07

7 2 1
                                    

07

"But I won't take back what I said earlier." Laglag pa nga ko. "I'm just telling the truth and I know you know that."

I slowly nodded. Alam ko. Hindi na nya kailangan pang ipaalala sa akin iyon. I know myself better than anyone else.

Tinignan ko sya nang umupo sya sa bungad ng sasakyan at tumingin sa akin.

"And i'm not like freya and reya. I hope you know that." And smiled.

I slowly nodded again and said, "I know."

Halata naman na malaki ang pinagkaiba nila. Maybe because psalm grew up in Italy while the twins grew up here kaya siguro ganun.

"I'm glad you know. Now we'll wait for the twins, and i'm sorry again."

Tumayo na sya at sinara ang pinto. Binuksan nya ang driver seat at doon sya umupo.

Namayani ang katahimikan sa amin. Yung katahimikan na ayos lang. Hindi awkward.

Binuksan ko na lang phone ko at inopen ang twitter. This is why I like twitter so much. I like the memes here. Inilibang ko na lang ang sarili ko sa mga memes na nakikita ko.

While scrolling on my feed, a notificatiom from my facebook popped up on my screen.

Psalm Mallari sent you a friend request.

What ?????? Bored ba 'to ???

I looked at her pero nakatingin na pala sya sa akin through the front mirror of the car.

"What?" I mouted at him.

Umiling sya sakin at ngumisi.

Binalik ko na ulit ang atensyon ko sa phone ko. Na te-tempt akong tignan profile nya kaso nga lang, inangat ko ulit ang tingin ko sakanya at nakitang nakatingin pa rin ito. Kainis.

Bat kasi ang tagal ng kambal? 30 min na ang nakakalipas simula nung umalis sila. Ganun ba karami yung pasalubong nila para sa mom and dad nila? Sigh.

I swipe down my notification panel at pinindot ang pangalan ni psalm.

after I pressed her name, dinala ako nito sa profile nya.

Psalm Mallari lang pala talaga name, katulad nung kambal. One name lang silang tatlo. Buti pa sila hindi nahirapang magsulat ng name nila nung kinder at elementary. Iiksi eh.

Ang linis ng profile. Ang titino ng mga shared posts samantalang ako, may makita lang akong nakakatawa, isheshare ko na agad.

Paano nya nakakayang hindi magshared posts ng kung ano ano? Paturo kaya ako?

Then nagpopost lang sya ng picture nya kapag nagpapalit ng profile, and the rest ay puro yung kambal na. He really love the twins huh.

Nakakainggit. Kahit magkaiba sila ng mama ay halatang halata pa rin sakanila na mahal na mahal nila ang isa't isa.

Nagulat na lang ng bigla kong narefreshed yung account nya kaya bumalik ako sa pinakang una.

And omg??? May new post sya.

Sya at ang kambal. Nasa ibang bansa pa ata sila nito. Ang ganda ng lightning eh.

Ang unang picture ay nakangiti sila, ang pangalawa ay nakadila ang kambal kay psalm habang nakangiti ito at ang pangatlo ay nakakiss sila kay psalm. Cuties.

And her caption on the picture of the three of them is You two are the best thing that happened in my life <3

Nawa'y lahat.

Napansin ko na may highlights sya, at heart ang title nito. Nacucurious ako. Hindi naman nya makikita name ko dun kapag tinignan ko highlights nya diba? Pipindutin ko na sana kaso nakuha ni psalm atensyon ko nung umubo umubo sya.

"You okay?" She nodded.

Okay lang naman pala eh. Edi okay. Binalik ko na ang tingin ko sa phone ko. Pipindutin ko na sana ulit kaso umubo na naman si psalm. Naiinis akong tumingin sa kanya.

"Sorry. Kanina ka pa kasi sa phone mo."

"And?" Ano bang pake nya kung kanina pa ako nagpophone? Tss.

"You didn't receive any notification?"

Umiling ako sakanya.

"Oh okay."

Tumingin lang ako sa kanya, at ganun din sya sakin pero umiwas din agad sya ng tingin kaya ibinalik ko na lang ulit ang tingin ko sa phone ko.

Mabilis kong pinindot ang highlights nya. Mahirap na. Baka may umepal na naman.

Pagkapindot ko ay bumungad sa akin ang isang aso. OMG! She likes dog too? At chow chow dog breed talaga? I want that dog too kaso ang mahal mahal nun. Hindi ko afford.

Pero kahit naman afford ko na, bawal pa rin. Ayaw ng lola ko. Sasabihin nya lang na puro kagastusan lang ang nalalaman ko.

I wonder, kasama nya kaya yung dog nya pagpunta dito sa pinas? Kaso mainit dito eh. Ang pagkakaalam ko, chow chow needs to live in a cold country, pero I think kahit saang lugar pwede basta malamig. Sana dala nya, mag aircon na lang sya tutal mayaman naman sila.

Patuloy ko pa ring tinitignan ang highlights nya ng biglang may notif na naman na lumabas sa screen ko. And guess what? Inadd lang naman ulit ako ni psalm. Hay ganda ko talaga.

Iimik na sana kaso nagulat ako ng biglang bumukas ang pintuan kaya napatingin ako. Akala ko nga si psalm eh. Ang kambal pala.

"Akala ko hindi na kayo uuwi eh." Sabi ko sa kanila at nanlaki mga mata ko nung nakita ko kung gaano karami ang pinamili nila. Kaya naman pala natagalan, nagshopping pa pala.

"Ito kasing si freya eh, kung saan saan ako dinala kaya hindi ko mapigilang bilhin lahat ng nakikita kong maganda."

Napailing iling na lang ako.

"I thought you two were just going buy a pasalubong? Bakit parang dinala nyo na ang buong sm sa dami ng pinamili nyo?" Badtrip na sabi nito.

Tumingin sa akin ang kambal. "Bat badtrip yan?"

Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sila.

"Sariah, we bought you something. I'll give it you later kapag nasa house ka na namin."

Tumango at nagpasalamat sa dalawa.

Ano kaya yun? Sana books.

Nagkaroon ng sariling mundo ang dalawa kaya tinignan ko na lang ulit ang phone ko.

Tumingin ako kay psalm at napansin ko na focus ito sa pagdadrive.

Inopen ko fb ko at tinignan ulit profile hindi. Hindi para istalk kundi para iaccept. Kawawa eh. Pagkaaccept ko ay tumingin ulit ako sakanya.

Napansin nya na umilaw ang phone nya kaya kinuha nya ito. Bago nya iopen ay minake sure nya muna na walang sasakyan na dadaan or kasalubong.

She chuckled at tumingin sa akin mula sa front mirror ng sasakyan. She mouted thank you at ngumiti lang ako sakanya bago ko ulit itinuon ang atensyon ko sa phone.

I leaned my back on the car seat at unti unting pumikit ang mga mata ko dahil sa antok.

Napapitlag ako ng biglang may humawak sa braso ko. I slowly opened my eyes and saw psalm.

"Hey, sleepyhead. Wake up. We're here."

Umayos ako ng upo at napansin ko na nakaparada ang sasakyan nila sa tapat ng bahay namin. Bakit hindi na lang nila ipinasok sa loob ng house nila? Pwede naman ako dung bumaba. Umiling iling na lang ako.

Bumalik ako sa katinuan ko ng bigla kong nahagip ang lola ko na naglalakad sa loob ng bahay namin. Napatigil sya ng nakita nya ako and just by looking at her, I knew right away.

You And Me Against All OddsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon