09

3 1 0
                                    

09

Of course, she saw that. Maliwanag ang ilaw na nanggagaling sa loob ng kwarto ko, idagdag pa ang ilaw ng street lights kaya imposible talagang hindi nya makita yun.

Liora Sariah Reyes

Ha? You saw ang alin?


But I need to pretend. I don't want her to know. I don't want her and the twins to worry. Kaya ko ang sarili ko.

After I send that to her, binitawan ko na ang phone ko at pumunta ng cr.

Habang nakababad ang aking katawan sa bath tub ay hindi ko mapigilang isipin ang nangyari.

Sanay na naman ako eh. Sanay na ako na lagi nya akong sinasaktan. Physically and emotionally. Pero ewan ko ba dito sa sarili ko, kahit sanay na ay hindi pa rin masanay sa sakit na dulot nun.

Hindi ito ang unang beses na pinagbuhatan ako ng kamay ng lola ko, pero ito ang unang beses na sinaktan nya ulit ako simula nung nag senior high school ako.

Oo nga't may mali ako, pero kailangan ba talagang pagbuhatan ako ng kamay? Pero bakit pa ba ako nagrereklamo? Sampal lang iyon, liora.

Mas malala ang inabot ko nung junior high ako. Kinailangan ko pang magsuot ng mahahabang damit para lang matakpan ang mga pasa ko sa katawan.

Hindi ko alam kung napapansin ba iyon ni ate nung sa amin pa sya nakatira, pero siguro ay hindi. Sa tuwing binubugbog ako ay nagkakataon na wala siya dahil pumapasok ito.

Si lolo lagi ang gumagamot sa mga pasa ko. Hanggang dun lang ang kaya nyang gawin para sa akin. He loves my lola so much kaya kahit nakikita nya akong binubugbog nito ay hinahayaan nya lang. Wala syang ginagawa. But at least he treated my bruise, right? It's enough for me.

Hindi ko nga alam kung bakit biglang nagkaganun. Hindi naman ganun sakin ang lola ko nung elementary ako.

Alagang alaga nya ako kaya't hindi ko maintindihan kung bakit biglang nagbago. Kaya hindi ko rin matanggap kung bakit naging ganoon ang trato nya sa akin.

Sa murang edad ay agad kong naranasan ang mga bagay na hindi ko dapat kailangang maranasan.

Kaya nung nagkita kami ulit nung kambal ay ang una nilang tinignan ay ang braso at likod ko, to check if may mga pasa ba.

They know what I went through before kaya siguro ayaw nila akong iwan noon. Luckily when they left, lola stopped beating me. Ngayon na lang ulit.

Someone also knew of what I went through before. Sya ang unang tumulong sa akin nung una akong pagbuhatan ng kamay ng lola ko.

Pagkakaalala ko ay nakita nya 'ko noon na binubugbog kaya tinawag nya yung mama nya at itunuro kami. Nagkataon kasi na bukas ang pinto namin noon at nagkataon din na napadaan sya.

And after nun ay hindi ko na sya nakita pa. Hindi man lang ako nagkaroon ng pagkakataon para magpasalamat. I hope she's doing well.

Sa sobrang sanay ko na binubugbog nya ako noon ay parang walang nangyari sa akin kanina.

Kahit anong alo ko sa sarili ko para lang wag madagdagan ang sama ng loob ko sa lola ko ay hindi ko pa rin mapigilang magalit.

Pero baka nga kasalanan ko rin. Sinagot sagot ko sya. I pushed her limits. That's the reason siguro kung bakit nasampal nya ako.

Pero hindi ko mapigilang hindi mag isip. Ngayon lang naman diba? Hindi naman siguro mauulit sa akin ang nangyari noon diba? Hindi naman kami babalik dun diba? Binalot ako ng takot para sa sarili ko.

You And Me Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon