7

5 2 0
                                    

"Aalis ka?" tanong ko kay Jarel nang makalabas siya sa kwarto habang ako ay papasok pa lamang sa aking kwarto

One week past after our wedding. Narito kami sa bahay niya. Alam kong napipilitan lamang siya na rito ako titira at wala rin naman siyang magagawa dahil asawa na niya ako.

Hindi kami magtabi matulog dahil ayaw niya akong makatabi. Hanggang ngayon ay galit pa rin siya sa akin. Well, nagmamahal lang naman ako. In order to get him, I need to manipulate my mother's mind.

Iba talaga ang nagagawa kung mahal mo ang isang tao. Kahit delikado ay kaya mong gawin para lamang sa mahal mo.

Sa halip na sasagutin niya ang tanong ko ay nilagpasan niya lamang ako. Hindi naman iyon masakit, parang kagat lang ng dinosaur!

Nasasaktan naman ako ng maalala ko ang nangyari sa wedding program. Makasalan siya.  Ako dapat ang kasama niya sa honeymoon pero sa iba niya ginawa.

Walang ni kahit isang nakakaalam sa ginawa niya last week. Hindi ko rin naikwento ni Abi dahil alam ko ang utak no'n. Pagnalaman niya ang ginawa ni Jarel ay aasahan kong pasa ang mukha ng asawa ko. Kaya tinago ko na lang ang maling ginawa ni Jarel sa akin pero masakit pala kapag wala kang pagsabihan.

Sa loob ng one week ay parang hangin lamang ako. Hindi niya ako pinapansin. Hindi rin kinakausap. Ang akala ko ay madali na sa akin kapag naitali ko na siya pero hindi pala, mas lalo kong naramdaman na mas malayo na siya sa akin kahit nasa iisang bahay lamang kami.

Ginusto ko ito diba? Edi, kakayanin ko. Alam ko na darating din ang panahon na masusuklian niya ang pagmamahal ko sa kaniya. Gagawin ko ang lahat, mararamdaman lang niya na totoong mahal ko siya.

Nang gumabi na ay naghihintay ako sa kaniya sa labas. Gusto ko na maramdam niya na may naghihintay sa kaniya na mahal na mahal siya. Pinilit ko na lamang na mawala sa isipan ang kababoyan na ginawa nila ng babae niya.

Agad na lumiwanag ang mukha ko at nawala ang lungkot nang makita ko ang papalapit niyang sasakyan. Dumeretso siya sa garahe at pinatay ang makina ng kaniyang kotse. Nang lumabas siya ay agad ko siyang sinalubong.

"Good evening hubby," bati ko na parang wala lang ito sa kaniya.

Nilampasan lang niya ako habang tinatanggal akong coat niya. Ang taas naman ng lakad niya kaya parang tumatakbo na tuloy ako.

"Hubby, nagluto ako ng dinner. Hali ka at kumain ka muna bago ka magpahinga," aniko.

Patuloy lang siyang naglalakad hanggang hindi ko na siya naabutan. Napabuntong-hininga na lamang ako kung paano niya sinara ang pinto. Disappointed akong papunta sa kitchen at napatingin sa niluto. Umupo na lamang ako at nagsandok ng sariling kanin upang maghapunan.

Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko muna ang aking nagamit na plato at inilagay ang mga natirang ulam sa ref dahil bukas ay iinitin ko na lamang ito.

Palagi ko siyang pinaghahandaan ng pagkain pero hindi siya kumakain sa mga luto ko. Palagi siyang nagmamadali na alam kong iniiwasan niya lamang ako.

Nang makapasok ako sa aking kwarto ay tumulo ang luha ko. Ang tanga! Iiyak-iyak e', kasalan ko naman! Ginusto ko itong putang ina!

Napatayo ako ng marinig ko ang kotse niya. Saan siya pupunta? Alas otso na kasi ng gabi at first time ko itong masaksihan na umalis siya.

Agad ako nagsuot ng sweater at kinuha ang susi ng aking sasakyan. Oo, may balak akong sundan siya.

Malayo ang agwat ng kotse namin dahil ayaw kong makakahalata siya sa akin. Gusto kong malaman kung ano ang ginagawa niya sa ganitong oras. May kikitain kaya siyang ibang babae gaya ng ginawa niya nuong mismong wedding program namin?

Nasasaktan ako ng huminto ang kotse niya sa isang club. Nagclub siya ng walang paalam sa akin. Sa bagay, sino ba naman ako? Well, isang hamak na babae lamang na nagpapatangang nagmamahal sa kaniya.

Shota dzae! Alam ko naman palang tanga ako e', bakit ipinagpapatuloy ko pa?

Nang makapasok na siya ay lumabas na rin ako. Agad akong pumasok ron at sumalubong sa akin ang amoy ng alak at mga amoy ng iba't-ibang tao. Hindi naman kasi ako hilig magclub. Kapag napagdesisyonan namin ni Abi na uminom ay sa kanila lang naman namin ginawa at hindi sa ganitong lugar.

Sinuri ko ang boong club at nakikita ko na marami ng natamaan sa alak. May naghahalikan at napangiwi ako. Well, ano pa ba ang inaasahan mo sa ganitong club, na may libro at nagbabasa lang ang mga tao rito? Napakashunga dzae!

Nang matamaan ko kung saan nakaupo si Jarel ay huminto na rin ako. Ngumingiti siya habang kausap niya ang kaniyang mga kaibigan. Nakita ko na sila sa mismong kasal namin pero hindi ko sila nakakausap kahit isa man sa kanila. Alam ko naman na sinisiraan ako sa mga kaibigan niya na bilang desperadang babae.

Naiingit ako sa mga kaibigan niya dahil nginitian niya ito habang ako ay hindi nga niya magawang tapunan ng tingin at hindi makipag-usap ng maayos.

Naalerto ako nang may lumapit na mga babae sa grupo nila. Ang isa sa kanila ay familiar sa akin. Ito iyong babae na pumunta ako sa office ni Jarel. Iyong malandi na businesswoman!

Lumapit siya kay Jarel at ang kaniyang kamay ay nasa braso. Hindi iyon pinansin ni Jarel at ininom lang ang alak sa baso. Nang maibaba na niya ang baso ay tiningnan niya ang babae.

Napalunok ako sa paraan ng pagkatitig niya sa higad na babaeng iyon. Nakaramdam ako ng galit at selos nang makita ko kung paano lumapat ang labi ng babae sa labi ni Jarel. Hindi ko na napigilan ang aking selos at agad na nilapitan ang grupo nila.

Habang papalapit ako sa kanila ay napansin ako ng iilang kaibigan niya. Tinawag nila ang magaling kong asawa pero nasasarapan itong nakipagkainan sa babae niya. Dahil sa inis ko ay nahawakan ko ang babae at sinabutan ito.

"Napakahigad mo! Asawa ko ang sinipsip mo!" Inis na sigaw ko sa babaeng walang kamalay-malay na may susugod sa kaniya.

May humawak sa braso ko at isa iyon sa mga kaibigan ni Jarel pero itinakwil ko lamang ito at patuloy na sinabutan ang buhok ng babae at pilit na pinahalik ko siya sa couch!

"Stop it! I-it's h-hurt," nauutal niyang angal ngunit wala akong pakialam kung nasasaktan siya.

"Masasaktan ka talaga, napakalandi mo!" sigaw ko rito at alam kong lahat ng tao sa club ay nakatingin sa gawi namin. Akmang bubuhusan ko siya ng alak ay may pumigil sa braso ko at ang paraan ng pagkahawak nito ay napakasakit.

"Enough!" Jarel shouted, made me to stop what I want to do this bitch.

Kinaladkad niya ako papuntang labas at naroon ang sakit. Emotionally hurt and physically hurt because of how he take my wrist.

Love Over PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon