Hayyysss!! Nakakainis talaga! Simula palang sa pagpasok ko sa kwartong iyon, kinamumuhian ko na. Kung ano ano ba naman ang pinagsasabi sa aking ng mga b*itches na yon. Lalo na't pumasok ako sa room kung nasan ung tatlo. Ba malay ko bang nandun silang tatlo at nag sama sama pa, kaya nga halos lahat ng mga babae e gusto nang magkaviolation para lang makita sila e.
Nga pala nandito ako sa open field ng school ko. Madalang lang kasi ang tao dito. At medyo tago din kasi kaya mahilig akong pumunta dito. After nilang nagulat kanina lumabas na ako ng padabog at tumakbo ako diretso dito. Naiwan ko pa nga doon ung lunch dapat namin e kaya eto ako ngayon walang makain. Kainis talaga pag nastart ng maayos ang araw ko mag eend naman ng bad. Wala na bang aayos pa sa buhay ko ngayon?
Humiga nalang tuloy ako dito sa gitnan tutal malilim naman tsaka pumikit. Pipikit na muna ako pampalipas oras. Ayaw ko pa din kasing umuwi e, walang privacy don. Hahaha.
Third person's POV
Office
Himala nga sa pagkakataong ito natakasan nya mga nagbabantay nya kasi akala nila magtatagal ito sa loob kasama si Drake, ang di nila alam madali lang itong pumunta at umalis kaagad patungo ng open field. Habang busy silang nakatambay sa harap ng office ay nagkukwentuhan ung tatlong lalaki sa loob. Hindi na muling binuksan ni Drake ang topic about kay Gianna kahit kinukulit nila ito dahil nga alam nila kung sino talaga si Gianna pero hindi sa ganoong katauhan.
Open Field
Bumalik tayo kay Gianna na kasalukuyang natutulog ngayon. Hindi nya alam na may isang lalaki din na naroroon bago pa ito dumating. Dahil narin siguro sa sobrang pagmamaktol nya. Hindi sana papansinin ng lalaki si Gianna ngunit may kakaiba syang nararamdaman tungkol dito. Ibang iba kasi ang babaeng iyon (si Gianna) sa mga babaeng nasa school. Hindi man normal sa kanya ang pagkabighani sa isang babae ay iyon mismo ang naramdaman nya rito. Ng napansin ng lalaki na mukhang natutulog ito, pinuntahan nya ito at tinitigan. Alam nya sa sarili nya na maganda ang babae kahit na anong pustura neto. Hindi nya mapigilan na pagmasdan ang perpektong mukha ng dalaga. Naisipan nya ring kunin ang sketch pad nya at idrawing ang mukha nito. Ng dumidilim na naisipan nya ng umalis ngunit hindi pa nagigising ang dalaga kaya ipinatong nito ang jacket nito. Nang naramdaman ng lalaki na medyo nagigising na ito, nagtago na syang muli sa likod ng puno habang pinapanood ang babaeng gumising. Pag kagising ng babae ay nagmadali tong tumayo at tumakbo na paalis ng open field ng dala dala ang mga gamit nito kasama na yung jacket ng lalaki.
Gianna's POV
HALAA!! Late na akong nagising at nasa open field pa pala ako. Tsaka madilim na din, baka kung sinu-sino na ang tinawag ng parents ko.
Kinuha ko na ang gamit ko at dali dali na akong tumakbo papunta sa apartment para di na sila mag alala.
Apartment
Sa sobrang pagmamadali ko di ko na ulit nabalikan sila Drake sa office at ngayon hingal na hingal akong papasok ng bahay. Buti nalang at mukhang wala naman silang napansin. Actually back to where I left them na naman. Eto ngayon sila busying busying sa pag aasikaso sa akin kaya dumiretso nalang ako sa loob ng kwarto ko at dito ko na binitawan ang gamit ko at mamaya ko na aayusin. Napagod kasi ako sa kakatakbo, dinaig ko pa ata ang hinhabol ng aso sa bilis. Siguro dahil narin yon sa adrenaline ko. Anyways, maliligo na muna ako, mukhang di na kaaya aya ang amoy ko at baka pumunta pa dito si Drake ng medyo late kasi alam mo na, feeling ko malaking interrogation ang mangyayari sakanya. Sana lang handa sya kung pupunta sya dito.
