"Ayaw ko," deretsong sabi ko at nakita ko ang pagkadismaya sa mukha ng Mommy ko.
"Why?" She asked.
Wala kasi sa vocabulary ko ang pagiging tagasunod ng kayamanan ng pamilya ko. Gusto ko lang naman mabuhay ng simple at makasama ang pinakamamahal kong Xian Jarel. Wait! May naisip ako!
"Okey, tatanggapin ko ang alok niyo, in one condition..." Sabi ko sa kaniya.
Lumiwanag uli ang mukha ni Mommy.
"What is it, darling?" tanong sa akin ni Mommy.
Ngumiti ako sa kaniya dahil kapag nagawa niya ang one condition ko ay ako na talaga ang pinakamasayang babae sa buong mundo. Pwede naman siguro maging selfish 'no kahit isang pagkakataon lang?
Masasabi ko na ba na ang landas pala ng tagumpay ko ay ang company nila Mommy na hindi ko naman bet ang gano'ng mga klase?
Kung mataas lang sana ako 'di sana, nagpakasaya na ako sa pagrarampa. Simula bata pa lang ay pangarap ko na talaga. Maraming guro ang humanga sa akin pero sabi nila ay maliit daw akong bata. Saan ba kasi ako nagmana? Matataas naman ang mga magulang ko. Habang ako, nagluluksa dahil hindi ko natupad ang pangarap ko. At dahil sa company nila, matutupad ang pangarap ko.
Naghihintay siya sa one condition ko. Umayos ako ng upo dahil tumunog ang tiyan ko.
Ngumiti ako sa kaniya. Syempre dapat effective muna bago ko sasabihin sa kanila ang one condition ko at baka mahimatay pa sila dahil do'n.
"I-arrange marriage mo ako kay Xian Jarel Martere," I said, makes her shocked.
"Is that what you want darling?" tanong sa akin ni Mommy.
Agad akong tumango. Iyon ang one condition ko ang ipakasal ako kay Xian Jarel. At alam kong walang takas ang lalaking iyon dahil kilalang-kilala ng mga magulang ko ang magulang niya. Tingnan lang natin Hubby.
"Okey," sabi ni Mommy at kinuha niya ang kaniyang cellphone saka tumayo.
Makukuha na kita Xian! Wala ka ng takas sa akin. Magiging asawa mo na ako!
Hindi naman siguro illegal ang ginawa ko ano? Nagmahal lang naman ako.
After that night, I felt delightful.
Today, I'm wearing a simple dress and we are going to a fancy restaurant and to meet Jarel's Family. Iba talaga ang tunog ng pamilya ko.
Tudo ang kaba ko habang naghihintay kami sa Martere family. Hindi ko akalain na ang kompanya pala ang solution sa problema ko.
Five minutes na silang late kaya sobra na ang kaba ko.
What if hindi sila pupunta?
What if hindi nakumbinsi ni Tita or Tito si Jarel?
What if tumakas na siya papuntang ibang bansa?
What if—argh! Kakainin ko na lamang ang mga what if's ko! Kainis!
"Ma'am, Sir, narito na po sila," sabi nang P.A ni Mommy.
Lumawak ang ngiti ko nang masilayan ko ang isang Xian Jarel Martere. Grabe! Ang gwapo! Shocks! I can't describe him. I just don't know how.
"Oh, we're so sorry ma-friend. Ang traffic sa dinaanan namin," paliwanag ni Tita.
Wala akong reaction sa sinasabi ni Tita kundi focus lamang akong nakatingin sa mapapangasawa ko. Ngiting-ngiti pa nga ako habang nakatitig sa kaniya. Hmp! Ang gwapo, sarap ulamin!
Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kaniya ay tinaasan niya ako ng kilay. Sungit!
Tsaka lang nawala ang focus ko nang bumalik sa akin ang parents niya at pinaunlanan ako ng mga compliments na maganda raw ako, mabait, at matalino.
Ane be?! (Ano ba?!)
Alam ko naman na maganda ako! Binola pa! Sus!
Habang kumakain kami ay nag-uusap ang mga parents namin about sa kasalang mangyayari.
Gusto na rin nila ni Tita at Tito na maikasal ang anak nila dahil natatakot sila na tatanda itong walang pamilya.
