101

427 5 2
                                    

Kumunot ang noo ko sa katatanggap lang na text galing sa unknown number. Ayoko talaga sa mga taong hindi agad nagpapakilala sa unang text pa lang. Hindi naman ako anxious na tao pero paano na lang iyong mga may anxiety? Dapat sinasabi na agad ang gustong sabihin sa unang text pa lang.

Hindi ko 'yon ni-reply-an. Baka nangti-trip lang. Uso pa naman ang mga scam ngayon. Sana talaga maisabatas na iyong Sim Card Registration Law para mabawasan na ang mga scammers!

Tumunog ulit ang phone ko para sa text notification.

---

iMessage

Unknown Number:
Are you busy?

Ava:
Sino po sila?

Read 2:10 PM.

Ava:
Dom is that you? Haha

---

I took my chances. Baka pala si Dominic ito. Nagbigayan nga pala kami ng number. Pero wala naman sa ugali niya ang mag-text nang hindi nagpapakilala. At nang walang emoji sa text o chat. Natatawa talaga ako kapag naalalang mahilig siya sa mga emojis kasi cute raw.

---

Unknown Number:
You deleted my number?

Read 2:13 PM.

---

Ilang segundo bago nag-register sa utak ko ang text.

Ah, 'yong gagong bisor ko pala.

---

Ava:
Kayo po ba yan, Engr. Magno?

Unknown Number:
Yes

Ava:
Ah. Bakit po? Need po ba natin mag-OT doon sa Mirmo?

Read 2:17 PM.

---

Bakit ba ako niri-read ng lalaking ito? Siya iyong unang magtetext tapos biglang 'di na magrereply? Ang consistent, ha, in fairness. Deserve ng Baeksang award.

---

Unknown Number:
No, it's not that

Read 2:19 PM.

---

Hindi na ako nag-reply kasi ano naman isasagot ko roon? Bakit hindi na lang agad sabihin nang deretso. Hindi ko na tinanong kung bakit siya nag-text kasi matagal na akong naubusan ng paki. Kahit like reax ay 'di ko kayang i-offer.

---

Unknown Number:
Can we meet?

Ava:
Bakit po?

Read 2:21 PM.

---

Hindi na ito nag-reply ulit kaya hinayaan ko na lang.

***

I didn't let what happened last weekend affect me. Panibagong work week na naman kaya dapat ready tayo sa trabaho. Bawal mag-overthink at ang distractions!

Nagpunta ako sa pantry para magtimpla ng kape at nandoon ang ilan sa mga workmates ko. Pati si Engr. Magno.

Wala akong choice kung hindi ang dumeretso papasok kasi nakita na nila ako. Mas lalong nakapagtatakha kung aatras ako.

"Itong si Ava hindi sumama sa outing. Sayang," ani Mo.

Ngumiti lang ako sa kanila. "Next time," tipid kong sagot. Lumapit ako sa coffee machine at isinalang ang tumbler ko.

"Puwede naman tayong mag-set pa ng isa. Itaon na lang natin sa wala kang prior commitment," sabi ni Mika.

"G ako sa outing 2.0," Lia seconded, then chuckled. "Sama ka ulit Engineer?" tanong niya kay Engr. Magno.

"Yeah, sure. Hope by that time you could come," sabi nito sa akin nang nakangiti.

Pinigilan kong tumaas ang kilay sa sinabi niya.

Ano 'yon?

Tumango na lang ako at nagpaalam na sa kanila na uuna na ako sa table. Hindi ko kinakaya ang mga happenings sa pantry.

The day went on as usual. Puro meetings, both virtual and physical. Buti na lang at may snacks sa physical meeting, otherwise, sana in-email na lang nila.

"Psst," sitsit ni Camille sa akin.

Awtomatiko ang ngisi ko sa kaniya. "Ano na naman?" natatawa kong tanong. Nakatayo kami sa harap ng printer dahil may pini-print ako.

"May napansin ako," aniya. Hinintay ko siyang magpatuloy sa sasabihin niya. "Alam ko namang guwapo si Engr. Magno pero parang iba ang ka-fresh-an niya lately," bulong niya.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Tingnan mo siya doon sa may lateral cabinet," dagdag pa niya. Sinunod ko siya at hinanap ng mata ko kung nasaan 'yong tinutukoy niya.

Engr. Magno was leaning at the lateral cabinet while talking to Engr. Tiu. Nakasuot siya ng white long sleeves, pero nakalilis ang manggas hanggang braso. Naka-pantalon rin ito at leather shoes. May katabi siyang hard hat, mukhang on the way sa site.

Mukhang may pinag-u-usapan silang dalawa.

Nakatingin lang ako sa direksyon nila nang biglang magbaling siya ng tingin sa amin. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko dahil sa taranta. I blinked and tried to avert my gaze, but before I did, nakita ko ang bahagyang pagtaas ng kilay niya at pagngisi.

Shit ka, Avis Wren!

Dali-dali kong kinuha ang mga papel na prinint ko saka mabilis na naglakad papuntang table ko, hindi iniinda ang mga tingin niya sa likod ko.

Just Walk Away (An Epistolary Novel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon