I lied. Hindi ako nakipagdate kay Dominic noong weekend. I mean, we were flirting on chat, but I did not want a repeat of what happened with my asshole of a boss. Ayoko munang seryosohin kung anuman ang ginagawa namin, be it casual flirting or if he was really serious about me. Ayoko nang ma-ghost, noh!
And even though I still see him everyday at work and he did not technically and literally ghosted me, what we had. . . it just stopped. And it wasn't a mutual decision. He just decided for the both of us and I did not appreciate that. I mean, he could've at least told me upfront. 'Di ko naman siya pipigilan.
Hindi naman ako bitter. Natuto at nadala na was the appropriate term. Hashtag never again!
Maghapon lang akong nanood ng k-drama at nagbasa ng libro. Gusto ko sanang sumama sa outing. Dagat na dagat na ako! Sure ako na masaya iyon at nag-enjoy sila.
Pero noong nalaman ko na libre ni Ryann dahil birthday niya, I just couldn't. Ayokong makipag-plastikan sa kaniya. I did not want to fake my feelings around him. Mahahalata masyado ng mga kaibigan ko kasi nosy sila.
I was well-rested during the weekend so medyo keri naman ang Monday. Nandyan din naman ang kape to save the day.
Napag-usapan namin ni Camille na 'wag na magsabay sa pagtitimpla ng kape kasi baka kung ano na naman ang isipin ng bisor ko kapag nakita niya kami. Akalain na nagchichismisan kami kahit hindi naman.
Dali-dali kong kinuha ang tumbler at papalabas na sana sa pantry nang makasalubong ko siya. I noticed na madalas kami magkasalubong sa pantry nang ganitong oras. Maybe I need to change my coffee time. Pero ayokong paabutin ng 9AM ang coffee time ko! The earlier, the better!
I mentally groaned at the thought.
Pilit ang ngiti ko sa kaniya. Gustuhin ko man na magmadaling lumabas ay hindi ko ginawa. I did not want him thinking that I am avoiding him. Kahit na totoo naman.
"You did not join the outing."
Bahagyang kumunot ang noo ko. Anong meron at kinakausap niya ako other than work-related things?
Mali si Nora, may himala!
"Opo, prior commitment," was all I said. Less talk, less mistake.
Tumango lang siya.
"Una na po ako," sabi ko saka lumabas na at bumalik sa table ko. Spell awkward!
I busied myself with work. Nakapalsak ang earphones ko sa tainga at naka-shuffle ang Spotify playlist ko. Lasing na tita sa videoke at nine in the morning. Way to start my day.
Napatalon ako sa gulat nang may maglapag ng blueprint sa ibabaw ng lamesa ko.
"Shit!" I muttered, holding my chest in shock. Napatingin ako sa kung sinuman iyon at hahambalusin ko sana nang mapagtantong si GR pala. Short for. . . you know.
"Sorry," he mumbled. Tiningala ko siya at nakita kong napasilip siya sa screen ko, sa may Spotify app, at nagpe-play doon ang Kaba ni mareng Tootsie. Bahagyang tumaas ang kilay niya. Hindi ko alam kung hinuhusgahan niya ba ang pagkatao ko based sa music taste ko!
Napaka-perfect timing naman kasi kinabahan talaga ako!
I cleared my throat to get his attention. "Ano po yun?" tanong ko.
"I need the finalized plan by lunch." Hilig magbigay ng deadline. Sabagay, robot ako.
"Okay po," walang-ganang sagot ko.
Tumango siya saka umalis na rin. Bakit ba siya personally ang nag-deliver ng blueprint? Dati naman ay iniuutos niya o kaya ay ako ang pinapapunta niya sa area nila.
"Cold mo today sizt, ah," puna ni Camille.
"'Di naman," natatawang sagot ko
"Oo kaya! Palamigin natin 'yan! Nomi?"
Napailing na lang ako. "Maawa sa atay!" paalala ko.
Ang alcoholic ng mga kaibigang binigay niyo sa 'kin, Lord!
Pinilit niya ako nang pinipilit hanggang sa pumayag ako.
Haays, napaka-ulirang kaibigan ko talaga. I deserve a Baeksang award for this!
BINABASA MO ANG
Just Walk Away (An Epistolary Novel)
Novela JuvenilMaybe I know somewhere deep in my soul that love never lasts. -The Only Exception, Paramore ✴✴✴ Epistolary Series # 5 Ryann Magno, hindi maginoo at medyo bastos. Seryoso, sarkastiko, at ang hindi pa niya alam at ng karamihan. . . romantiko. May mga...