Tama ka Tita! Dapat push mo talaga ang kasal na 'to!
Minsan na akong pasulyap-sulyap ni Jarel, wala ito sa mood at peke ang kaniyang mga ngiti. Habang ako, ngiting-ngiti!
Huwag kayong mag-alala, papangitiin ko rin 'to sa kama—I mean kapag kami ang magkasama! 'Yon! Ano ba?!
Hindi ko namalayan na natapos na pala akong family meeting at nakaset na sila kung kailan kami ikakasal. Kitang-kita ko kung paano umiigtig ang panga ni Jarel. Alam ko naman na hindi niya ito gusto, pero wala na siyang magagawa.
Pero meron naman talaga, hindi ba? Pwede siyang maglayas sa kanila or magtayo ng sariling negosyo para sa kinabukasan niya. Sigurado, may gusto rin siya sa akin dahil hindi siya naghanap ng paraan para hindi matutuloy ang kasalang ito.
Tsk! Bahala na kung delusional na ako ngayon! Pakialam niyo?
NARITO na kami sa parking lot at gusto nila Tita na ihatid ako ng anak nila dahil gusto nilang magbonding muna. Friends kasi sila ni Mommy at ang Mommy ni Jarel. Iyan ang isa sa mga dahilan kung bakit umabot ito sa ganito.
Walang nagawa si Jarel. Agad akong sumakay sa kotse niya. Sobrang bango ng kotse niya. Ilan na kaya ang babaeng nakapasok na rito? Ilan na kaya ang namake-out niya rito?
"Don't touch it!"
Hahaplusin ko sana ang isang maliit na staff toy sa harap ko ngunit napapitlag ako ng sumigaw siya.
"Ito naman ang high blood," reklamo ko sa kaniya.
"I thought you are just an employee," biglang sabi niya ng pinaandar ang isang BMW niya.
"Ayan kasi! Stalk mo rin ako paminsan-minsan hah?"
Nakita ko siya kung paano umirap ang kaniyang mata, irap na panglalaki. Attitude 'to a'!
"Desperada," bulong niya ngunit rinig na rinig ko naman.
Naging desperada lang naman ako dahil sa kaniya. Kung hindi lang sana siya nag-exist, hindi sana, hindi ako naging desperada.
Buti na lang nag-exist siya kahit tatawagin niya ako ng ganiyan. Nag-i-exist siya para sa akin. Sa akin lang!
Nakangiti na lamang ako habang nakatingin sa dinadaanan namin. Ngunit may naisip ako kaya agad din akong bumaling sa kaniya.
"Jarel, paano na pala ang mga flings mo e', engaged na tayo?" tanong ko sa kaniya habang napatingin sa singsing na narito sa daliri ko.
Hindi ko pala na sabi na pagkatapos naming kumain ay binigyan nila kami ng blessings at hindi ko naman alam na magdadala sila ng singsing.
Hindi niya ako sinagot at naka-focus lang siya sa pagmamaneho kaya nakabusangot ako ngayon. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nainis dahil sa sarili kong tanong sa kaniya.
Alam ko na sa una pa lang ay parang nagpapalit lamang ng damit kung mambabae. Paano kung kasal na kami at hindi pa rin siya tumigil sa kakaflings niya? Makakapatay siguro ako ng babae kung gano'n! Dapat ako lang kasi dahil mapapangasawa na niya ako. I know, I'm possessive when it comes to him.
Hindi ko namalayan na nakarating na pala kami sa bahay namin. Naghihintay pa ako ng ilang minuto pero hindi siya lumabas para pagbuksan ako ng pinto kaya lumabas na lang ako.
Napakagentleman naman!
"Bye hubby," sabi ko sa kaniya na hindi mawala-wala ang ngiti sa mga labi ko.
Tumalikod na ako sa kaniya at papasok na sana sa gate ngunit napahinto ako dahil sa sinabi niya.
"Livin' with me is like a hell, you better back off," malamig na sabi niya at agad na pinaharorot ang kaniyang kotse.
BINABASA MO ANG
Love Over Pain
Romance✓Romance Heart Evelyn Burke is the heiress of her mother and father's company. But she used to be an employee of her mother's company. In fact, she is the Desperate one. She wants to have a Xian Jarel Martere on her life. Jarel is a CEO of M&M compa...