CHAPTER 2

3 1 0
                                    


CHAPTER 2

"Yes Dad. I'm almost done!" pag-rolled eye ko sabay impake ng make-up kit ko at isa-isang ipinasok sa shoulder bag ko. It's about 6:30 in the morning and my class will start at seven. Actually, malapit lang naman ang school sa bahay namin. Puwede naman lakarin pero ewan ko ba sa Daddy ko ay gustong-gusto niyang ihatid ako sa school namin. Gusto niya yata ibandera sa buong school namin ang new car niya. May pagkamayabang din minsan e. Gusto niya lang mapag-usapan. E kung buksan ko kaya ang facebook account niya at mag-post ako na 'bakla ako' sa wall niya. Ewan ko lang kung hindi siya pag-usapan nang buong taon.

"Kanina pa 'yang almost done na 'yan," turan ni Dad sabay pagbukas niya ng pinto. Nanginig naman ang katawan ko dahil sa gulat.

"Dad naman, palabas na po ako. At heto tatayo na ako at lalabas. Wait me na lang sa car okay?" pilit kong pagkalma sa sarili ko. Sa tutuusin ay gusto ko sana magmaldita kaso naisip ko ang aga pa para maging tiger.

He heaved. "As always." Turan niya sabay sara ng pinto. Rinig ko ang yapak niya pababa ng hagdan. "I will give you a minute." Pahabol niya.

I make a face. "A minute mo mukha mo."

Humugot ako ng isang malalim na pagbuntong hininga. Buti na lang hindi ko nabitiwan itong invitation letter na ibibigay ko kay Tita Valeria noong nagulat ako kanina, kundi mauunsiyami ang plano ko. Isiniksik kong muli ang invitation letter sa notebook ko at saka ko ito isinilid sa bag ko. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kuwarto ko nang narinig ko ang pagbosena ni Dad. Lalo akong nairita. Dali-dali kong binuksan ang pinto at siyang labas ko. Pagdating ko sa labas ng bahay ay sumakay na ako sa kotse. Gaya ng dati ay sa likurang bahagi ako sumakay.

"Where's mom?" tanong ko.

"Maaga pang umalis para pumunta kay Fiona. Hindi halatang hindi siya excited sa debut mo." Paghagikhik niya. "May request pala ako. Can you transfer here in front?" turan ni Daddy sabay tingin niya sa akin sa rear mirror.

"Why? Palagi naman akong dito nakapuwesto sa likuran, isn't? " Malumanay kong pagsagot.

"Wala si Mommy rito at nagmumukha akong personal driver mo kapag andiyan ka sa likod." He smiled.

Gusto kong matawa dahil sa kaniyang sinabi. Magmumukha talaga siyang personal driver dahil sa suot niyang gray polo shirt. Binuksan ko ang pinto para lumipat sa harapan. Paglipat ko ay siyang kabit ko ng seat belt sa katawan ko. Maya-maya pa ay napatingin si Daddy sa akin na siyang pinagtakhan ko. Iba kase ang titig niya sa akin. Parang ang weird. And that was the first time that I saw him staring at me in that way.

"There's something on my face?" tanong ko sabay tingin ko sa salamin.

"Kamukha mo ang tita Valeria mo sa make-up mo."

Agad naman akong napalingon sa kaniya sabay pagkunot ng noo ko.

"Don't mind it," dugtong niya.

He started the engine, at saka kami lumabas ng gate.

Habang nagmamaneho siya ay saglit siyang napalingon sa akin.

"Ngayon lang kita nakita na ganiyang kaganda. And I am proud of you dahil marunong ka na mag-ayos. Hindi gaya ng dati na mukha kang dragon." Pagtawa niya. Kinurot ko ang binti niya.

Habang nagbibiyahe kami ay napag-usapan namin ni Dad ang tungkol sa debut ko. Sabi niya ay almost one hundred persons daw ang invites ni Mommy. And they don't care kung magkano man ang magagasta nila, just to make me happy on my debut. Dagdag pa ni Daddy, ang pera raw ay naibabalik pa pero ang memories ay hindi na. Itatanong ko pa sana kung kasali ba sa one hundred invites si Tita Valeria, pero hindi ko na binanggit tiyak magtatalo na naman kami ni Dad, at maririnig ko na naman ang famous script niya – huwag mo nang isipin ang Tita Valeria mo. Hindi ko lang lubos maisip kung bakit iyan ang laging sinasabi ni Daddy kapag si Tita Valeria ang pinag-uusapan. At hinding-hindi rin nila ako masagot kung bakit magkagalit si Mommy and Tita Valeria.

Leaving You For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon