"Ano ba? Nasasaktan ako!" sigaw ko kay Jarel dahil hindi niya pa rin ako binitawan at patuloy na kinaladkad palabas.
"Jarel, ano ba?" Patuloy na reklamo ko dahil nahihirapan na akong huminga at nasasaktan din ako sa paraan ng pagkahawak niya.
Binitawan niya ako nang marating namin ang kaniyang kotse. Humarap siya sa akin at kitang-kita ko ang pagkahiya at galit sa kaniyang mga mata.
"Sumobra ka na!" sigaw niya sa akin. What? Bakit parang ako pa ang may kasalanan? Asawa niya ako tapos hindi man lang siya nagpapaalam.
"I'm just worried 'bout you," mahinahon na sabi ko sa kaniya.
Totoo naman, nag-alala lang ako sa kaniya kaya sinundan ko siya. Baka kasi may mga nakaaway siya tapos gustong makita siya or makipagsuntukan. Paano na ako kapag wala na siya?
Napatingin ako sa kaniya nang sarkastiko siyang tumawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Nakakatawa ba kung mag-alala ka sa isang tao? Hindi naman diba?
"Are you serious? Nag-alala ka sa akin? Edi sana inisip mo muna bago ka sumugod! Alam mo ba kung gaano ako nahiya sa loob dahil sa katangahan at pinaggagawa mo?!" Pasigaw na tanong niya sa akin kaya napayuko ako.
I can't hold back my tears. Kusa silang tumulo mula sa aking mapupungay na mga mata. Ang sakit niya namang magsalita. Masakit din para sa akin na parang kinakampihan niya ang kaniyang babae kaysa sa akin.
"Asawa mo ako," paiyak na aniko.
Narinig ko naman ang mura niya at ang sarkastikong pagtawa.
"Asawa? Wala akong asawa na isang katulad mo! Kahit kinasal tayo sa harap ng Diyos! Wala akong pakialam sa'yo!" bulyaw niya sa akin at agad niya akong iniwan.
Wala siyang pakialam sa akin at kahit kailan man ay hindi niya kayang mahalin ako. Pero narito pa rin ang pag-asa sa puso na sana dumating ang araw na mamahalin niya rin ako. Ayaw kong sumuko sa kaniya. Ayaw ko dahil mahal na mahal ko siya.
Nang makapasok na ako sa kotse ay pinatuyo ko ang aking luha dahil natatakot ang maaksidente. Pero hindi talaga maiiwasan na may tumulo sa tuwing maalala ko ang kaniyang mga sinasabi.
Para malayo ako sa aksidente ay inilabas ko muna ang sakit ng aking naramdaman bago ako magmaneho. Nang wala ng lumabas na luha sa aking mga mata ay agad kong pinaandar ang makina ng aking kotse.
Kinabukasan ay nagising ako nang maramdaman ko ang sinag ng araw sa may mukha ko. Tumayo na lamang ako sa dumiretso sa banyo para manghilamos at magtoothbrush.
Habang pababa ako ng hagdan ay may narinig akong boses sa may sala namin. May hindi ba ako inaasahan na bisita?
"Oh, my wife is here Mom," rinig kong sabi ni Jarel nang papalapit ako sa kanila. "Come here," dagdag pa niya.
Hindi ko alam kung ano ang nakain ni Jarel kung bakit siya ganiyan makikitungo sa akin. Iginaya ako sa may couch at nginitian pa niya ako. Hindi ko alam kung peke o totoo. Ang galing niyang um-acting.
Ang bisita namin ngayon ay ang parents niya. Bakit ang aga naman ata nila?
"How are you my wife?" tanong ni Jarel sa akin. Tiningnan ko siya at hindi pa rin na wala ang ngiti niya sa akin.
Alam kong nagpapanggap lamang siya dahil narito ang parents niya sa harap namin. Hindi ko pa rin nakalimutan ang mga sinasabi niya sa akin na 'wala siyang pakialam sa akin'.
"Great," maikli kong sagot sa kaniya.
Narinig kong tumili ang Mommy niya. Paano kaya kung malalaman niya na hindi ganito ang pakikitungo ng anak niya sa akin kapag wala sila? Naroon pa rin ba ang tili or naroon ang awa?
"They are sweet, aren't they?" rinig kong tanong ng mommy niya sa kaniyang daddy.
Tumayo ako sa harap nila at nagmano dahil nakalimutan ko kasi. Nauna kasi ang pagpapanggap ni Jarel na parang wala siyang ginawa na kababalaghan kagabi sa club.
"Ang bait mo talaga Hija," puri niya sa akin. "I'm sure, mababait din ang papalapit na mga apo ko," dagdag pa niya dahilan ng pamumula ko.
Bumalik na ako sa tabi ni Jarel nang matapos akong nagmano sa kanila. Naramdaman ko ang kamay ni Jarel na humawak sa bewang ko. Gusto kong mag-assume na hindi ito pagpapanggap pero alam ko na ang totoo.
Nakisabay na lamang ako sa pagpapanggap niya dahil gusto ko rin na maramdaman ko na nasa tabi ko siya. Sana, palagi kaming dadalawin ng parents niya. Sana sa parents niya na lamang kami tumira. Pero lahat ng iyon ay sa salitang 'sana' lang.
May pinag-uusapan sila na hindi ko maiintindihan. Nagpaalam na lamang ako sa kanila na magtitimpla lang ako ng gatas. Inaya ko sila pero tapos na raw ang mga ito.
Habang nagtitimpla ako ng gatas ay may nagsalita mula sa aking likuran kaya humarap ako.
"Bakit namumugto ang iyong mga mata Hija?" tanong ng Daddy ni Jarel sa akin.
Sumilip ako sa may sala at parang seryuso pa rin ang pinag-uusapan nilang mag-ina. Ibinalik ko na lamang ang aking pansin sa daddy niya.
"Wala lang po ito 'Pa," ngiting sagot ko sa kaniya. Papa ang tawag ko sa kaniya. Aaminin ko na mabait ang pamilya ni Jarel pero hindi ko alam kung saan nagmana ang anak nila.
"Hija, may ginawa bang kalokohan ang aking anak?" tanong niya sa akin.
Ngumiti lamang ako sa kaniya. Ayaw kong sabihin sa kaniya na hindi kami okay ng kaniyang anak. Ayaw ko ng gulo at baka mas lalong magagalit sa akin si Jarel at ayaw ko iyong mangyari.
"Mabait po ang anak niyo. Naglinis kasi ako sa kwarto namin tapos hindi ko napansin na mahuhulog pala ang isang frame at tumama sa mata ko ang side nito," pagsisinungaling ko. Tumingin lamang siya sa akin na parang hindi naniniwala sa mga sinasabi ko. Tumingin ako sa gawi nila Jarel at gusto kung ipagpatuloy ang aking sasabihin. "Sa katunayan nga po ay maalaga siya. Ang akala ko noong una ay hindi kami magkakasundo pero siya iyong unang nakikipag-usap sa akin," dagdag ko pa.
Nakita ko ang ama niya kung paano ngumiti. Alam kong nakumbinsi ko na siya. Pero sana totoo na lang ang mga pinagsasabi ko na mabait ang kaniyang anak. Sana totoo na lamang na maalaga siya sa akin at hindi niya ako sinasaktan.
Tumingin sa gawi namin si Jarel kaya nginitian ko na lamang siya. Nang mapansin niya na nakatingin ang kaniyang ina kung sino ang tiningnan niya ay ngumiti na lamang ito sa akin. Na alam kung peke ang kaniyang ngiti.
Hindi nagtagal ay nagpaalam ang mag-asawa sa amin dahil may lakad pa sila. Humalik sa akin ang ina niya at ngumiti lamang ang kaniyang ama sa akin.
"Let's talk," rinig kong sabi ni Jarel sa kilid ko. Ang pagkasabi no'n ay napakalamig sapat na para ikaw ay giginawin.
BINABASA MO ANG
Love Over Pain
Romance✓Romance Heart Evelyn Burke is the heiress of her mother and father's company. But she used to be an employee of her mother's company. In fact, she is the Desperate one. She wants to have a Xian Jarel Martere on her life. Jarel is a CEO of M&M compa...