"Hi, nasa loob ba ang Boss niyo?" tanong ko sa babae na hula ko ay siya ang secretary ni Jarel.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Sobra naman siya makatingin sa akin. Hula ko rin ay nasa mga 30 plus na ang kaniyang edad.
"May appointment ba kayo sa kaniya, Miss?" tanong niya sa akin at hindi pinansin ang tanong ko sa kaniya. Hindi ba pwedeng isang tanong, isang sagot?
Wala akong pakialam kung kailangan pala ng appointment para lamang makita siya. Ngumiti na lamang ako sa secretary niya at tinaas ko ang aking kamay at ipinapakita ko ang engagement ring.
"I'm his finacee," ngumiti ako sa kaniya at nilagpasan ko lamang siya.
Bago ko pa mabuksan ang pinto ay pinigilan niya ako. Hinarap ko ulit siya at nginitian lamang. Ayaw ko kayang pagtaasan ng kilay ang mga employedo dahil minsan na rin akong naging gan'yan. I mean, isa ang mga empleyado na nagpapatakbo sa isang kompanya dahil sa kanila ito ay patuloy na lalago.
"May kausap pa kasi si Sir sa loob Maam," she politely said.
"It's okay, kaibigan ko ang kausap niya."
Of course, it's a white lie! Kung hindi ako magsisinungaling ay talagang hindi niya ako papasukin. Dapat wise tayo!
Wala ng magagawa ang secretary sa akin at hinayaan niya na lamang ako.
Dahan-dahan ko'ng pinihit ang doorknob at narinig ko na ang boses nila na nag-uusap.
Tumuloy ako ng hindi kumatok. Nakatalikod ang babae sa pwesto ko, habang si Jarel ay nakaharap kaya napatingin siya sa akin. Walang emosyon ang kaniyang mukha ng tinapunan niya ako ng tingin. Parang walang tao, parang hangin lang. Focus siya sa pakikipag-usap sa babae na ang sexy tingnan na alam ko rin na ito ang mga tipo niya sa babae at hindi ako. Will, who cares?
Dahan-dahan akong nagtungo sa couch at umupo. Tinapunan naman ako ni Jarel ng tingin ng hindi nalalaman ng kaniyang kausap. Ngumiti lamang ako sa kaniya ngunit parang hangin lang talaga ako.
Behave na behave akong nakaupo habang hawak ang isang gift na may lamang pain killer. Hindi ko alam kung matutuwa ba si Jarel sa gift na ibibigay ko sa kaniya. I mean, 'yong iba ay mga donuts o hindi kaya mga favorite things ng nobya/nobyo nila ang ibibigay. Pwes! Iba tayo rito par!
"Nice meeting you, Mr. Xian."
Napangiwi ako dahil sa tuno ng boses. Nilalandi ba niya ang fiance ko? Hindi kasi ganoon ang boses niya noong business ang pinag-uusapan nila. Well, hindi niya rin alam na may ibang tao ang narito sa office. Tumango lamang si Jarel sa kaniya.
Nang tumalikod na siya kay Jarel ay medyo nagulat siya ng makita ako. Namukhaan ko siya ngunit hindi ko lang alam kung saan.
"Hi, are you his younger sister?" tanong niya sa akin at sumulyap kay Jarel.
Aba't sinusubukan ako! Tumayo na rin ako na alam ko namang mas matangkad pa siya sa akin. Ngumiti ako sa kaniya. Sumulyap muna ako kay Jarel na walang pakialam kung mag-away kami rito.
"Nope, I'm his future wife," I proudly said to her. Kita ko kung paano bumuka ang kaniyang bibig ngunit wala namang lumabas na salita.
Tumango lang siya sa akin at tumalikod na sa amin.
"Call me if you need me," sabi ng babae bago pa sumira ang pinto na may malagkit na tingin kay Jarel.
Napa-tsk na lamang ako sa inaasta niya. Sabing 'future wife' nga hindi ba? Hindi ba siya makakaantindi? Kainis 'yon ha! Hmmp!
"Pumunta ka lang ba rito para magpapadyak ng iyong paa?" tanong ni Jarel kaya napatingin ako sa kaniya na hindi ko na pala namalayan na nagpapadyak na ako at nakapuot pa ang aking mga labi.
"Hindi gawain ng isang CEO ang papasok ng walang pahintulot," dagdag niya pa.
Aba'y sorry naman kung hindi pala iyon gawain ng isang CEO. Ngumiti lamang ako sa kaniya at lumapit sa kaniyang lamesa. Inilagay ko ang gift na para sa kaniya sa ibabaw ng lamesa. Nakita ko kung paano kumunot ang kaniyang noo. Ang ano naman nito! Kala niya siguro bomba ang inilagay ko diyan.
"Nandito ako para bisitahin ang magiging asawa ko. Ayan, dinalhan kita ng regalo," sabi ko sa kaniya at kinindatan pa kaya tumaas ang kaniyang kilay. Sungit!
Nagtatanong ang kaniyang mga mata ngunit hindi niya ito hinawakan o binuksan.
Pain killer 'yan! Hindi virus! Oa nito.
Kinuha ko ito at binuksan. Hinarap ko sa kaniya ang isang pain killer. Tumingin siya sa akin na para bang iniinsulto ko siya na para bang dinalhan ko siya ng gan'yan kasi nag kaLBM siya.
"Kala mo chocolates 'no? Sino ka ba?" pang-iinis na tanong ko sa kaniya. Sumama na talaga ang tingin niya sa akin. Heart, umayos ka nga.
"236 ang bili ko nito. Bilhin mo na lang ng 250 para may ipangbibili ako ng pagkain," birong sabi ko ngunit hindi pa rin nagbago ang mukha niya. Ang hirap naman niyang pangitiin! "Ano ka ba Jarel?! Ngumiti ka nga! Joke 'yon! Saka maganda kaya ang regalo na pain killer! Alam ko naman na sumakit na ang likod mo dahil palagi ka na lamang nagtatrabaho. Kaya ito, binili ko para sa'yo."
Inagaw niya sa akin ang pain killer kaya napangiti ako. Pero, nawala ang mga ngiti ko nang makita kung paano niya tinapon ito sa basurahan. Wala siyang puso.
"Can you stop ruining my day? You are so annoying!" galit niyang bulyaw sa akin.
"Ayaw mo ng annoying na tulad ko? Edi! Let's make a baby! 'Tapos papalakihin ko sila ng mabuti at hindi annoying na kagaya ko. Ano? G?"
Rinig na rinig ko kung paano siya nagmura at agad akong tinalikuran. Hindi ba niya gusto ang ideya ko? Marunong naman ako maghandle ng bata. Isa pa, hindi naman annoying ang magreregalo ng pain killer. Iniisip ko kasi na baka may sumakit sa katawan niya. Iyon lang naman ang ipinag-alala ko sa kaniya. Kaysa naman chocolates, nako sinasabi ko! Sasakit lang ang ngipin niya!
Agad ko siyang hinabol ng mawala na siya sa paningin ko rito sa office.
"Hoy! Hubby! Teka lang! Uy!" sigaw ko sa kaniya. Narito na kami sa parking lot at ang taas ng mga binti niya! Shuta dzae!
Hingal na hingal akong nahawakan siya at agad niya namang binawi iyon kaya wala akong nagawa kundi hawakan ang dibdib ko dahil hindi ata ako makakahinga. Sino naman kasi ang nagsabi na tatakbo ako?! Kainis!
"Fuck! Can you just leave me alone? Do you think na mamahalin kita kahit ikakasal tayo? Just go away and stay delusional!" bulyaw niya sa akin at agad na pumasok sa kotse niya.
Hindi na ako nakapagsalita dahil hinihingal pa talaga ako.
Kahit ikakasal na kami ay hindi niya ako mamahalin? Bakit? Hindi ba't matotoruan naman ang puso na mahalin ang isang tao?
![](https://img.wattpad.com/cover/302279951-288-k37878.jpg)
BINABASA MO ANG
Love Over Pain
Romance✓Romance Heart Evelyn Burke is the heiress of her mother and father's company. But she used to be an employee of her mother's company. In fact, she is the Desperate one. She wants to have a Xian Jarel Martere on her life. Jarel is a CEO of M&M compa...