RAFAEL POV
Habang nag-uusap kami ni Luna sa loob ng kaniyang kuwarto ay bigla na lang itong napatigil sa pagsasalita at napahawak sa kaniyang dibdib. Napaluhod siya sa sahig. Inangat niya ang kaniyang kamay na tila bang humihingi ng tulong, hanggang sa nawalan siya ng malay tao. Agad naman ako lumuhod para akayin siya. Sumigaw na rin ako ng saklolo kay Sir Michael. Dali-dali naman siyang pumasok sa loob ng kuwarto. Tinanong niya ako kung ako ang nangyari kay Luna. Turan ko ay bigla na lang siya nawalan ng malay tao habang nagsasalita. Mabilis akong naglakad palabas ng kuwarto habang buhat-buhat ko sa aking mga bisig si Luna. Habang naglalakad ako ay tinatawag ko ang kaniyang pangalan pero ni isang salita ay wala akong narinig mula sa kaniya. Nakasunod lang sa likuran ko ang kaniyang Daddy. Nang nakarating na kami sa parking area ay kaagad kong ipinasok sa loob ng sasakyan si Luna at pinahiga sa upuan – sa likurang bahagi ng kotse at saka ako umupo sa driver' seat. Pumasok na rin sa loob ang kaniyang Daddy at tinabihan ito. Akay-akay niya si Luna sa kaniyang bisig habang tinatawag ang kaniyang pangalan. Agad kong in-start ang sasakyan at mabilis na pinatakbo papunta sa pinakamalapit na ospital.
Habang nagmamaneho ako ay panay ang tingin ko sa rear mirror para sulyapan si Luna. Wala pa rin siyang malay tao, at ayon sa kaniyang ama ay humihina raw ang pagpitik ng kaniyang pulso. Lalo akong nabahala kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo. Wala na akong pakialam sa mga kotse na sa aking harapan. Panay ang over-take ko at maya't-maya ang paghampas ko sa bosena ng sasakyan.
Malakas ang kabog ng aking dibdib habang papunta kami sa ospital. Samo't-saring eksena naman ang siyang pumapasok sa utak ko. Halos lumalabo na rin ang mata ko dahil sa luhang kanina pang gustong kumuwala mula sa aking mga mata, hanggang sa pinahiran ko ito. Maya-maya pa ay narinig ko si Sir Michael na may kausap sa telepono. Tumawag siya sa St. Lukes Hospital para sabihing maghanda ang tao nila sa Emergency Room, at agad niya ring ibinaba ang kaniyang telepono pagkatapos nilang mag-usap.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa ospital. Pagtigil ng sasakyan ay mabilis kaming bumaba pareho ni Sir Michael, akay-akay niya si Luna. Pagkarating sa pinto ng Emergency Room ay sinalubong kami ng guardya at ng dalawang nurse. Natataranta namang kumuha ng streatcher bed ang guard para ibigay sa amin. Agad naman naming pinahiga si Luna, at tinulak para dalhin sa loob ng Emergency Room. Pagkarating sa E.R ay ipinasok sa loob si Luna kasama ang kaniyang ama. Hindi na ako pinapasok dahil isang tao lang ang puwede sa loob, gawa ng covid protocool. Umupo ako sa bakanteng upuan na nasa gilid ng pinto ng Emergency Room. Walang pigil sa pagkabog ang aking dibdib na animoy tambol na hinahampas. Maya't maya rin ang silip ko sa maliit na salamin na nasa pinto ng Emergency Room. Kita ko sa loob kung paano nagmamadali ang mga doktor para kabitan ng aparatus si Luna.
Bumalik ako sa pagkaupo dahil hindi ko kayang makita si Luna sa ganoong sitwasyon. Napayuko na lang at siyang sarado ko ng aking mga palad. Doon ay nanalangin ako. Hindi ko matatanggap na may mangyaring masama kay Luna. Hindi ko kaya na mawala siya sa akin. Ngayon lamang ako nagmahal nang ganito, at hindi ako papayag na hadlangan ako ng tadhana. Handa akong magmakaawa kay kamatayan para lang hilingin na huwag niyang kunin sa akin si Luna.
Ilang sandali pa ay lumabas na ng Emergency Room si Sir Michael. Mabilis naman akong tumayo para salubungin siya. Agad ko siyang tinanong kung kumusta na si Luna, ngunit hindi siya nakasagot. Bagkos ipinatong niya ang kaniyang ulo sa aking balikat. At sa tagpong iyon ay para akong estatwa na hindi magalaw. Lalong lumakas ang kabog ng aking dibdib. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman hanggang sa hindi ko na namalayang pumatak na ang luha ko.
Maya-maya pa ay inangat ni Sir Michael ang kaniyang ulo at napatingin sa akin.
"Nag-aagaw buhay si Luna," maluha-luha niyang turan sa akin. "Hindi ko matatanggap na may mangyari sa anak ko." kita ko ang pagnginig ng kaniyang labi.
BINABASA MO ANG
Leaving You For Good
Narrativa generaleLeaving him for good is one of the difficult decision that I ever made. Kahit pa sabihing mahal ko siya ay kailangan ko siyang bitiwan at ibigay sa taong mas mahal niya. Kailangan kong magparaya.