VALERIA POV
After namin maghiwalay ni Michael ay nagpasya akong bumalik sa abroad pero hindi na sa Kuwait. Napag-isipan kong makipagsapalaran sa Spain at magtrabaho bilang sales lady sa isang maliit na mall. Ang inipon kong pera para sana sa kasal namin ni Michael ay siyang ginamit ko bilang placement fee at allowance sa pananatili ko sa Spain. Buo ang pasya ko na mag-abroad para na rin makalimot kay Michael at para na rin makaipon at makapagpatayo ng negosyo. Walang pag-aalinlangan sa isip ko na umalis ng bansa. My anger pushed me to break a wall – to move on. Ni isa sa mga kaibigan ko o sa pamilya ko ay wala akong nasabihan na aalis ako ng bansa. They don't care for me either, why to waste a second just to let them know.
Limang taon ang kontrata ko sa Spain at sa limang taon na pananatili ko roon ay nakilala ko si Simon – biyudo at may tatlong anak. He was 55 years old when we met. Noong una ay ayaw kong makipagrelasyon sa kaniya dahil ayaw kong mahusgahan ako ng mga tao sa paligid ko na kaya lang ako nakipagrelasyon sa biyudo ay para sa kaniyang pera. Sinabi ko ito kay Simon pero aniya ay hindi ko dapat pinapakinggan o pinapansin ang sasabihin ng ibang tao sa akin o ni hindi nila ako pinapakain. Isang taon mahigit niya akong niligawan hanggang sa sinagot ko siya. At sa araw na naging kami ay ipinakilala niya ako sa kaniyang mga anak. Kasing edad ko lang ang kaniyang panganay na babae, at ang bunso naman ay fifteen years old na lalaki. Buong akala ko ay hindi nila ako tatanggapin bilang step mom nila, pero mali ako sa aking inaakala. Anila ay matagal na raw nila akong gustong makilala at makita. Madalas daw ako kung ikuwento ng Papa nila sa kanila. At doon lang nila nakitang sumaya muli ang kanilang Papa. Turan ni Stefania sa akin – panganay na anak ni Simon, nagpapasalamat daw siya dahil tinanggap ko raw ang Papa nila. Habilin niya sa akin na lagi ko raw pasasayahin ang Papa nila at huwag ko raw iiwan. Ipinangako ko naman sa kanila kailanman ay hindi ko iiwan si Simon gaya ng pang-iiwan sa akin ni Michael.
I got pregnant in our second-year anniversary, and that was the happiest moment in my life and the greatest gift I ever received. In my fifth month being pregnant, my baby died, dahil sa mahina ang kaniyang puso. Masakit man sa akin ay wala akong magawa kundi ipa-abort ang bata - and that made our heart sink. Halos araw-araw at gabi-gabi ako kung umiyak noon. Sinisi ko ang sarili ko sa pagkawala ng anak namin ni Simon. But because of Simon's care and love, I moved on.
