6

5 2 0
                                    

"Ang ganda mo Heart," tiling papuri ni Abi sa akin. Napangiti ako sa sinabi niya.

Nakaharap kami ngayon sa salamin at nakasuot ako ng wedding dress. Ngayong araw gaganapin ang kasal namin ni Jarel. Narito si Abi sa tabi ko para samahan ako at tumutulong magpaganda sa akin kahit maganda na man na ako. Siya rin ang maid of honor ko dahil siya iyong pinakabest sa mga friends ko.

"Sa tingin mo Abi, mahuhulog na kaya si Jarel dahil sa ganda ko?" tanong ko sa kaniya na hindi pa rin nawawala ang mga ngiti sa labi ko.

Narito ang kaba, oo. Sino namang hindi kakabahan sa araw na ito? Kaba na puno ng saya.

"Ang sabihin mo, hindi matutuloy ang kasalang ito dahil aatras siya!"

Napakunot ang noo ko dahil sa sinasabi niya. Nakita ko kung paano kumikindat-kindat ang kilay niya habang nakatingin sa akin, tila binibiro ako at iniinis.

"Kala ko ba kaibigan kita?" tampong sabi ko sa kaniya.

Hindi niya na ako sinagot pa at nagbusy-busy-han sa laylayan ng weeding dress ko.

Napatingin ako sa may pinto mula sa salamin, pumasok si Yaya at kitang-kita ko na naroon ang saya at lungkot sa kaniyang mga mata. Nang makalapit na siya sa akin ay agad niya akong ginawaran ng halik sa buhok ko kaya awtomatiko akong napapangiti. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ni Yaya sa akin hindi tulad ng magiging mapapangasawa ko pero mamahalin niya rin naman ako, wala siyang magagawa.

"Masaya ako na ikakasal ka na sa lalaking mahal mo, anak. Nalulungkot naman ako dahil hindi kana rito titira," aniya.

Hinawakan ko ang kamay ni Yaya. Ang isang katulad niya ay dapat dumami, ang bait kaya niya. Humarap ako kay Yaya at hinahaplos ang kaniyang mga kamay.

"Yaya, bibisita naman ako rito paminsan-minsan."

"Excuse me, kayo na lang po ang hinihintay sa simbahan Ma'am," sabi ng secretary ni Mom kaya hindi ko na nasundan ang sasabihin ko kay Yaya at nginitian ko na lamang siya.

Abi supporting me by holding my hand. Wala ng tao pagkababa namin at naroon na sila lahat sa simbahan. Iginaya ako ni Abi sa isang BMW at siya ang nagmamaneho. Hindi ako kumuha ng driver dahil gusto ko na si Abi ang magahahatid sa akin papunta roon.

Nang makababa nako ay iba't-ibang damdamin ang aking naramdaman. Pinisil ni Abi ang kamay ko kaya nginitian ko siya. May nakita akong isang makisig na lalaki at may kinakausap siya sa kaniyang cellphone na alam kong pinaalam sa loob na narito na ako.

Rinig na rinig ko ang musika mula sa loob ng simbahan na siya namang ikinakaba ko ng husto. Dahan-dahang bumukas ang pinto at kitang-kita ko ang maraming tao na inaabangan ako. Agad na hinanap ang aking mga mata si Jarel.

There he is! Pero nalungkot ako ng wala man lang siyang expression sa kaniyang mukha habang bored na bored siyang tumingin sa akin. Gano'n ba talaga niya ako hindi kagusto?

Itinabi ko na lamang ang lungkot na aking nararamdaman at patuloy ang aking pagngiti kahit kulang na lamang ay matutunaw ako sa paraan ng kaniyang paninitig.

Nang makalapit na ako sa kaniya ay hindi man lamang siya nag-abala na hawakan ang aking kamay upang dalhin sa harap ng pari. Nauna pa nga siyang naglakad kay sa akin kaya wala akong nagawa kundi sumunod na lamang.

Nang matapos ang mass wedding ay dumiretso kami sa venue kung saan gaganapin ang wedding program namin.

