CHAPTER 7

5 1 0
                                    



LUNA POV

I woke one morning with a widened excitement in my eyes. Noon ay tamad na tamad ako kung gumising tuwing umaga, pero this time tila bang kung may anong enerhiya ang nasa aking mga kalamnan para ma-exciete akong magising. I strecthed my arms. Bumangon ako at sumilip sa bintana para kumuha ng preskong hangin. Pagsilip ko ay agad na tumama ang aking mata sa isang lalaki na nakatayo sa garden. Nakaharap siya sa bintana ng kuwarto ko na tila bang nag-aabang na may susulyap doon. Mabilis akong nagtago sa likod ng kurtina nang nagtama ang aming mga mata. Ewan ko ba para akong yelo na nalulusaw sa tuwing nakikita ko si Rafael. Ni hindi ko magawang tumingin nang deretso sa kaniyang mga mata. Muli ay sumilip ako sa likod ng kurtina para tingna siya, pero wala na siya roon sa kaniyang kinatatayuan. Umalis ako mula sa aking kinatataguan at pumasok sa banyo para maligo.

It was six-thirty in the morning nang lumabas ako ng bahay. Agad akong tumungo sa garahe. Pagkarating ko roon ay naabutan ko si Rafael na pinupunasan ang windshield ng sasakyan. Hindi ko maiwasang hangaan ang kaniyang katawan, lalo na ang kaniyang puwet. Mas malaki pa yata ang puwet niya kaysa sa akin. He is so sexy indeed. Napatingin ako sa kaniyang braso na halos mapunit na ang sleeves ng kaniyang uniform dahil sa laki nito. Parang ang sarap-sarap magpagapos sa kaniyang braso na parang pandesal na putok na putok. Nang napansin niyang nasa likuran niya ako ay agad siyang lumingon at binigyan ako ng isang matamis na ngiti. Napayuko na lamang ako para itago ang kilig na aking nararamdaman. May kung anong dagitab ang siyang dumaloy sa aking ugat dahil sa ngiti na iyon. It feels I was in the cloud nine.

"Magandang umaga Luna, ang aga niyo po yata." Si Rafael.

Inangat ko ang ulo ko para tingnan siya. "Maaga kase ang klase namin today, and my teacher hates late. Nagsasara ng pinto 'yon if alas siete ay wala pa kami sa loob ng room."

"A ganoon po ba? E 'di tara na po, baka ma-late ka." Pagmamadali niyang pagbukas ng pinto sa likurang bahagi ng sasakyan na siya ring pagpasok ko sa loob. Nang nakapasok na ako ay siya ring sara niya sa pinto. Pumasok na rin siya sa loob ng sasakyan at inayos ang rear mirror, at dooon ay muling nagtama ang mata naming dalawa.

"Kumusta pala ang tulog niyo?" he asked.

"A-kuwan. O-okay lang din naman," nauutal kong sagot. Para bang nakalunok ako ng lamok kung mautal ako. "Nakatulog ako ng maayos," dugtong ko. Kung hindi niya lang alam na halos hindi ako makatulog sa kaiisip sa kaniya. Kung saan-saan na ako dinadala ng isip ko. Halos pagpantasyahan ko siya buong gabi. "Ikaw kumusta naman ang tulog mo?" tanong ko sa kaniya.

"Medyo puyat nga ho, halod alas tres na ako nakatulog. Marahil may umiisip sa akin kaya hindi ako nakatulog agad." Pabirong turan niya.

Napakagat labi ako para pigilan ang pagngiti ko. Patawarin mo sana ako Rafael kung hindi ka nakatulog kaagad kagabi sapagkat ako ang salarin dahil sa kaiisip ko sa'yo.

"Tara na ho," aniya sabay start niya sa sasakyan.

May kung anong katahimikan sa pagitan naming dalawa ni Rafael habang bumabiyahe kami papunta ng school, hanggang sa napahikab siya.

"Magsalita ka naman Luna para 'di ako antukin," aniya sabay tingin niya sa rear mirror. Kumunot ang noo ko. Ano naman ang pagkukuwentuhan natin? Tungkol ba sa future nating dalawa? Esheess! I started a topic about sa favorite genre music niya. Aniya ay gusto niya ang mga accoustic songs and ballad. Nakaka-relax daw kase iyon at nakakawala ng stress. I asked him if he know how to play a guitar, and he said yes. Halos lumukso naman sa tuwa ang aking dibdib nang malaman kung marunong siya mag-gitara. Na-a-attract kase ako sa mga gitaristang lalaki. I asked him if he know how to sing. He sarcastically replied, "Sa banyo lang ako kumakanta e." Hmmm! Parang gusto ko tuloy makisabay sa pagligo sa kaniya para lang marinig ko siyang kumakanta. Tapos sasabayan ko siyang kumanta, at ang gagamitin kong microphone ang 'yon ano niya. Charis. Kalandi ko na talaga.

Leaving You For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon