9

2 1 0
                                    

Narito kami sa sala, nakaupo ako sa couch habang siya ay nakatayo at nakatingin sa akin.

"What did you say to my father?" tanong niya sa akin.

Pati ba naman paglapit ni Papa ay magagalit siya? Tinanong lang naman ako kung okay lang ba ako at may ginawa bang kalokohan ang kaniyang anak.

Nasa part ko, na gusto kong magsumbong sa ama niya dahil alam kong kakausapin siya ng kaniyang ama tungkol sa sitwasyon namin. Umaasa ako na kapag pagsalitaan si Jarel ay magbabago siya.

Pero malabo, sobrang labo. Alam ko na mas lalong lala ang pagkamuhi niya sa akin kapag gagawin ko iyon. Kaya pinili kong manahimik at puriin siya.

"Nothing," maikli kong sagot.

Nakita ko kung paano umiigtig ang kaniyang panga na parang nagpipigil lamang.

"Hubby, wala akong sinabi sa kaniya, okay? Kinumusta niya lamang ako kung okay ba tayo. Sinabi ko na masungit ka," aniko dahilan ng pagmura niya na kulang na lang ay aatakihin niya ako ng kamao.

"What?!" asik niya.

"Joke lang. Hindi ko magagawa 'yon, okay? Gano'n kita ka mahal," pampalubag-loob ko sa kaniya baka mag-ta-trasform siya sa pagiging Guko.

"Remember this, if Daddy finds out what's happening here, I surely hate you for the rest of my life!" pagbabanta niya sa akin.

Hindi pa ba hate ang naramdaman niya sa para akin? Hindi nga niya ako makausap ng hindi naka-raise ang voice e'.

Akmang tatalikuran na sana niya ako pero pinigilan ko siya kaya napatingin siya sa aking kamay. Bago pa niya itakwil iyon ay nagsalita na ako.

"About last night, I'm sorry kung napahiya kita. I was jealous because we're married and hindi ka nagpapaalam, I'm just worried." I apologized while bowing my head.

Kahit siya ang nagkamali ay magsorry parin ako dahil may mali rin naman ako. Nakasakit ang ng tao dahil sa selos at napahiya ko pa siya. Pero ang sakit kasi kapag nakita mo 'yong mahal mo na may kasamang iba. Parang mabibiyak ang puso ko. Alam niya na mahal ko siya pero sinasaktan niya parin ako.

Mas lalo akong nasaktan nang itinakwil niya ang aking kamay at tinalikuran ng tuluyan. Napakagat ako sa aking labi habang tumulo ang aking luha. Ganito ba talaga ang magmahal? Required ba talaga ang masaktan? Bakit hindi na lang sumaya pareho? Bakit isa lang ang masasaktan? Bakit hindi niya matanggap na mahal ko siya?

Pisting mga 'bakit' na 'yan. Ang daming 'bakit' pero walang sagot!

Pinatuyo ko ang aking luha ng marinig kong nag-ring ang aking cellphone, hudyat na may tumawag.

"Hello?" sagot ko sa caller.

"Good morning Ma'am, I'm sorry if I'm calling you. May I ask Ma'am if pupunta ka ba sa office ngayon? Kasi Ma'am, there are many papers that needs your signature," sabi ng isang babae. Ito 'yong secretary nila Mommy at Daddy.

"Thank you for informing me, pupunta ako."

Umakyat na lamang ako sa aking kwarto at naligo pagkatapos ay nagbihis ng formal attire—business attire.

Nang makarating ako sa company ay agad na bumati ang mga employees sa akin. Bumati rin ako sa kanila dahil minsan ko na silang nakakasama. Gulat-gulat nga sila dahil ako ang tagapagmana ng yaman sa kinilalang boss nila. Some employees apologized to me dahil daw minsan na nila akong sinuyo na magpapabili rin sila ng kape tuwing lalabas ako.

However, my friend—Abi, just smiling at me and just give a nod. Agad akong pumasok sa office ni Mommy na office ko na ngayon pagkatapos kung pakipagsocialize sa mga employees. I just accept their apologies.

Pagpasok ko ay nakatambak agad ang mga papel na kailangan kong pirmahan. Napabuntong-hininga na lamang ako dahil wala na akong takas. Naibigay na kasi ni Mommy ang gusto ko kaya paninindigan ko na lamang ito. Ayaw ko na rin siyang madissapoint sa akin.

Nagsimula na akong pirmahan ang mga mahalagang dokumento. Hindi pa nga ako nakalahati ay sumakit na ang aking likuran.

Bigla kong maalala ang gift na binigay ko kay Jarel, iyong pain killer. Tama lang talaga na pain killer ang ibinigay ko sa kaniya pero hindi niya nagustuhan. Sana pala kinuha ko na lamang iyon sa basurahan at ako na lamang ang gumamit. Mas kailangan ko pala iyon ngayon.

Bigla akong napabaling sa may pintuan nang may kumatok. Bumukas ito at nakita ko si Abi na may dalang favorite coffee ko. Napangiti ako sa kaniya at agad ko siyang pinapasok.

How sweet kung si Jarel sana ang kakatok at may dalang mga bagay na favorite ko. Ako na siguro ang pinakamasayang asawa sa buong mundo kung mangyayari 'yon!

"Kumusta ang pagiging C.E.O natin?" tanong ni Abi nang makaupo na siya at inilagay ang coffee malayo sa mga papel na pipirmahan ko pa lamang.

"Hindi man lang ininform ni Mommy na ang daming tinta ang mauubos sa kakasign ng mga 'to," pagmamaktol ko.

Totoo naman, kala ko pa naman, chill-chill lang. Kala ko rin cool ang magiging CEO, hindi pala.

"Bakit ba kasi ikaw pa ang anak nila?" tanong ni Abi na napakaramdom naman ata para sa akin.

"Abi, ikaw na lang kaya ang anak nila. Ang hirap e'," angal ko. Well, I meant it. Sana si Abi na lang ang anak nila. Pero it doesn't mean na si Jarel din ang mamahalin niya. I'm just talking about the daughter, not the love life. Kahit mahirap pa ako, gugustuhin at mamahalin ko parin ang isang Xian Jarel Martere.

"Hardpass babes, masaya ako sa kung anong meron ako. Ako, hindi na iinggit sayo pero ikaw, inggit sa kung anong buhay ang meron ako. Tssk, kawawa ka naman," aniya na tila iniinis ako.

Tama naman siya, na-iinggit ako sa kung anong buhay ang meron siya. Pero siya? Wala siyang pakialam sa kayamanan na meron ako. Hindi siya nasisilawan sa pera. Hindi tulad ng iba na piperahan ka lang. Habang si Abi ay napaka-genuine na tao at hindi peke.

"Ewan ko sa'yo. Bakit ka ba narito? Gusto mo masisante?" Pananakot ko sa kaniya na minsan  na rin niya itong pananakot sa akin tuwing aalis ako ng wala sa oras.

"Aba! Aba! Pwes! Ngayon mo na gawin, pagod na pagod na ako!" drama niya.

Well, being a Production manager is not easy. Kawawa naman siya.

"Ayan kasi, sipsip at bida-bida, napromote tuloy!" sabi ko at napahalakhak kami pareho.

Magaling naman talaga si Abi sa kaniyang trabaho kaya napromote siya. Hindi nga niya sana tatanggapin dahil daw masyadong risky kahit malaki ang sahod pagnapromote.

"Tse! Ewan ko sa'yo! O', ano na? How's your married? Masaya o masakit?" tanong niya sa akin.

Kung alam mo lang Abi na masaya dahil nakuha ko na siya at naitali ko pa. Pero ang sakit dahil hindi niya ako kayang mahalin.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love Over PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon