"Livin' with me is like a hell, you better back off."
Kagabi pa 'to pa-ulit-ulit sumasagi sa isipan ko. Gano'n ba talaga niya ako hindi kagusto? Sa tingin niya magba-back off ako? Wala akong pakialam kahit dalhin pa niya ako sa impyerno o kahit saan! Kung sa tingin niya laro lang ito, pero hindi!
Ngayon pa ba ako aatras ngayon'g maitatali ko na siya habang buhay?
Nah! Ah! He's wrong. Definitely wrong.
Bored na bored akong nagpagulong-gulong sa kama. Weekend kasi ngayon at wala akong ginagawa.
Kinuha ko na lamang ang aking cellphone at pinadalhan ng mensahe si Abi na magkita kami sa Coffee shop. Alam kong nagtatampo iyon sa akin dahil sa mga nangyari. Hindi niya alam na isa ako sa nagmamay-ari ng kompanya na pinagtatrabahuan niya. 'Tapos, nakita pa niya ako sa event at hindi rin kami nagkausap dahil busy ako sa kakabati sa mga bisita no'ng gabing pinakilala ako bilang tagapagmana sa kompanya ng parents ko.
Agad akong naligo nang matanggap ko ang mensahe ni Abi na gusto niya ring makipagkita sa akin. This is it!
Noong nakarating ako sa Coffee shop, agad kong nakita si Abi na masamang nakatingin sa akin na may halong pagtatampo. Aba'y sorry naman aking kaibigan!
"Hi," mahiyang sabi ko na malawak ang mga ngiti.
Nakita ko kung paano umirap ang kaniyang mga mata. Ito ay nagpapakita na sobrang niirita siya sa akin kaya mas nginitian ko pa siya.
"Batiin mo sarili mo! Ang tagal na nating magkakaibigan tapos ito ang malalaman ko?! Tangina mo pala e'!" Bulyaw niya sa akin.
Napatingin ako sa paligid kung saan ang ibang customer ay nakatingin sa amin. Nag-bow na lang ako sa kanila na nagpapakita ng paumanhin dahil sa inaakto ng aking kaibigan.
"Hinaan mo nga bunganga mo," suway ko sa kaniya ngunit inirapan niya lang ako habang sumipsip sa kapeng inorder niya.
"Kaya ba hindi mo pinaalam sa akin na mayaman ka dahil sa tingin mo pagpeperahan kita?" tanong niya sa akin, naroon ang hinanakit sa boses niya.
Napangiwi ako sa sinabi niya. Para bang sinisira niya ang kaniyang pagkatao rito sa akin.
"Ikaw ang may sabi niyan, hindi ako."
I raised my hand so that the waiter will notice me. Nag-order ako ng coffee na favorite ko.
"E' bakit gano'n? Bakit parang wala kang tiwala sa akin?" tanong niya sa akin. Oa naman nito.
Umayos ako ng upo at handang mag-explain sa kaniya. Baka mawala pa siya sa akin bilang kaibigan.
"Hindi sa gano'n, Abi. Gusto ko lang naman ng isang simpleng buhay. Ayaw ko na makulong ako sa isang trabaho tulad nila Mommy na lagi na lang nagmumukmok sa office nila. Kaya wala akong pakialam kung mayaman man ako o hindi, basta masaya ako sa piling ng isang Xian Jarel ay okay na sa akin."
Dahil sa sinabi ko ay napangiwi siya. Totoo naman ah! Gusto ko ng simpleng buhay lamang at makapiling ang mahal ko sa buhay. Iyon lang, wala ng iba.
Napatingin ako sa aking gilid nang inilagay ang aking inorder na coffee sa may lamesa. Ngumiti lang ako sa waiter.
"What the fuck, Heart? Wait, don't tell me na ikaw ang nagplano na ipapakasal ka sa lalaking iyon," manghang ideya niya.
"You got me," I proudly said to her.
