I stretched my arms when I'm finished for the day. Hindi pa talaga tapos pero wala na akong brain energy for the day. Pinatay ko na ang laptop ko.
I am not a thinking man anymore! Uuwi na ako. Chos!
Humikab ako habang naglalakad palabas ng building. Lampas alas dies na kaya medyo maluwag na ang trapiko. Baka mag-Angkas na lang ako o Grab kasi pagud na pagod na ako.
Kumunot ang noo ko nang makitang nakasandal si Ryann sa sasakyan niya. Akala ko nakauwi na siya.
Bakit nandito pa 'to?
Kakaunti lang kaming nag-OT kaya sure akong 'di ito nagtrabaho. O baka pumarty siguro siya sa katabing building namin na restaurant pala sa umaga at club sa gabi. Casual na rin kasi suot niya.
Umayos siya ng tayo nang mapansin ako.
"Hey."
Tumango ako. "Bakit ka nandito?" tanong ko. Wala na talaga ako sa tamang huwisyo para makipag-kapwa-tao.
"You know. . ." he shrugged.
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.
Pota.
Seryoso ba?
Tuloy pa rin?
Pagod na ako at gusto ko na lang matulog tapos ito lang ang sadya niya dito at sa akin? Daming energy, ha? Sana all po.
"Sinusundo mo 'ko?" I just had to ask.
Gaano niya ba kailangang maglabas at hindi puwedeng ipagpabukas ito? Sa lagay na ito ay malamang tulugan ko siya.
He nodded. "Come on, I'll drive you home."
Lutang na nga yata ako kasi sabi niya ay 'home'. Bahay ko naman siguro 'yon, 'di ba?
Nakahinga ako nang maluwag noong apartment ko nga ang pinuntahan namin. Nagtanggal na ako ng seatbelt at bumaba. Ganoon din ang ginawa niya. Nagtakha ako pero baka naman ihahatid niya lang ako sa may pinto mismo. Baka feeling gentleman siya tonight.
"Salamat sa paghatid," sabi ko saka ngimiti sa kaniya. Nakatayo siya sa tabi ko. Nabuksan ko na ang pinto ko at akala ko ay aalis na siya pero nanatili lang siyang nakatayo roon.
"Bakit nandyan ka—" Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil sinunggaban na niya ako ng halik. Itinulak niya ako papasok ng apartment ko saka ini-lock ang pinto. Pinigil ko siya at itinutulak pero mas malakas siya sa akin. At mukhang matindi ang pangangailangan.
Kahit pagod ako ay pinilit kong i-accomodate siya. I tried to be as responsive as I could.
"Isa lang," sabi ko sa kanya habang hinihingal.
Everything happened so quickly. Nabinyagan ang carpet ng sala ko dahil hindi kami umabot sa kama. I was too tired to cover myself. Nakasalampak pa rin ako sa sahig, mabuti na lang at nag-invest ako sa malalambot at aesthetic na carpet.
Nagbibihis na siya ngayon dahil katatapos lang namin.
So. . . dumayo pala siya kaya may pa-hatid.
"Thanks," he said. "I'll get going," paalam niya.
Tumango ako.
Malapit na siya sa may pinto nang may maalala ako. "Wala ka namang ibang nilalandi no? O girlfriend?" Baka pala kabit na ako, gusto kong idagdag pero pinigilan ko ang sarili.
Kumunot ang noo niya at parang hindi nagustuhan ang tanong ko. "None. And it's none of your business."
Ay, okay po.
Bakit galet?
"Nagtatanong lang para sure," awkward kong tawa. "Sige na, ingat. Chat o text ka na lang kapag nakauwi ka na," sabi ko.
Wala siyang sagot nang lumabas siya ng pinto.
I closed my eyes and forced myself to get up to clean myself.
![](https://img.wattpad.com/cover/327806115-288-k527292.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Walk Away (An Epistolary Novel)
Teen FictionMaybe I know somewhere deep in my soul that love never lasts. -The Only Exception, Paramore ✴✴✴ Epistolary Series # 5 Ryann Magno, hindi maginoo at medyo bastos. Seryoso, sarkastiko, at ang hindi pa niya alam at ng karamihan. . . romantiko. May mga...