Wala akong magawa ngayon kasi tinapos ko na lahat ng trabaho ko this week. Stressed!
Paniguradong next week, tatambakan na naman ako ng trabaho. Thrice a week din kami sa site next week kaya pagoda na naman ang beauty ko for sure.
Naisipan kong mag-browse na lang sa internet to kill the boredom. Nagbasa lang ako ng memes at nag-share ng mga Jisoo-posts sa IG. Kaka-release lang kasi ng solo album ng kumare kong iyon.
Nang wala na akong magawa, naisipan kong i-stalk na lang si Ryann. Sobrang busy ng nakaraang linggo kaya more than one week na kaming 'di nagkikita. I mean, we see each other sa office, but I mean the *toot* aka our extra-curricular activities.
Mabuti na lang at in-accept niya na ang one-week old kong follow request. Pa-yummy rin iyon, eh. Palibhasa yummy din talaga kaya may karapatan. Kaso mukhang walang kwenta rin kasi aapat lang ang post niya tapos pito ang pina-follow. Chineck ko iyong following list at nakilala ko na Jollibee and Friends lang tapos girlfriends ata nila 'yon.
Wow, pa-famous.
Natawa ako noong mabasa ko ulit ang nakalagay sa parang bio niya: tabi po nuno. Tabi-tabi nga po, habang nag-i-stalk. Haha!
Sa apat na posts niya ay either random posts lang tapos isa lang iyong siya ang kuha. Silhouette photo iyon sa beach tapos topless siya. One year ago. Halatang hindi active sa Instagram. Or baka sa IG stories? Hindi ko viniew 'yong story niya kahit gaano ako ka-curious kung ano 'yon kasi baka makita niya na nag-view ako. Hindi ko alam if tinitingnan niya iyon.
Nang wala naman akong napala sa IG niya, lumipat ako sa Facebook. Puro meme lang iyon at shared posts. Puro kalokohan at bardagulan pala talaga silang magbabarkada.
"Ganito pala sila, huh?" I muttered as I was scrolling through his feed. Ingat na ingat ako na baka mapindot ko ang react button. Nakakahiya iyon, jusko! Malalaman niyang ini-i-stalk ko siya.
"Hmm. I-add ko ba mga tropa niya?" Mukhang friendly naman sila, lalo na iyong si JJ at Dave. Kilala ko si Dave kasi mej famous siya dahil ang alam ko, influencer na din iyon. Galing pa sa kilalang political family. Puro engineering ang course nila. Si JP at Red lang naiba.
I decided to add them sa Facebook at follow sa IG. 'Di naman nila ako kilala. Mutual lang namin si Ryann, if ever.
After adding them on their socials, nag-offline na ako para mag-ready sa aking Friday night routine aka movie marathon with face masks on. Deserve so much!
BINABASA MO ANG
Just Walk Away (An Epistolary Novel)
Novela JuvenilMaybe I know somewhere deep in my soul that love never lasts. -The Only Exception, Paramore ✴✴✴ Epistolary Series # 5 Ryann Magno, hindi maginoo at medyo bastos. Seryoso, sarkastiko, at ang hindi pa niya alam at ng karamihan. . . romantiko. May mga...