CHAPTER 3

1 1 0
                                    

CHAPTER 3

VALERIA POV

Right after lumabas ng anak ni Veronica ay tumawag ako sa front desk to request na magpa-early close. Sabi ko kay Penelope, bumalik na lang bukas ang nagpa-appoint at bibigyan ko sila ng 20 percent discount sa items and consultation. Dinahilan ko na tumaas ang presyon ko kahit hindi naman. Nang lumabas na ang mga customers ay pinuntahan ako ni Penelope sa consultation room ko.

"Miss Valerie okay lang po ba kayo?"

"Yes, I am okay." Sagot ko sabay inom ng tubig.

"B-bakit po kayo nagpa-early close?" she asked.

"Because of that girl." Turan ko sabay abot sa kaniya ng papel na may number seven at pangalan na Luna Zuleyka de Jorge. "Yung number seven na customer kanina. Anak siya ni Mike at Veronica." Malumanay kong sabi.

Napatakip ng kaniyang labi si Penelope. "Oh my god! I'm so sorry. Hindi ko natunugan ang last name."

"No, it's not your fault. Hindi na rin siguro babalik ang bata na 'yon dito dahil sinabi kong ban na siya." I took a sighed. "As of now, dito ka muna sa clinic. Finish all the paper works, then magsara ka nang around one o'clock. I need to go home."

"Yes Dok!" turan niya sabay labas ng room.

Muli ay huminga ako nang malalim. Damn! I can't even believe na mangyayari 'to. Ni hindi ako makapaniwala na makakausap at makikita ko ang anak ng kapatid ko. At nang narinig ko ang pangalan nilang mag-asawa ay umapoy sa galit ang dibdib ko at bumalik ang dating sakit na ginawa nilang dalawa sa akin. I remembered how they broke my heart. I remembered how they fool me. They are the reason why I can't move forward from my past. Until now, I can't even believe na sarili kong kapatid ay magagawa sa akin ang bagay na iyon. Sa totoo lang parang gusto kong ibunton ang lahat ng galit ko sa anak ni Veronica kanina, pero it's wrong dahil wala namang kinalaman ang bata sa gulo naming magkapatid.

ANALPEPSIS

Dito nagsimula ang lahat. Kung paano nga ba kami nagkaroon ng lamat na magkapatid at paano kami nagkakilala ni Michael de Jorge.

Dalawa lang kaming magkapatid. Ako ang panganay at halos kargo ko ang responsibilidad sa aming pamilya. Maaga kaming iniwan ng aming ama at ito ang naging dahilan kung bakit nagka-anxiety ang ina ko. Iyon din ang dahilan kung bakit napilitan akong huminto sa pag-aaral sa college para supurtahan ang kapatid ko at ang nanay ko.

Sa totoo lang ay hindi kami handa sa pagkawala ni itay nang mga panahong iyon. He was only fourty-eight that time at ako ay nineten pa lang. Si Veronica naman ay fourteen years old at nasa scond year high school. Ni wala kaming ipon ng mga panahon iyon.

Isang security guard ang tatay ko. Pinatay siya ng kaniyang mga ka-trabaho dahil sa inggit. Running for head of security guard ang tatay ko noon. At dahil sa inggit ay pinagkaisahan siya ng kaniyang mga kasama. In-invite nila siya sa inuman at hayon hindi na siya nakauwe nang buhay hanggang sa nabalitaan na lang namin na patay na siya. Nakita na lang ang kaniyang katawan na palutang-luta sa ilog habang puno ng tama ng mga bala ang kaniyang likuran. Nahuli at nakulong naman ang apat na pumatay sa kaniya pero hindi sapat ang pagkakulong lang ang parusa sa kanila kumpara sa ginawa nila sa tatay ko. At ang ina ko naman ay isang housewife. May maliit kaming sari-sari store na siya ring nagbibigay tulong sa amin sa gastusin sa araw-araw. Halos lahat ng kailangan namin ay sa tindahan kinukuha. Mula sa baon naming dalawang magkapatid, upa sa bahay, kuryente at saka bayad sa tubig. Sa katunayan ay nagpakabit ng linya ng telepono si inay noon, ngunit wala pang tatlong buwan ay pinutol na ito gawa ng hindi kami nakakapagbayad ng monthly payment. Kung ano-anong panlalait ang naririnig namin sa kapitbahay namin noon. Na porket ambisyusa ang nanay ko. Ayaw masapawan. Ayaw magpakabog, at marami pang iba. Tiniis namin lahat ng mga pambabatikos nila sa amin. At lalo kaming nalubog sa utang mula nang namatay ang tatay ko. Ni walang kamag-anak ang tumulong sa amin at lumapit sa burol ng tatay ko gawa na rin ng malayo ang loob nila sa nanay ko. Halos lahat kase ng kapatid ni itay ay kaaway ni inay, at maging ang kapitbahay namin ay kaaway niya rin. Mabuti pa nga at may bumibili pa sa tindahan namin kahit papaano.

Leaving You For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon