Three months later
LUNA POV
Wala nang pag-asa. Hindi na nga nagkabalikan ang mga magulang ko. Pormal nang pinirmahan ni Mommy ang papel na nagpuputol at nagpapawalang bisa ng kanilang kasal ni Daddy. Subrang sakit dahil sa biglang naglaho ang pamilya na inaasahan kong siyang gagabay sa akin. Lalong masakit dahil sa ilang linggo na lang ay debut ko na rin. Iyong party na sana ay gagawin namin ay hindi na matutuloy pa kahit pa sabihin ni Mommy na ituloy namin ang celebration sa kabila ng lahat na nangyari sa pamilya namin. She pleased me, pero ako itong umayaw na. Aanhin ko pa ang magarbong party kung hindi naman kompleto ang pamilya ko. Iyong gown naman na pinatahi para sa akin ay hindi na niya pinatapos pa.
Sa loob ng tatlong buwan ay nasa condo unit ako nag-stay. Mabuti na lang din at may naipon ako mula sa allowance ko kaya may pangbayad ako sa monthly payment ko at sa iba pang gastusin. Binibigyan din ako ni Daddy at ni Mommy ng pang allowance ko, direct sa savings account ko. Gusto ni Daddy na sa kaniya ako mag-stay for my security but I refused. Ganoon din si Mommy, she wants me to stay on her side, pero tumanggi ako. I can live without then. Ayaw ko na dumating ang panahon na pag-aagawan nila akong muli. Turan ko naman kaya ko naman ang sarili ko, at dapat ko nang sanayin ang sarili ko na mag-isa. Minsan ay dinadalaw ako ni Rafael sa condominium. Minsan doon na rin siya natutulog para samahan ako. Hindi ito alam ni Daddy and Mommy na magkasintahan na kami ni Rafael. At mas lalong hindi nila alam nagtatabi na kami ni Rafael sa iisang higaan, at naisuko ko na rin ang sarili ko sa kaniya. Hindi dahil sa mahal ko siya ay kundi wala na ako sa sarili kong katinuan noong sandaling iyon. Parang tinangay na lang papunta sa kawalan ang isip ko, hanggang sa nagising na lang ako isang umaga na yakap-yakap ko siya, at pareho kaming walang saplot sa katawan. Nagrebelde na rin ang utak ko at wala na akong pinapakinggan kundi ang sarili ko na lamang. Madalas din kami mag-away ni Rafael dahil sa pagkahilig ko sa alak at sigarilyo. Minsan ay pinupuntahan niya ako sa bar kung saan kami naroroon para sunduin ako at iuwe sa kanila. Minsan din kapag bumisita siya sa condo ko ay tinatapon niya ang pakete ng sigarilyo ko. Naalala ko na halos saktan ko na siya dahil sa pagkamatigas ng ulo ko. Naiinis na kase ako dahil sa mula noong naibigay ko ang sarili ko sa kaniya ay mas lalo siyang naging over protective. Ang gusto niya lang ang laging nasusunod.
"Para rin naman 'yan sa kapakanan mo Luna. Para na rin 'yan sa kalusugan mo. Ayaw kong dumating sa tagpo na babalik ang sakit mo sa puso. Please, kung mahal mo ako itigil mo na 'yang bisyo mo. Kahit para na lang sa akin." Aniya. At doon ay natauhan ako.
Ilang linggo ring nagtigil ako sa aking bisyo pero bumalik ito noong bumalik na naman ang kalungkutan sa sarili ko. Palagi akong dinadalaw ng kalungkutan tuwing gabi lalo na't kung hindi kami nag-uusap ni Rafael through video call. Sa tuwing dinadalaw ako ng kalungkutan ay nakakaubos ako ng isang kaha ng sigarilyo sa loob lamang ng tatlong oras. At nakakaubos rin ako ng dalawang bote ng redhorse beer sa isang oras. Kapag hindi pa ako nalalasing ay iniinuman ko pa ito ng tequila hanggang sa makatulog ako. Naglalasing ako para hindi ko na maisip ang problema ko at ang tungkol sa mga magulang ko. Minsan nagigising na lang akong nakabulagta na sa kusina maging sa sahig ng kuwarto.
Isang gabi habang umiinom ako ng alak nang mag-isa ay bigla na lang kumirot ang dibdib ko. Ang sakit na minsan ay hindi ko pa naranasan sa tanang buhay ko. Akala ko noon ay iyon na ang katapusan ko, mabuti na lang din at naisugod ako ni Rafael sa ospital. Insakto kase na dumating siya noong gabing iyon kasabay ng pag-atake ng aking sakit sa puso. Nag myday kase ako noon na umiinom ng alak, at noong na view niya iyon ay agad siyang nag-motor mula sa Alfonso Cavite papunta sa tinitirhan ko.
Sa ospital ay puro paninisi ang naririnig ko mula kay Rafael. Halos buong oras niya ako kung talakan. Para akong bata kung kaniyang pagalitan.
"Ilang beses ko na kase sinasabi sa'yo na itigil mo na 'yan. O tingnan mo, ang daming nakasaksak sa katawan mo." Si Rafael. Nakaupo siya sa tabi ko habang nakahiga ako sa ward at maraming aparato na nakakabit sa aking kamay at braso. Hindi na ako kumibo noon dahil sa tila pagod na ang aking bibig na magsalita at ipagtanggol ang aking sarili. "Luna, alagaan mo naman ang sarili mo dahil hindi sa lahat ng oras ay kasama mo ako. Mahal kita kaya kita napagsasabihan. Ayaw kong dumating sa panahon na..." napatigil siya nang nagsalita ako.
BINABASA MO ANG
Leaving You For Good
Ficción GeneralLeaving him for good is one of the difficult decision that I ever made. Kahit pa sabihing mahal ko siya ay kailangan ko siyang bitiwan at ibigay sa taong mas mahal niya. Kailangan kong magparaya.