After kong magbabad sa cr, as expected dumating nga si Drake at sinadya kong magtagal sa cr para naman mag hintay ang mokong. Alam ko kasi ayaw talaga nyang naghihintay. Hahaha.
Pagkatapos kong mag bihis, lumabas na ako papuntang sala. As expected, hindi maayos ang itsura ng mukha nito. Although gwapo ng sya pero parang nilikot ang kanyang mukha. Gusot gusot din. At syempre alam ko na kung bakit. HAHAHA
"Good evening Drake" masigla ko syang binati at nakipagbeso beso din kaya nawala ng onti ang kanyang nakabusangot na mukha.
"Ano kaya ang maganda sa almost 2hrs na paghihintay. Kung saan alam nung nagpapahintay na hindi pa nagdinner yung nag hihintay, pagod galing sa pamamalakad ng school at super nag aalala?? Maganda kayang experience yon??"
Oh-ow di na maganda to. Akala ko naman ok lang sakanya tutal alam naman nya. Tsk. Ano naman kasi ang kinagagalit neto. :/
"Hmm. Paano nga ba? Di ko pa ata naexperience yon e. Ayy oo nga pala, nakalimutan este kinalimutan ko lang nung palang bata ako. Na experience ko na yan kaya. No worries, I know the feeling. HAHAHA."
Hala nag walk out na si koya. Pero naiwan nya mga gamit nya. Pero nung nakuha ko na ang mga gamit nya, nakaalis na sya.
Alam ko naman na nabelow the belt na yung nasabi ko e pero wala na kasi akong laban atsaka kanina gusto ko lang sya nakitang mas galit. Hindi naman sa ginagantihan ko sya kasi naman di ko kayang magalit sakanya ng mas matagal e kaso nga lang nasobrahan. Ok narin siguro yon para magpahinga na muna kaming dalawa at makapag isip isip. Baka bukas ko nalang ito ibigay sa kanya.
Bat kasi nagdala sya dito ng folder aanhin naman nya to.Dahil na rin siguro sa curiousity ko, inopen ko ung isa at nakita ko ang parang application form ng dalawang lalaki. Parang familiar ito.
'Adrian James Sue' ang pangalan na nakalagay dito. Ahh alam ko na, eto yung lalaking natutulog kanina katabi ko.
'Adrian James Sue'
Male
17 Years old
...Mahaba pa yung nakalagay pero andami kasi kaya di ko na binasa. Tapos tinignan ko naman tong isa.
'Steven John So' naman itong isa at ito yung isa pa nyang kasama. 17 years old lang din sila. Bakit kaya dadalhin ito ni Drake sakin? Ano naman balak nyang gawin dito. Tsk. Kahit kelan talaga etong si Drake. Basta bukas ibbigay ko nalang to sakanya.
Dinala ko na ang mga gamit na naiwan di Drake sa kwarto ko ng naalala ko na binitawan ko lang pala sa bed ko yung gamit ko galing school. Nga pala di pa iyon nakaayos. Kaya eto ako ayos ayos para nakatulog na, inaantok na ako e. Hahaha
Habang nag aayos ako nakita ko na nasa gamit ko ang isang jacket. Nung una akala ko kay Drake pero hindi pala. Tsk. Hindi kasi nag gefento si Drake. Alam kog auaw nya. Tsaka may napansin din akong nakaburda na initials na 'AKM' hala parang yung name ko lang yon sa achool ahh. HAHAHA ang galing naman. Pero sure ako na wala akong kakilala na gentong initials. At sure ako na galing ito sa open field. Hala baka anong nangyari sakin don. Baka babalik nalang ako dun bukas baka sakali makita ko pa ang may ari neto. I hope so.
A/N
Sorry po for typos, amature here! :)
![](https://img.wattpad.com/cover/20259815-288-k252148.jpg)
BINABASA MO ANG
I'm SPECIALLY UNIQUE
Teen FictionAno nga ba ang mga gusto nilnag ipahayag sa likod ng mga nagyare. ;)