Nagchat kasi ako sa kaniya na ikakasal ako ni Jarel kapalit ng pagiging C.E.O ko sa kompanya ng mga magulang ko.
Nakita ko ang pagkamangha sa mukha niya ngunit kitang-kita ko naman ang awa niya sa sarili ko. Wala akong ibang hinahangad kung hindi makapiling lamang si Jarel na matagal ko ng gustong mapaakin.
Handa akong tanggihan ang yaman namin basta ba sa akin lang mapunta ang taong minahal ko ng sobra.
"Heart, hindi sa nangingialam ako sa lovelife mo pero sino pang mangingialam diba, kundi ako lang naman?" Napangiti ako sa sinabi niya, babae'ng to talaga. "Paano kung hindi pala magwork ang relationship niyo? Edi, sinong masasaktan sa inyong dalawa?" tanong niya sa akin.
"Ako," mahinang sagot ko.
Ang tanong ni Abi ay napakalaking epekto sa akin. May posible kayang hindi kami magwork bilang mag-asawa? Naalala ko naman ang sinabi niya sa akin na dapat ay magbaback out ako sa plano kong pakasalan siya. Bahala na! Gagawin ko ang lahat, mahalin niya lang ako.
"Heart, alam nating pareho tayong tanga pagdating sa pag-ibig ngunit ngayon, mas napapatunayan ko'ng tanga ka pa kay sa akin," sabi niya.
"At least virgin na ihaharap sa altar," pang-iinis ko'ng sabi sa kaniya.
"Tangina nito," mura niya sa akin na kulang na lamang duruin niya ako kaya napatawa ako sa inaakto niya. "Basta kapag nasaktan ka, I got you! Inom tayo hangga't hindi na tayo makakatayo!"
Ewan ko sa babaeng ito. Napaka-alcoholic! Ngunit thankful naman ako na isa siya sa mga kaibigan ko.
Nakita kong nagring ang cellphone niya at nagpapaalam siya na sasagutin muna niya ito.
Sumipsip ako ng kape at naghihintay kay Abi na matapos ang phone call niya. Nang bumalik siya ay humingi siya ng tawad sa akin na hindi na magtatagal dahil tinawagan siya ng kaniyang kapatid na may nangyari sa Mama niya. Gusto ko sanang sumama ngunit pinigilan niya ako.
"Update mo na lang ako kung ano ang nangyari kay Tita," sabi ko sa kaniya at agad siyang tumango at hinalikan ako sa pisngi bilang goodbye.
Minsan na akong pumupunta sa kanila at doon magsaya. Gusto ko ang pamilya nila dahil simple lang ito at napakasaya. Magkasama sila tuwing umagahan at hapunan.
Naiintindihan ko naman ang mga magulang ko dahil laking yaman sila. Nasa dugo na nila ang pagiging workaholics. Ayaw nilang mawala ang pinaghihirapan nila.
Tumayo at pumunta sa counter at nagbayad.
Where is the next destination? Of course sa magiging husband ko.
Binigyan ako ng permission ni Tita na pumunta sa kompanya nila dahil makailan lang ay magiging asawa na ako ng kaniyang anak. Kaya ngayon, doon ako pupunta.
Bago ako pumunta roon ay bumili muna ako ng gift para sa kaniya. Symepre need ko ng efforts para naman kahit kunti ma-a-appreciate niya ako. Roon na rin magsisimula na mamahalin niya ako paunti-unti. Diba, napakaganda ng ideya ko?
Dumaan ako sa pharmacy at bumili ng pain killer.
Ano naman kung pain killer ang ibibigay ko sa kaniya? Wala na kayong pakialam doon!

BINABASA MO ANG
Love Over Pain
Romance✓Romance Heart Evelyn Burke is the heiress of her mother and father's company. But she used to be an employee of her mother's company. In fact, she is the Desperate one. She wants to have a Xian Jarel Martere on her life. Jarel is a CEO of M&M compa...