03

4 2 0
                                    


03

Habang nasa byahe kami ay wala akong ibang ginawa kundi ang laruin si sky. He's so cute. Kagigil.

Napatingin ako kay ate nung nagsalita sya.

"May sinabi ba si lola sa'yo?"

"Wala, ate." With matching iling iling pa.

"Sigurado ka?"

I nodded at her, and smiled para hindi na sya mag alala pa.

Akala ko ay hindi na sya magsasalita, pero sana nga ay hindi na lang ulit sya nagsalita kung papagalitan lang din naman nya ako.

"Akala mo ba ay nakalimutan ko na yung nangyari, Liora? Ganun ka ba talaga tumawid ha?! Hindi ka pusa! Wala kang syam na buhay ha!" Sabi nito na may kasamang gigil.

"Ate naman, bat nadamay ang pusa dito. Ang mahalaga hindi ako nabangga."

Umiling iling na lamang sya and she looked so done with me.

Thanks kay freya, nakuha ko yung ugali nyang palabiro. It's been two years since I last saw them. I wonder kung kamusta na kaya sila.

Sa ibang bansa na sila nag aral nung grade 11 na kami 'til now, kaya lonely girl ako ngayon. Ayaw pa nga nila akong iwan. di ko ba alam sa dalawang iyon. Hay. I miss them both.

Habang nilalaro laro ko ang mga daliri ni sky ay nagsalita ako.

"Saan nga pala tayo pupunta, ate? Akala ko ay sa bahay tayo?"

Tumingin sya sa akin.

"Kailan ba ako pumasok sa bahay na yun after nung nangyari?"

Okay. Shut up na ako. Baka mapababa pa ako ng wala sa oras.

"Mag SM na lang tayo."

"Okay."

"Saan mo ba gustong kumain?"

Ito talaga ang pinakamahirap na tanong for me. Ang dami kong gustong kainan. Hay. Pwede bang magkaroon na lang ng kainan na magkakasama ang jollibee, inasal at greenwich? Para hindi na ako mahirapang mamili.

"Greenwich ate. I want pizza."

She nodded at me at tumingin na sa unahan.

Kuya kevin parked the car. We went out at nagsimula nang maglakad papasok.

"Kakain na ba tayo or may pupuntahan ka muna?"

"Wala ate, kayo ba?"

"Magtitingin kami ng mga laruan para kay sky."

"Okay. Sama na ako."

Wala pa kami sa toy kingdom ay dali daling nagpababa si sky at nagtatakbo pa pasok nung nakita nya ang mga laruan. Kahit hindi pa sya gaanong marunong tumakbo ay sige ang takbo nya. Cutie. Basta talaga laruan.

Kuya kevin quickly went to sky, held his hand and they walked together inside.

Lumapit ako kay ate at kumapit sa braso nito. She looked at me. I smiled at her.

"Pupunta pala muna akong national book store, ate. Magtitingin tingin muna ako dun, baka may magustuhan ako."

"Okay. Take care. Text kita after we're done here.

" Okay." At tumalikod na ako.

Mula sa kinatatayuan ko ay napansin ko na kukunti lang ang tao sa nbs. Wala ba silang bagong book? Sana ay meron, at pumasok ako.

You And Me Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon