CHAPTER 12

4 1 0
                                    


CHAPTER 12

MICHAEL POV

Nasa condominium ako nanatili simula noong nagtalo kami ni Veronica. Kanina lang ako nakauwe ng bahay noong nalaman kong nakabalik na si Luna. Nagpapasalamat na rin ako kay Rafael dahil sa panahong kailangan ni Luna ng karamay, ay nariyan siya.

Alas kuwatro na nang madaling araw pero mulat na mulat pa rin ang aking mga mata. Ni hindi ako makatulog nang maayos dahil sa kung ano-anong pumapasok sa isip ko. Ang tahimik ng paligid ngunit kay gulo ng aking isipan. Sa katunayan ay katatawag lang ni Rafael sa akin para ipaalam na nakauwe na si Luna. Iyon nga lang, lasing. Lalo akong nasaktan dahil sa epekto kay Luna ng aming paghihiwalay ni Veronica. Pilitin ko mang ayusin ang amin pamilya pero tila yatang matutuluyan na itong magigiba. Marahil kailangan na nga naming tuluyang maghiwalay dahil sa hindi na maibabalik ang dati kong nararamdaman sa kaniya – ang pansamantalang pag-ibig. Aminin kong natukso ako noong wala si Valeria sa tabi ko. Hindi ko inaasahang mabubuo pala ang isang gabi na pagkakamali na aming nagawa. Wala na rin akong magawa kundi pangatawanan na lamang ang aming nagawa, kahit pa na may masasaktan kami.

May kung anong panghihinayang sa dibdib ko. Ang panghihinayang na labing walong taon ko nang bitbit sa aking dibdib. Walang araw na lumipas kung aking pagsisihan ang aking mga maling nagawa, lalo na sa babaeng pinakamamahal ko. Halos gabi-gabi kong hinihiling na bumalik ako sa nakalipas, nang sa gayon ay aking maitama ang aking mga pagkakamali. Galit ako sa aking sarili dahil ni hindi ko manlang pinag-isipan nang tama ang naging desisyon ko. Nagpadalos-dalos ako at hindi ko manlang naisip na may isang taong naghihintay sa akin mula sa malayo. Hindi ko inisip na may isang taong umaasa na mabuo at matupad ang pangarap na aming nasimulan. Tama nga ang sabi nila na sa huli palagi ang pag-aasa. Enjoy now, suffer later. Pero deserve ko naman masaktan nang ganito, dahil dinala ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon.

--

Alas diyes ng umaga nang nagising ako. Hindi ko namalayang nakatulog pala ako habang iniisip si Valeria.

Dali-dali akong bumangon at naligo, saka nag-ayos. Pagkabihis ko ay agad ako lumabas ng condo unit at saka pumunta sa parking area para kunin ang sasakyan. Ilang beses kong inisip kagabi na subukang makipagkita at makipag-usap kay Valeria. Hindi ko alam kung tama ba itong naiisip ko, pero wala namang masang subukan, dahil baka naman umubra.

Alas onse nang nakarating ako sa kaniyang clinic. Ilang minuto rin ako nagtagal sa loob ng kotse dahil biglang nabahag ang aking sarili. Muntikan ko nang hindi ituloy ang nais kong makipagkita kay Valeria, pero may kung anong bumubulong sa isip ko na ituloy na ito. Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa loob ng clinic. Agad naman akong binati ng babae sa front desk. Tinanong niya ako kung may appointment ba ako, ang sagot ko naman ay wala. Tinanong ko siya kung nariyan ba si Valeria, ang sagot niya naman ay wala pa. Ibang doktor daw ang naka duty ngayon. Tinanong niya akong muli kung sino ako at kung ano ang pakay ko sa boss niya. Sagot ko ay business partner at mayroon kaming meeting.

"Ah ganoon po ba? Nasa coffee shop pa po si Doc, nasa ibaba. Gusto niyo po ba tawagan ko para i-inform siya na...."

"Hindi na," pigil ko sa kaniya. "Ako na lang ang pupunta sa coffee shop. Ako na lang ang tatawag sa kaniya." Ani ko sabay labas ng clinic.

Agad akong pumunta sa coffee shop na sinasabi niya. Dahan-dahan akong naglalakad patungo sa coffe shop. Sa bawat hakbang ko ay siya namang pagkabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko siya haharapin. Hindi ko alam kung ano ang aking sasabihin. Nang nakararting ako sa coffee shop ay agad akong pumasok sa loob. Sa pintuan kung saan ako nakatayo ay nilibot ko ang tingin ko hanggang sa nakita ko siya sa isang sulok- nag-iisa. Huminga ako nang malalim at nilakasan ang loob ko. hinakbang ko ang aking mga paa patungo sa kaniyang kinaruruunan.

Leaving You For GoodTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon