08

2 2 0
                                    

08

Hindi ko pinansin ang tingin ng lola ko sakin. Ibinaling ko ang tingin ko kay psalm at ngumiti sakanya.

"Thank you, psalm, but next time, don't park your car here in front of our house. Diretso mo na sa loob nyo."

I can see in her eyes na nagulat sya sa sinabi ko. It's foul, I know. Nag magandang loob lang naman sya pero kasi wala naman akong choice.

"Where's the twins pala?" Halata pa rin sa mukha nito ang gulat.

"They're already inside."

"Tell the twins that I will go first to our house. Maglilinis muna ako ng katawan." She nodded.

I said thanks at bumaba na ako.

I'm sorry, psalm.

Tumalikod na ako sakanya at nagsimula nang maglakad papasok sa bahay namin. Pag angat ng tingin ko ay nakita ko ang tingin ng lola ko sakin pero binalewala ko ito.

Sumulyap ulit ako kay psalm at nakita kong nakatingin pa rin sya sa akin. Tumango ako sakanya at pumasok na sa loob.

Sinara ng lola ko ang pinto at umupo na ako sa sofa namin. Alam ko na agad ang kasunod na mangyayari.

Kung pwede lang iwasan. Kung pwede lang umakyat agad sa kwarto at wag ng manatili dito sa baba ay ginawa ko na, pero kapag ginawa ko iyon, mas lalo lang lala ang mangyayari.

Pagkasarang pagkasara ng pinto ng bahay namin ay boses agad ng lola ko ang aking nadinig.

"Akala ko ba ate mo ang kasama mo, Liora!?"

"Si ate nga po --- " Hindi pa ako tapos magsalita ay pinutol na nya agad ako.

"Kung ate mo ang kasama mo, bakit iba ang kasama mong dumating dito?!"

"Dumating po ---"

"Hindi kita pinalaking sinungaling, liora! San mo nakuha yan?! Sa ate mo?!"

Lagi na lang ganito. Napapagod na ako. Bakit ba kasi hindi nya ako magawang pakinggan kahit isang beses lang? At bakit ba laging nadadamay si ate sa tuwing nagkakaganito kami?

"Wala pong kinalaman si ate dito, lola. Sarili ko pong desisyon ito."

"At natututo ka nang sumagot ha?! Saan mo ba nakukuha ang ugaling yaan liora?"

Here we go again. Hindi ko alam kung saan ba ako lulugar.

"Lola nagpapaliwanag lang po ako. Bakit po kasi hindi nyo muna ako pakinggan?" Naluluha kong sabi.

Binalewala nya ang mga sinabi ko. Ano pa bang bago? Bakit ba hindi ako masanay sanay?

"Sino yung kasama mo? Tomboy yun, hindi ba?"

I didn't say a word. I knew what she was going to say at hindi nga ako nagkamali. Hindi ko lang inaasahan ang kung ano ang itinawag nya kay psalm.

"Ayokong makita kang kasama ang salot na yun, liora. Naiintindihan mo ba?"

Salot? Hindi ko maatim ang tinawag nya kay psalm.

"Bawiin mo lola ang sinabi mo." Mahinahon kong sabi.

"Bakit ko babawiin? Walang nilikha ang Diyos na katulad nya kaya tama lang na salot ang itiwag sakanya!"

Doon na ako napuno. Hindi ko akalaing ganito sya kalala.

"Hindi mo ba nakikita, lola? Tao sya katulad natin. Humihinga sya katulad natin. They have feelings, too! Hindi mo pwedeng sabihin na hindi sila nilikha ng Diyos kasi kung hindi, bakit naririto sila ---"

You And Me Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon