CHAPTER 11

6 1 0
                                    

CHAPTER 11

LUNA POV

Hindi ko alam kung bakit masaya ako kapag kasama ko si Rafael. Iba ang tibok ng puso ko kapag kasama ko siya. Para akong dinuduyan sa alapaap. Feeling ko ay secured ako sa kaniya. Wari ko kapag kasama ko siya ay ni lamok ay walang dadapo sa akin. Hindi ko alam kung ganito ba talaga ang pakiramdam ng nagmamahal, sapagkat naninibago ako sa takbo ng aking isip, maging sa ligaya na aking nararanasan. Ni ayaw kong humiwalay sa kaniya. Ni ayaw ko siyang patigilin sa pagsasalita sapagkat nasanay na ang tainga ko sa kaniyang malamig at malambing na tinig. Ganito pala ang magmahal. Nakakapraning, nakakaamats. Wari ko'y nalalasing ako sa pagmamahal na pinapakita at pinapadama ni Rafael. Minsan lang ako makadama nang ganito, kung sino man ang gustong sumira sa pagmamahalan naming dalawa ay handa ko itong ipaglaban. Hindi ko hahayaan na masira ito kagaya ng relasyon ng mga magulang ko. Wala pa akong minahal na kagaya nang ganito. Kahit maaga pa man sabihing handa ko nang ibigay ang puso ko sa kaniya, ay akin ko siyang babakuran.

Gabi nang umalis kami sa harapan ng mga magulang ko. Dali-dali kaming sumakay ng sasakyan na dalawa ni Rafael. Inutusan ko siyang magmaneho, subalit siya itong pasaway at ayaw sumunod sa nais ko. Hindi ko namalayang nataasan ko siya ng boses. "Dalian mo na," utos ko sa kaniya.

"Pero Luna, paano ang mga magulang mo? H-hindi matatapos ang gulo kapag hindi kayo nagkaayos." Wika niya.

"Wala akong kinalaman sa gulo nila," masungit na sagot ko. "Isa pa, sila ang dapat mag-ayos, at labas na ako roon."

Ilang sandali pa ay kita ko mula sa labas ng kotse ang pagtakbo ng magulang ko patungo sa kinaruruunan namin ni Rafael. Agad kong inutusan si Rafael na paandarin na ang kotse nang sa gayon ay makaalis na kami. Noong una ay nagmamatigas pa siya at ayaw niyang sumunod sa nais ko. Agad ko namang inagaw ang susi mula sa kaniyang kamay para ako na mismo ang magpaandar ng sasakyan. Rinig ko ang kaniyang pagbuntong hininga. Batid kong tutol siya sa nais ko ay sinunod niya na lang ang kagustuhan ko – na makaalis sa aming kinaruruunan para takasan ang aking mga magulang.

Sa pag-start ng sasakyan ay agad na inabante ni Rafael ang kotse at mabilis na pinatakbo. Turan ko kung mahal niya akong talaga ay itakas niya ako mula sa mga magulang ko dahil ayaw kong sumama sa kanila. Nagpatuloy ang pagmamaneho ni Rafael hanggang sa nakarating kami sa isang baryo. Mabuti na lang din at hindi kami nasundan ni Daddy o ni Mommy. Tinanong ko si Rafael kung nasaan kami. Aniya ay nasa baryo raw nila kami. Sa short cut daw siya dumaan, at kakaunti lang daw ang nakaalam ng daan na iyon, kaya marahil ay hindi na rin kami nasundan nila Mommy at Daddy.

Hininto ni Rafael ang kotse sa likod ng isang maliit na bahay. Yari ito sa plywood at ang ibabang bahagi ay gawa sa konkreto. Pininturahan na kulay puti ang bawat pader at ang bintana naman ay gawa sa sliding glass window type. Napapalibutan ng halaman ang bahay na siyang nakadagdag ng ganda nito.

"Kaninong bahay 'to?" usisa ko kay Rafael.

"Sa amin," sagot niya. "Dito muna tayo mag-stay ng isang gabi, tapos uuwe na tayo sa inyo kinabukasan."

"Hindi," mariing pagtutol ko. "Kailanman ay hindi na ako uuwe sa amin. Ayaw ko nang makarinig ng sigawan. Ayaw ko nang marinig ang pagtatalo nila Mommy and Daddy." From there, bigla nang pumatak ang luha ko. "Lalo akong nasasaktan kapag naririnig ko silang nagtatalo." Ilang sandali pa ay inilapit ni Rafael ang kaniyang katawan sa akin at mahigpit akong niyakap. Hinimas niya ang likod ko kasabay ng pag-agos ng aking mga luha. Pilit niya akong pinapatahan at binibigyan ng motivational words. Ni hindi na ako tinatablan ng kung ano mang motivational words niya, bagkos patuloy lang ako sa aking pagtangis.

Ilang sandali pa ay nahimasmasan na ako. Tumigil na rin ako sa aking pag-iyak. Niyaya ako ni Rafael na pumasok sa loob ng kanilang bahay. Kumatok siya sa pinto at tinawag ang kaniyang inay. Maya-maya pa ay bumukas ang ilaw sabay tanong ng ale sa loob kung sino iyong tao sa labas. Agad namang nagpakilala si Rafael at siya ring pagbukas ng pinto. Paglabas ng ale ay kaagad niyang niyakap si Rafael, sa kaniyang likuran ay naroon ang isang lalake na may katandaan. Lumabas ito ng bahay at niyakap din si Rafael. Kaagad din silang humiwalay sa pagyakap kay Rafael.

Leaving You For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon