kaya pinatigil ko na siya.


"Tama na, Si Erick na ang mas matimbang.Mas crush ko siya kesa kay Crush1 okay." sabi ko sa kanila.


Ngumiti silang lahat sa akin. Alam kong mas gusto nila si Erick kay Crush1 at alam kong ganun din ang nararamdaman ko.
7 out of 7?Eh di siya na.


Matapos kong sabihin sa kanila na mas matimbang si Erick. Sakto namang dumaan si Erick.

"Hi Erix!" sigaw sa kanya ni Nadine. Nahihiya akong tingnan siya, kaya yumuko ako.


Narinig ko na lang na sumigaw silang lahat, at bigla nalang nila akong inalog, sinabunutan at hinampas sa balikat. Sinigawan ko nalang sila.


"Ngumiti siya at nag-hi sayo girl!" sabi ni Kathryn
Kinilig naman ako sa sinabi nila.hayy nakoo:D

-After Breaktime-

PE time na namin, at hinihintay na naman namin ang PE instructor namin. At ewan ko ba, everytime na nandito kami sa PE room namin, lagi nalang dumadaan si Erick.


"Erick si Meliza oh!" sigaw ng iba kong mga kaklase


"Erick!!!!" Sigaw naman ng mga barkada ko


Tumingin si Erick sa amin at ngumiti.


"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH"


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH"


"KYAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAH"

Ang ingay. Sigawan sila ng sigawan.Babae,bakla, pati na mga lalaki sumisigaw. Parang may dumaan na artista.


Sa totoo lang, sino ba talaga ang may crush? Ako o sila?
-_________-

CrushTastropheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon