Yeah, right.
What did I expect, though? Not really surprised.
Ganoon naman talaga ang mga lalaki. Gumagalaw lang kapag threatened. Must be the ego talking.
Ibinababa ko na ang cellphone ko kasi mafu-frustrate lang ako. I thought we were done with this? May mga multo talagang 'di matahimik.
Kinabukasan, dere-deretso akong lumakad sa table ko. May dala na akong kape na binili ko sa Starbucks kasi kailangan ko ng matapang na kape ngayong araw. At ayaw ko ring may makasalubong sa pantry.
Napakunot ang noo ko nang makitang may Chipotle wrap sa lamesa ko galing Tim Horton's. May kape rin doon. Inilagay ko ang mga gamit ko sa lamesa bago tiningnan kung kanino galing iyon.
"Ba't dalawa kape mo?" tanong ni Camille na kadarating lang sa office. Nakatingin siya sa hawak kong kape saka roon sa nasa lamesa.
Nagkibit-balikat ako. "Same question."
May idea na ako kung sino ang nagbigay pero ayokong isipin.
"Sa 'yo na 'to," sabi ko saka iniabot ang kape ng Tim Ho's. Nagbuntong hininga ako bago napagdesisyunang tanggapin ang Chipotle. Sayang kung 'di ko kakainin. Hindi pa rin naman ako nag-aalmusal.
The day went on as usual. Nag-pass muna ako sa site work. Kapalit noon ang mga admin works ng mga ka-trabaho ko na sinalo ko para payagan nila akong mag-pass.
Sabay kaming umuuwi madalas ni Camille pero ngayon ay hindi dahil mag-o-OT ako. Madilim ang paligid at area ko na lang ang bukas ang ilaw pero sanay na ako. Wala namang multo rito. Nakauwi na kanina pa.
I stretched my neck when I was done for tonight. Ulirang empleyado talaga ako! Sulit na sulit!
Kabababa ko lang sa elevator at naglalakad na sa lobby nang makitang nakaabang sa sasakyan niya iyong multo. Hindi ko siya pinansin at naglakad deretso palabas.
Who knows kung may hinihintay pala siya?
"Hey," ani nito saka hinawakan ang braso ko.
Medyo nagulat ako sa ginawa niya at nanlalaki ang mga matang napatingin sa kaniya.
"Sorry," sabi niya, bago nagbawi ng kamay.
"Ano po 'yun?" tanong ko.
Bakit nandito pa ito? Kaninang alas siete pa 'to umuwi. 10PM na ngayon.
"Hatid na kita pauwi."
Hindi ko napigiling magtaas ang kilay sa narinig.
Well, well, well.
What sorcery is this?
Come again? gusto kong sabihin.
"Okay lang," I shrugged. "Magbu-book na po ako ng Grab," sabi ko sabay pakita ng Grab app sa phone. Totoo namang magbubook na ako talaga.
"I insist. Para makatipid ka."
"Ano ito? Bakit mo ako ihahatid pauwi?" deretsang tanong ko. Gumilid kami kasi nakahara kami sa daan. Ayoko namang mapagkamalang may ka-LQ na jowa. Not that he's my jowa.
"Let's talk when we get you home." Binuksan niya ang pinto ng shotgun seat, signal na pinapapasok na ako.
I took a deep breath and walked inside his car.
Iba ito sa dala niyang sasakyan dati noong nag-site visit kami. Maganda ang interior—sleek. Mabango pati at malinis. Approved sa akin.
Hindi ako nag-comment kahit na deserve na deserve ng sasakyan niya ang praise. Yamanings talaga itong fuck boy na 'to. Dalawa na condo, dalawa pa sasakyan. Sana all.

BINABASA MO ANG
Just Walk Away (An Epistolary Novel)
Ficção AdolescenteMaybe I know somewhere deep in my soul that love never lasts. -The Only Exception, Paramore ✴✴✴ Epistolary Series # 5 Ryann Magno, hindi maginoo at medyo bastos. Seryoso, sarkastiko, at ang hindi pa niya alam at ng karamihan. . . romantiko. May mga...