Good Lord.
Hindi ko alam na alipin pala ako. Akala ko engineer ako! Bakit ganito 'yong mga desisyon ko sa buhay?
Humihikab ako habang papasok sa opisina. Pagod at antok pa ako. Nagapadeliver na rin ako ng kape sa Grabfood kasi kailangan ko ng matapang na kape na gawa sa mamahaling coffee shop. Iyon lang ang sasagip sa akin sa araw na ito.
Nagtrabaho ako nitong sabado at linggo dahil sa mga trabahong feeling urgent at important. Pagkatapos na pagkatapos ko doon sa pinapasend ni Ryann ay nagpahinga lang ako nang kaunti saka napagdesisyunang tapusin ang iba kong pending na trabaho. Inuna kong tapusin lahat ng pending ko sa engagements na siya ang bisor tapos iyong sa iba naman.
Baka naman may masabi pa siya sa lagay na 'yan, ha? Talaga naman.
Kakasend ko lang ng email sa lahat. Magulat siya sa tambak na email. Karamihan doon ay due pa next week pero dahil lagi niya naman akong binibigyan ng deadline at a short notice na akala mo naman ay robot ako, might as well unahan ko na siya.
Merienda na at may pa-pansit daw sa pantry. Tumayo kami ni Camille para kumuha ng pagkain namin.
Nakasalubong namin ang mga bisor dahil sabay sabay silang naglalakad. Binati namin sila.
Kumunot ang noo ko nang makitang nakangiti 'yong isang partikular na bisor. Mukha siyang masaya dahil nakangiti siya at magaang nakikipag-kuwentuhan. Bumati pa nga siya pabalik sa amin.
Wow. Ganoon ba siya kasaya dahil maaga akong nag-send ng deliverables ko? O baka assuming lang talaga ako.
Either way, naiinis ako na parang ang saya-saya niya samantalang ako ay pagud na pagod. Nasaan ang hustisya?
Doon kami sa isang table pumwesto. Walang upuan dito sa pantry kaya nakatayo lang kami. Ganoon naman kasi kapag firm, para raw hindi tambayan ng mga empleyado ang pantry.
May point.
Nagulat ako nang lumapit sa amin si Engr. Magno at si Engr. Tiu. G'wapo rin itong si Engr. Tiu, eh, kaso may girlfriend na. Sikat pa dahil influencer.
Umisod kami para magkasya silang dalawa sa table. Hindi ako umiimik kahit na nagku-kuwentuhan sila. Nakikinig lang ako at nakikitawa kung kailangan. Tango tango lang, ganern. Taga-okay po.
Hindi ko ipinapahalata ang gulat sa mga naririnig ko. Baka nga hindi na tama ang functioning ng mga organs ko sa katawan dahil sa laging pagpupuyat at pagpapagod. Kasi bakit sinasakyan ni Engr. Magno ang mga biro sa kaniya ng mga kaibigan ko?
Anong masamang espiritu ang sumapi sa kaniya?
Skeri.
"Tahimik ni Engr. Cortez, ah," puna ni Engr. Tiu na may mapanuksong ngiti. Nginitian ko lang siya pabalik.
"Pagod lang po, Engineer," nahihiyang sagot ko.
"Pagod ka na agad? Monday pa lang. May apat na araw pa," natatawa niyang sambit.
Naku, kung alam niyo lang, Engineer!
"Nag-OT 'yan, Engineer. Tinapos lahat ng pendings kahit matagal pa deadline. Ulirang empleyado, ano? Akala mo naman may binubuhay na limang anak," sabat ni Camille na ikinatawa ng lahat.
"Sino ba'ng bisor mo sa mga engagements at mukhang pinapahirapan ka," tukso niya.
Iyang katabi mo po, gusto kong isigaw.
Napatikhim si Engr. Magno at mapaglarong tumawa si Engr. Tiu. Palibhasa hindi ko pa siya nagiging bisor kaya malakas ang loob na manukso. Nagkantsawan na silang dalawa roon.
Matapos kumain ay nagpaalam na rin kami sa kanila. Hindi na ako lumingon sa dalawa at deretsong naglakad sa table ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/327806115-288-k527292.jpg)
BINABASA MO ANG
Just Walk Away (An Epistolary Novel)
Teen FictionMaybe I know somewhere deep in my soul that love never lasts. -The Only Exception, Paramore ✴✴✴ Epistolary Series # 5 Ryann Magno, hindi maginoo at medyo bastos. Seryoso, sarkastiko, at ang hindi pa niya alam at ng karamihan. . . romantiko. May mga...