Para malibang ako at makalimot sa sinapit ng aming baby ay nagbukas ng negosyo si Simon, iyon ay ang beauty salon. Ako ang pinamahala niya kahit wala naman akong background sa ganoong uri ng negosyo. Nang lumago ang negosyo niya ay nagpatayo siya ng lima pang branch sa iba't-ibang bahagi ng Madrid. At dahil doon ay pinilit ako ni Simon na mag-aral sa Spain. Noong una ay ayaw ko dahil sa natatakot ako at nahihiya dahil na rin sa aking edad, but later on, nag-decide akong tanggapin ang offer niya na mag-aral. Dahil sa mahilig ako sa science and biology, kumuha ako ng kursong biological science, at noong grumaduate na ako ay nagpasya akong kumuha ng kursong dermatology. Natapos ko ang kursong iyon sa loob ng tatlong taon. Pagkatapos ko mag-graduate sa dermatology ay kumuha ako ng licensure exam, at sa parehong taon din na iyon ay nakapasa ako. After ko makuha ang license ko ay nagpatayo kami ni Simon ng dermatology clinic. Habang tinatrabaho namin ang mga papers sa pagpapatayo ng dermatology business namin ay nag-practice ako ng dalawang taon sa states. Every three months ako kung umuwe sa Spain, minsan din ay si Simon na mismo ang dumadalaw sa akin sa Amerika. After practicing my dermatology, ay saka na namin inasikaso ang pagpapatayo ng dermatology clinic. Noong una ay kakaunting tao pa lang nakakapansin sa clinic namin hanggang sa unti-unti itong naging patok sa masa. Kahit na ang mga sikat na modelo sa Spain at karatig bansa sa Europe ay dinarayo ang clinic namin. Until such time naisipan ni Simon na dalhin namin sa Pilipinas ang derma clinic ko. Sa katunayan ay tutol ako sa gusto niya dahil sa ayaw ko nang bumalik ng bansa dahil maaalala ko na naman ang tungkol kay Michael. But everything was change when Simon died. Napunta sa akin ang halos kalahati ng kaniyang yaman at ari-arian, at ang 50% namang natira ay pinaghatian ng kaniyang mga anak. After Simon's death, I chose to stay in Spain, but his memories kept bothered me every night. Parang bumalik ang sakit noong namatay ang tatay ko. Halos araw-araw at gabi-gabi ako kung umiyak habang yakap-yakap ang larawan ni Michael. Until one day, nagpalaam ako sa mga anak niya na bumalik ng Pilipinas. They cried when I live, anila ay para na rin daw silang nawalan ng magulang sa pangalawang pagkakataon. Masakit man sa akin na iwanan sila, pero pinaintindi ko sa kanila ang dahilan kung bakit kailangan kong umalis sa Spain. Iyon dahil sa nanghihina ako kapag naalala ko ang Papa nila. Bago pa man ako umalis ng Spain ay nagpagawa ako ng kasunduan na ang mga negosyo ni Simon na Salon ay mapupunta sa kaniyang tatlong anak, at ang dalawang Derma clinic naman ay mananatiling nasa pangalan ko, pero ito ay sa pangangalaga ng kaniyang bunsong anak. At noong bumalik ako ng Pilipinas ay itinayo ko ang kauna-unahang Derma Clinic ko sa isang mall. Unang araw ng pagbubukas ng clinic ko ay dinagsa ako ng mga sikat na modelo at artista, hanggang sa pumatok ito sa masa, hanggang sa nagpagawa ako muli ng tatlong branch. At dahil doon ay halos tumunog ang pangalan ko hindi lang sa Spain, maging sa bansa.
--
KASALUKUYAN
A heavy heat waved the metro city. I was in my office, I turned the aircon on just to scape from the heat waving outside. I sat in the front of my table. I opened the drawer, and I saw my pictures with Simon together with his children. Isa-isa ko itong tiningnan hanggang sa pumatak ang luha ko. A tear of sadness and joy. Sadness due to Simon's lost, and joy because of his love and trust - I hit the ground where I am now standing. My life was totally change because of him. Noong wala pa siya sa buhay ko ay wari ko wala na akong pag-asa pa. Sa unang limang buwan na pananatili ko sa Spain ay si Michael lang noon ang aking naiisip at gabi-gabi ako kung dalawin ng kalungkutan. Hindi ko na alam noon kung kanino pa ako kakapit gayong gusto nang bumitiw ng sarili ko. Minsan 'di ko na rin alam kung saan ako huhugot ng lakas ng loob, kung ipinagmumukha mismo akin ng mundo na wala akong kuwentang tao. Minsan gusto ko na lang din sumuko dahil sa nahihiya na ako sa mga taong mataas ang expectation para sa akin. Parang kinakain ko na lang ang pride ko para mag-stay kahit na alam ko namang hindi ko kakayanin. Pero sa tuwing naiisip ko na ang layo-layo na pala ng narating ko, parang lalo pa akong tumatapang para lumaban kahit na ang hirap-hirap na.
I wiped my tears, as I heard someone's knocking on my door - it was my house made voice. Aniya ay may bisita raw ako sa labas, si Luna raw. Dali-dali kong inayos ang sarili ko at saka ibinalik ang pictures sa loob ng drawer. Lumabas ako ng kuwarto ko. Paglabas ko ng bahay ay nadatnan ko roon si Luna. She ran before me and hugged me in tears. I frowned. I asked her why she's crying but she didn't give me any answer. She was hugging me while her eyes showering of tears. Ilang sandali pa ay huminto siya kaniyang pag-iyak. She rose her head to look at me.
"Bakit ka umiiyak Luna?" turan ko habang hinahagod ang kaniyang buhok.
"Si Mommy at Daddy," pagsumbong niya. At dahil doon ay kumabog nang malakas ang aking dibdib. I was expecting her to tell me a sad story, but it didn't. "Hindi na ako masaya sa bahay. Simula umaga hanggang sa gabi laging pag-aaway na lamang ang naririnig ko sa mga magulang ko."
I made her calm. Deserve naman nila mag-away, turan ko sa isip ko.
"Iha, ganiyan talaga ang mag-asawa, laging nag-aaway." I am trying to convince her.
"Pero halos araw-araw na lang Tita," she sobed. "I hurt the most everytime I am hearing them throwing bad words. Dati naman ay ang sweet nila, pero nitong mga nagdaang araw ay madalas na ang kanilang pag-aaway. Minsan sinasaktan na ni Mommy si Daddy, at wala namang magawa si Daddy kundi ang mag-walk out na lang. Hindi ko alam kung bakit ganoon na sila kung mag-away."
Pinatahan ko siya at niyaya sa loob ng bahay.
Umupo kaming dalawa sa sofa at saka ko ipinakuwento sa kaniya ang lahat para ilabas ang kaniyang hinanakit. Awang-awa ako sa bata habang nakikinig sa kaniyang kuwento. Wala akong magawa kundi sabayan siya sa kaniyang pag-iyak. Para mapagaan ang kaniyang dibdib ay niyakap ko na lang siya. Sinabi ko sa kaniya na mapapasaan ay mag-aayos din sila. Halos mapabitiw ako sa aking pagyakap kay Luna nang narinig ko ang kaniyang sinabi.
"Please Tita," she pleased me. "Baka makatulong po kayo sa pag-aayos nila."
Sa totoo lang ay hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko kay Luna. Ayaw kong mangialam sa problema ng iba lalo pa at problema iyon ng mag-asawa. Pangalawa ay hindi pa ako handa makipagkita kay Michael o kay Veronica.
"H-hindi ko alam kung magandang ideya 'yan Luna pero..." I stopped. I heaved. "alam mo naman na may problema kami ng mommy mo."
Yumuko siya. "Don't worry, I will try." Dugtong ko.
Inangat niya ang kaniyang ulo saka siya ngumiti. "Salamat po Tita." She hugged me.
-
Ilang oras din nagtagal si Luna sa bahay. Umalis siya ng bahay nang tinawagan siya ng Daddy niya. Nang umalis na siya ay saka ako napaisip sa kaniyang pakiusap. Ayaw ko siyang biguin pero ayaw ko ring makipagkita muna sa kaniyang mga magulang. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kanila. Hindi ko alam kung ikakabuti ba ito ng lahat.
Chapter Song: Sana'y Magbalik by Jovit Baldivino.
BINABASA MO ANG
Leaving You For Good
Ficción GeneralLeaving him for good is one of the difficult decision that I ever made. Kahit pa sabihing mahal ko siya ay kailangan ko siyang bitiwan at ibigay sa taong mas mahal niya. Kailangan kong magparaya.