LUNA POV
Pagkalabas ko ng mall ay nakita ko kaagad si Daddy. Nilapitan niya ako at hinawakan sa aking balikat. Hinila niya ako para pumasok sa loob ng kotse at wala akong magawa kundi ang sumunod na lang. Gusto ko man magreklamo pero tila ni ayaw akong tulungan ng aking dila para magsalita. Para akong kawayan na sumusunod sa ihip ng hangin kung ako ay kaniyang kaladkarin. Sabay kaming pumasok sa loob ng kotse. Mabigat niyang isinara ang pinto ng sasakyan na siyang pag-angat ng balikat ko. I've never seen my dad to be a boiling mad. Iyong ang tapang-tapang kong tao pero tila nabahag ang aking buntot sa pagkakataong ito.
"Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na huwag kang pumupunta sa office ni Valeria. Hanggang ngayon ba umaasa ka pa na kakausapin ka niya?" Pagtaas ni Daddy ng kaniyang boses. Napayuko na lang ako. Hinampas ni Daddy ang manubela na siyang pag-angat muli ng balikat ko. "This is the last time that I will remind you about this Luna. Huwag ka na pumunta sa office ni Valeria. She hates our family."
Tumingala ako para harapan si Daddy.
"No Dad!" matapang kong pagsagot. "She's not. Kayo lang naman ni Mommy ang galit sa kaniya. Nakausap ko na siya at unti-unti ko nang nakukuha ang sagot sa tanong ko sa inyo ni Mommy."
Napalingon siya sa akin. Tila bang nakakita siya ng multo sa paraan ng pagtitig niya sa akin.
"Did she tell something?" May kung anong pagkabahala sa tuno ng kaniyang pananalita.
"Yes." Matipid kong sagot.
Kita ko ang pagtiim ng kaniyang panga.
"Kailan pa kayo nag-uusap? Paano kong malaman ng mommy mo 'to?" pagsalubong ng kaniyang mga kilay.
"I don't care Dad. Bakit parang takot na takot kayong makausap ko si Tita Valeria? Natatakot ho ba kayo na malaman ko ang tunay na dahilan kung bakit sila nagkagalit ni Mommy?"
Umiwas siya ng tingin sa akin. Kita ko ang pagyukom ng kaniyang mga kamao. Maya-maya pa ay humugot siya ng pinakamalalim na pagbuntong hininga. Hindi na siya nakasagot at in-start ang kotse. Mabilis niya itong pinatakbo pauwe ng bahay. Halos mapahawak na ako sa kinauupuan ko dahil sa bilis ng pagtakbo ni Dad sa kotse. Ilang beses ko na rin siyang nasigawan na pabagalin niya ang pagtakbo pero hindi siya nakikinig. Ilang minuto pa ay nakarating na rin kami sa bahay. Pagparada ng kotse ay siya ring baba naming dalawa. Nauna akong maglakad at nakasunod naman si Daddy sa akin habang tinatalakan ako, pero pinapasawalang kibo ko na lamang ang lahat ng kaniyang mga sinasabi, hanggang sa napahinto ako sa aking paglalakad nang hinawakan niya ang braso ko.
"Hindi ko alam kung bakit ganiyan ang inaasal mo Luna. Ni hindi naman kami nagkulang ng Mommy mo sa pagpapalaki sa'yo." Si Dad.
I shook my head. I wanted to speak but I chose not to, dahil hahaba na naman ang istorya hanggang saan na mapunta ang usapan.
"Hindi ka lalabas ng bahay sabado at linggo, at araw-araw na kitang susunduin sa school mo. You are grounded." Huling salita ni Daddy bago siya umalis sa harapan ko. Nauna siyang umakyat ng hagdan para pumasok sa loob ng kuwarto. Nang nakasigurado na akong nakapasok na siya sa loob ng kanilang kuwarto ay pumanhik na rin ako. Habang naglalakad ako sa pasilyo patungo sa aking kuwarto ay napatigil ako nang napadaan ako sa pinto ng kuwarto nila Daddy. Idinikit ko ang tainga ko sa pinto ng kanilang kuwarto at pinakinggan ko ang kanilang pag-uusap na dalawa.
"Don't need na ihatid sundo mo pa si Luna sa school. Nag-hire ako ng driver na maghahatid-sundo sa kaniya sa school. Alam mo naman na maaga na ang pasok mo sa office Michael, and our staff needs you." Si Mommy.
"Hindi puwede hon. Kilala mo ang anak mo. Tataguan niya lang ang driver, and worst baka magrebelde pa siya. Habang lumalaki siya lalo siyang nagiging pasaway. Hindi ko alam kung saan niya nakuha ang asal niyang 'yan. Ni hindi naman ako nagkulang sa kaniya. Kahit mag-hire ka pa ng sampung driver ay matatakasan lang 'yan sila ni Luna. Much better na ako ang maghatid at sundo sa kaniya."
BINABASA MO ANG
Leaving You For Good
General FictionLeaving him for good is one of the difficult decision that I ever made. Kahit pa sabihing mahal ko siya ay kailangan ko siyang bitiwan at ibigay sa taong mas mahal niya. Kailangan kong magparaya.