Chapter 12: Hidden
Next day
Third Person's POV
Good Morning World" bati ni Gianna pag ka gising nya sabay unat pa ng kanyang mga kamay. Ngunit muli itong nalungkot ng maalala nya ang mga nangyari kahapon at ang mga dapat nyang gawing ngayon. Medyo late narin sya nakatulog kagabi dahil sa kakaisip niya ng solusyon sa mga problema nya.
Napag isipan nya na puntahan si Drake tapos ayusin nila ang kanilang problema. Alam naman kasi nyang sya ang may mali don e. Tsaka sinusumpong na naman sya ng curiosity nya about dun sa dalawang files na dala ni Drake kagabi kasi naman bakit nagdadala ng files si Drake e alam naman nila pareho na pinaka ayaw nila ang dinadala ang trabaho sa bahay.
As soon na matapos na sya sa pag-aayos, hinarap nya na ang mga bantay nya sa bahay. Ginawa na nga lang nyang morning ritual ang mga ginagawa sa kanya ng kanyang mumunting kasamahan sa apartment.
Di narin naman sya nagtagal don at nagpahatid nalang sya agad sa bahay ni Drake at nagpagdesisyunan nya na sumabay nalang dito pa puntang school kasi medyo malayo ang bahay ni Drake sa school.
Sa bahay ni Drake (Cloud number nine by: Bryan Adams)
Gianna's POV
pagkadating ko sa harapan ng pinto ng bahay ni Drake medyo nag aalangan pa ako kung tutuloy talaga ako. Kasi naman ang bilis bilis magbago ng isip ko e. Ngayong nandito na ako, ngayon ko lang na iimagine ang mga possible na scene pagkinusap ko sya.
Paano kung sabihin nya na para bati na kami aminin ko na sa buong school ang totoong identity ko?
Paano kung di nya na ako maaccept ulit at sobra ko pala syang natamaan kagabi?
Paano kung di pa nya ako mapapatawaad atdi nya na ako kakausapin o papansini? Di ko kakayanin to.
Paano kung gumawa sya ng agreement na parang di na kami friends, at ang tanging cnnection nalang namin is etong school at ang mga parents namin?
Di ko kakayanin yon. :(
MEANWHILE
Thrid Person's POV
Habang nasa labas naman si Gianna, nakatalikod sa pinto at nag iisip ng mga scenario, inopen na ni Drake ang pinto at di inaasahang naroon si Gianna. Napangiti ito ng nakita sa harap nya. Nang gugulatin na dapat nito si Gianna, napansin nyang malalim ang iniisip nito at bigla nyang naalala na may kasalanan pa ito sa kanya kaya napagdesisyonan nyang magpanggap muna dito.
Pagharap ni Gianna, nakita nya si Drake sa harap nya at agad-agad naman nitong niyakap si Drake at walang humpay sa pagbigkas ng 'SORRY' sa binata. Noong una'y napapangiti pa ito ngunit naramdaman nyang nababasa na ang kanyang damit kaya't unti unti itong nagpanic at nagsimula ng mag-alala at kausapin si Gianna.
Habang papasok sila ng bahay, pilit na pinapakalma ni Drake si Gianna na wala paring humpay sa pag-iyak. Dinala nito sa sala at pinaupo sa sofa. Habang patigil na sa pag-iyak si Gianna, nagmadalng kumuha ng tubig si Drake. Sa pagdating ni Drake, tumahan na sa pag-iyak si Gianna. Pinainom na nya ng tubig si Gianna at ng mahinahon na ito ay inumpisahan nya ng kausapin.
"Gianna bat di ka pa kaagad nagdoorbell? tapos pagdating mo iyak ka pa ng iyak?" -Drake
"Hala sorry talaga. Natakot kasi ako sa maaari mong sabihin sa akin e. Baka mawala ka nanaman sa akin, diba ayaw ko na ng ganoon. Ikaw na ngalang napagkakatiwalaan ko tapos mawawala ka pa ulit. Natatakot kasi talaga ako kasi baka mas malala ngayon. Naiisip mo na din ang mga pwede mong gawin, mas malawak na kesa noon." Maluhaha at malungkot na bigkas ni Gianna. Medyo nahihirapan na rin ito dahil medyo hirap na syang huminga dahil kanina pa ito iyak ng iyak.
Alam naman ni Drake wala na syang masyadong magagawa kaya cinomfort nalang nya ito hanggang sa tuluyan na syang makampante. Alam din naman nyang partly kasalanan nya ang nangyayare kay Gianna. Nang dahil sa pagkawala nya sa buhay nito nuong mga bata pa sila, yun din ang pagkawala ng tiwala at paniniwala ni Gianna sa mga tao at pangako.
'Ngayong nandito na ako, di na kita muling iiwan pa. Nandito na ako at muli nating bubuuin ang mga nawasak at hahanapin ang mga nawala sayo Gianna. Hindi na kita pababayaan pang muli. Sabi mo nga, naiisip ko na din ang mga pwede kong gawin, mas malawak kesa noon. Noon kasi wala akong nagawa, ngunit ngayon gagawin ko na lahat ng kaya ko para sayo' Ito sana ang gustong sabihin ni Drake kay Gianna ngunit wala na rin itong lakas ng loob at tiwala sa sarili na mapapanindigan nya pa itong muli.
Sa mga nangyayari, di namamalayan ni Drake na nahihirapan na rin syang magtiwala sa kanyang sarili dahil sa pag iwan nya kay Gianna non. Eto pala ang malaking pagsubok na nagyayari sa kanya ngayon. Sa sobrang pagkagusto nyang bumawi kay Gianna, sya na pala ang nahihirapan at nawawalan.
Nang umagang iyon ay hindi sila pumunta ng school. Nagstay lang sila sa bahay ni Drake at nagbonding lang ang dalawa. Naglaro sila ng Xbox at nanonood ng movie. Sobrang saya ng dalawa na parang ayaw na nilang tumigil ngunit alam nilang may responsibilidad sila kaya't after nilang kumain ng lunch. Nagsimula narin silang mag-ayos para sa hapon nalang sila pumasok. Nagpadala nalang ng uniform si Gianna para makapagpali sya kasi naman andami nilang ginawa.
Nang makapag ayos na sila, nagmadali na silang pumuntang school dahil magtatime na. As usual, pinagtitinginan na naman sila specifically, masamang tingin kay Gianna at pabebe look naman kay Drake. Medyo natutulak tulak na nga si Gianna kasi pinagkaguluhan nila si Drake dahil wala ito buong umaga at dumating pa kasama ang isang normal girl na nakasakay sa favorite car ni Drake na napapabalitang wala pang nakakasakay na sino man.
Nagmadali ng pumunta ng office si Drake at sinaman nya na si Gianna para hindi na rin mabully, kasi nga naririnig rinig nya ang mga sinabi ng iba rito. Habang patakbo sila papuntang officce, naalala ni Gianna ung files kaya naisipan nyang sa office nya na ito itatanon tutal naiwan din pala ni Gianna sa car ni Drake yung files.
Pagdating nilang office, tumambad kay Drake ang maraming paperworks. Medyo nagpanic si Drake kaya nagmadali itong pumuntang desk. Medyo na conscious at consensya si Gianna kasi dapat kahati sya don si Drake kaya pumunta nalang ito sa mgay pinto at patagong lumabas para di nya na maabala pa si Drake at nagsimula na itong pumunang class room.
Papasok na sana ito ng room ng may biglang humarang sakanya at nagsimulang magsiyasat na animo'y isang kriminal si Gianna. Walang laban ni GIanna sa mga ito dahil 5 hanngang 7 ang mga nandon at puro sya ang pinag iinitan. Nakayuko nalang si Gianna habang dinuduro duro ng mga ito.
"Hoy!! Mga panget tigilan nyo yan." Ng marinig ito ni Gianna, napatingin ito agad dahil akala nya mga alalay ng parents nya iyon, ngunit yung dalawang asungot na kasama ni Drake dati ang sumita sa mga iyon.
Agad namang tumigil yung mga babae. Ikaw ba naman lumapit sayo yung dalawang crush mo, syempre tumigil sila at ng sosorry dun sa dalawa. Tapos eto na mang si Gianna e pairap-irap lang kasi nababaduyan sya sa mga ito.
"Wag na wag nyo ng uulitin yon kundi malalagot kayo samin, MALIWANAG?!?"-banta nung isa sa dalawa. Ng makaalis na ung mga asungot na babae, naisipan ni Gianna na magpasalamat ngunit ng lilingon narin sya ay nakatalikod na ung dalawa at paalis. Hindi na hinabol ni Gianna ung dalawa kasi parehas naman sila ng klase kaya duon nalang sya magpapasalamat.
BINABASA MO ANG
I'm SPECIALLY UNIQUE
JugendliteraturAno nga ba ang mga gusto nilnag ipahayag sa likod ng mga nagyare. ;)
