04"Miss?" Lito kong sambit.
"Yes." He chuckled. "I'm a Lesbian."
Wait teka lang. Nagloloading pa isip ko. Nang nahimasmasan ako ay hindi ko mapigilang mapasigaw sa kanya.
"WHAAAT?!"
Is he serious? Don't get me wrong. I'm not against sa mga katulad nya.
I admire them actually 'cause it's really hard to open up to the people who's important for them lalo na kung walang kasiguraduhan na matatanggap sila but they take a risk and they did it.
They slowly reveal their selves in the society in hopes that they will accept them. Some people did and some people didn't.
And it's okay for them even if there are only few, at least may tumanggap sa kanila.
And it's enough 'cause all they ever want is to be accepted. Ang tapang nila para sumugal.
Ganito lang reaction ko kasi hindi ko inaasahan. She really looks like a guy to me.
Baka naman binibiro lang ako nito? With that thought ay unti unti akong kumalma.
"Why do you look so shock?"
"Hindi ba halata? Sino ba ang hindi magugulat sa sinabi mo?"
"My family."
Seryoso ba talaga? Na hindi sya lalaki? Kaya ba ganun boses nya?
And family? They knew na? Of course. Kahit kailan ka talaga, liora. Halata naman eh.
Hindi sya magcocome out sa public place kung hindi pa alam ng mga taong mahahalaga sa kanya kasi I think it's true, na kapag alam na ng family mo and tanggap ka nila, hindi mo na iintindihan yung mga sasabihin ng mga ibang tao about sayo.
I'm happy for her pero hindi ko sasabihin sa kanya. Manigas sya dyan.
Pero hindi pa rin ako makapaniwala.
"Seryoso ka ba?
"Yes. Do you want proof?"
What the hell??
"Bastos mo!"
"Why? Hindi naman ako naghubad sa harap mo ah." Natatawa nitong sabi.
Nagpapadyak ako sa inis.
"Dyan kana nga!" Lalampasan ko na sana sya ng hinawakan nya ulit wrist ko, at binitawan agad ulit.
"Where are you going?"
"At bakit?"
"I just want to know."
Tinignan ko ang phone ko at nakitang wala pa ring text si ate.
"Nakikita mo 'tong hawak ko?" Itinaas ko ang book na hawak ko. Tumango sya. "Babayaran ko kaya padaanin mo 'ko."
"Oh okay." Tumabi sya. Inirapan ko muna sya bago nagmartsa papunta sa counter.
Akala ko'y aalis na sya pero nanatili siyang nakatayo doon sa labas. Hinihintay ba nya ako? Ganda ko naman.
Nung nakapagbayad na ako ay tuloy tuloy na akong lumabas at hindi sya pinansin, pero hinawakan nya ulit ang wrist ko and this time, hindi na nya binitawan.
"Oh ano? Feeling close ka na masyado ha. Nako alam kong maganda ako pero bawal pa ako mag ahm ano ba? Boyfriend kung hindi ikaw, at girlfriend kung ikaw."
Tumawa sya ng malakas.
"Saya mo ha." Sa inis ko ay hinampas ko ang kanyang braso para tumigil sya.
BINABASA MO ANG
You And Me Against All Odds
عاطفيةThis story is about two people in love with each other but they know they can't be together. But the question is, would they still choose to love each other and fight for their love even if they hurt the people around them? Or will they choose to l...