Habang may nagsasalita sa podium ay nakatingin lang ako kay Jarel. Wala pa rin siyang pakialam kung ano ang nasa paligid niya. Naalala ko tuloy ang 'kiss your bride' scene kanina. Lumapit nga siya pero hindi niya ako hinalikan kundi may sinabi lang siya sa akin.

"You will regret this,"

Iyon ang mga katagang binitawan niya kanina. Pero ngumiti pa rin ako para hindi halata sa mga taong dumalo sa wedding mass namin. Habang sa loob-loob ko ay sobra akong nasaktan dahil doon. Ang akala ko matitikman ko na ang labi niya sa unang pagkakataon pero hindi pala. He just threatened me instead of kiss.

Nakita ko kung paano niya tiningnan ang kaniyang cellphone, may message notification. Curious ako kaya pinilit kong magfocus kung ano ang nakasulat doon.

I'm here :3

Iyon lang ang nakalagay sa message. Bigla siyang tumayo at hindi man lang nagpapaalam sa akin gayo'ng asawa na niya ako. Ngumiti na lang ako dahil may nakatingin sa amin. Malapit na rin kasing matapos ang program at sigurado akong naiinip na iyon.

Ibinaling ko na lamang ang aking pansin sa nagsasalita sa harap ng mga tao, it's Abi, siya ang MC ko.

Ilang mga minuto ay hindi pa rin mobalik si Jarel sa table namin. Nagpaalam lamang ako kina Mommy na pupuntahan ko lang saglit si Jarel sa labas.

Niyakap ako ng malamig na hangin nang makalabas ako. Agad na hinahanap ng aking mga mata si Jarel ngunit wala siya. Nasaan ba kasi iyon? Sino ba kasi ang nagmensahe sa kaniya?

Sa kakahanap ko sa kaniya ay bigla na lamang akong naiihi kaya napagdesisyonan ko na pupunta muna ng CR. Habang papalapit ako roon ay parang may narinig ako ng isang boses babae na parang 'oh' lamang ang narinig ko. Hindi ako tanga para hindi ko alam ang paraan ng pagkasabi no'n nang babae.

Habang papalapit ako ng papalapit mas rinig na rinig ko ang halinghing ng babae. Narito rin ang kaba ko na hindi ko maiintindihan. Napatakip ako sa aking bibig ng sumilip ako sa may pinto dahil nakaawang ito. Kitang-kita ko kung sino ang nasa loob ng cr. Nagkakainan sila at tila ba uhaw na uhaw sa isa't-isa.

Agad akong umatras at nag-iingat upang hindi makagawa ng ingay. Bumalik ako sa venue na hindi makapaniwala sa nakita kung kabastusan sa loob ng cr.

Umupo na lamang ako at ibinaling kay Abi na hanggang ngayon ay nagsasalita pa rin dahil may kaunti kaming palaro. Napatingin ako sa kilid ko ng umupo si Jarel, wala pa rin siyang reaction sa kaniyang mukha.

Tumayo kami ng tinawag kaming dalawa ni Abi. Ito 'yong time na may sasabit sa'yo ng pera habang nagsasayaw ang mag-asawa. Napangiti ako ng mapait nang hindi man lamang niya ako inalalayan.

Nang nasa gitna na kami ay disgusto niyang hawakan ang aking bewang. Ngumiti ako ng may papalapit sa amin na mga tao at handang isabit ang pera na kanilang dala.

Ngumingiti nga ako sa lahat ng lumapit sa amin pero masyadong lumilipad ang aking utak sa nakita ko ani. Sa totoo lang, nasasaktan ako ngunit hindi halata ng lahat dahil nakangiti lamang ako.

Tumingin ako kay Jarel habang nasa paligid ang kaniyang tingin. Hindi ko aakalain na naghoneymoon na pala siya ngunit hindi ako ang kasama.

Yes, I saw him earlier. Chasing his breath while making out with another woman in the cr.

Love Over PainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon