022

508 12 1
                                    

I cleared my throat and stopped chatting Mo. Sa likuran siya nakaupo kasi hindi ko rin alam bakit ako ang pinaupo dito katabi ni Ryann, I mean ni Engr. Magno. Hindi ko tuloy alam ang sasabihin. Hindi naman ako nagsinungaling kay Mo noong sinabi kong hindi kami close. May nangyari sa 'min dati pero iyon na 'yon. Nothing more, nothing less.

At bakit sasakyan niya ang dala? Hindi ba na-approve ang VRF ng company car? Mej awkward tuloy ako kasi it's giving me feels! Ang bango pa ng sasakyan niya, amoy mamahalin! I wonder if na-try na niya 'yong car sex.

Shit ka, self. Tigil-tigilan ang mga ganyang isipin! Be professional!

Tandaan mo, isa kang matino at magaling na engineer kapag nasa trabaho. Sa gabi ka lang marufofok, okay?

"I think they're okay with the latest revision."

Itinago ko ang gulat nang magsalita si Engr. Magno. Baka na-bother na rin siya sa kroo kroo moments.

"Opo." Anong sagot 'yan, sis? Tipid na tipid?

Pero true naman, tingin ko rin okay na si client. Akalain mo, yung reply sa email ay 'Ok' lang. Sana tinext na lang niya. Saka naka-ilang revisions kami sa plano. Pro-bono na nga yung iba, eh.

Hindi naman ganoon ka-layuan ang site sa office. 15 minutes away lang.

Nag-park si bisor sa open space saka kami bumaba. Wala akong ibang dala kundi ang hard hat at ang maliit na LV sling bag ko. Shala, I know! Nagpalit na rin ako ng safety shoes bago umalis sa office.

Si Mo ang may dala ng blueprint at ibang mga papel.

"Good morning po, Engineer," bati sa amin ng foreman at ng ibang construction workers habang naglalakad kami.

Nilibot ko ang paningin sa paligid. Isa itong 50-million project at Norweigans ang client namin. Columns pa lang mostly ang mga nakatayo kasi nga madami silang revisions. Pabago-bago ang isip! Make up your mind, charot!

Ayaw muna pasimulan ni bisor kasi magastos kung biglang may iibahin pala. Nasimulan naman na pero pundasyon at konting columns pa lang. Ang mahal pa naman ng materials ngayon! At dahil approved na at may go-signal na na ituloy, mukhang dito na naman ako sa site titira. Tapos na ang maliligayang araw ko sa office.

For six months itong Project Spongebob. May tatlo pa akong project kasama ang ibang engagement team. Kakayanin ko naman yata... I think. Wala rin naman akong choice.

Nag-ikot lang kami sa site at nagbigay ng directives at instructions si bisor sa mga tao. Siya naman kasi ang may final say talaga.

Almost one PM na nang makaalis kami sa site.

"Do you want to have lunch first before we go back to the office?" Engr. Magno said.

Libre mo po ba? Gusto kong itanong, pero syempre sa isip ko lang yun at joke lang yun!

"Sige, Engineer," si Mo na ang sumagot. Siya rin ang madalas kausap ni Engr. Magno. Ngayon ko lang siya narinig magsalita nang mahaba. Hindi naman kasi kami madalas magkita at mag-usap sa office kasi medyo malayo ang table ng mga bisor.

"What do you want?" tanong ni Engr. Magno nang makaupo na kami sa table ng isang Chinese restaurant.

I looked up from the menu to him. I tried suppressing the blush kasi bakit ganyan siya makatingin sa 'kin? Imahinasyon ko lang ba o talagang nakatitig siya sa akin? Nakaka-conscious, ha!

"Kung ano na lang yung sa inyo, Engineer," sabi ko. Hindi ko alam if libre ito so doon na lang sa safe.

Kaso, shet. Mahal pala iyong napili niyang meal! Goodluck to me kung KKB ito! Petsa de peligro pa naman.

We ate in silence. I mean, hindi naman totally kroo kroo moments. May small talks kaso awkward! Or ako lang ba 'yon? 'Di naman ako ganito sa ibang bisor. Binabarda ko pa nga sila kasi parang tropa lang kami, eh! Sinisisi ko ang history namin, charot!

Bumalik na kami sa sasakyan nang matapos mag-lunch. Hindi ko alam kung doon ako sa unahan uupo pero sinenyasahan ako ni Mo kaya roon na ulit ako umupo. Baka isipin pa ni Engr. Magno na ayaw ko siyang katabi.

Pagbalik namin sa office, iba ang tingin ni Camille nang makitang magkasabay kaming pumasok ni Engr. Magno. Sa CR kasi nagderetso si Mo. Nanunukso ang ngiti niya nang lumapit ako kaya kinurot ko siya.

Parang tanga!

"Kumain ka na?" tanong niya.

"Oo, nag-lunch na kami sa labas," sagot ko.

"Kayo nina Engineer?" Tumango ko.

"Libre niya?" natatawang tanong niya.

Napatawa rin ako nang mahina. "Oo, thank the Lord. Mamahalin ang taste niya, eh. Muntik ko nang 'di ma-afford."

"Na ol nakatikim ng biyaya."

Napailing na lang ako sa sinabi niya saka bumalik sa trabaho.

Just Walk Away (An Epistolary Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon