Chapter 5

4.3K 25 1
                                    

Chapter 5 [Flashback Part 4]

Nananadya ba talaga ang mga tao?! Bakit kailangan ako pa yung tawagin niya? I really hate the topic.

Pero kahit ayaw kong pagusapan ang mga bagay na may kinalaman sa mga ama ay kailangan kong sagutin yung tanong dahil kailangan kopang bumawi sa mga absences ko.

"Si Duke Briseo ay isang mapagmahal na ama kay Florante at si Sultan Ali-adab naman ay isang maka-sariling ama. Bilang isang amang mapagmahal sa kanilang mga anak ay may mga pagkakataon na kaya nilang isuko ang mga bagay na ikasa-saya nila para naman sa ikasa-saya at kapakanan ng kanilang mga anak at ganon ang ginawa ni Duke Briseo. Kahit ayaw niyang mapalayo kay Florante ay dinala nila ito sa Atennas upang doon mag-aral. Mahirap para sa mga magulang ang mawalay sila sa kanilang mga anak pero tiniis niya ito para lang sa kapakanan ni Florante. Si Sultan Ali-adab naman ay isang makasariling ama dahil kahit alam niyang mahal ni Aladin si Flerida ay inagaw niya ito sa kanya. Sa pagkakatanda ko rin po ay dumating sa puntong pinapapatay ni Sultan Ali-adab si Aladin dahil sila ay natalo sa labanan nung iniwan ni Aladin ang mga kawal nila. Bilang isang tao, alam nating lahat na lahat tayo ay nagkakamali at bilang isang ama naman, sa tingin ko, kailangan nating patawarin ang mga anak natin gaano man kalaki ang kasalanan nila dahil pamilya sila at dapat ang pamilya ay nagtutulungan, nagpapatawaran, at nagmamahalan."

"Magaling binibining Nathalia. Kung ikaw ang tatanungin, kanino mo maihahalintulad ang iyong ama ngayon? Kay Duke Briseo o kay Sultan Ali-adab?" Natulala ako dun sa tanong ni sir at hindi kaagad nakasagot.

"Binibining Nathalia?" tawag sa akin ni sir kaya naman nabalik ako sa katinuan.

"Wala na po akong ama. Patay na siya." Hindi ko alam kung bakit yan ag lumabas sa bibig ko. Halata kong nagulat ang lahat miski si Alyssa sa naging sagot ko. Babawiin ko na sana yong nasabi ko pero naisip ko rin naman na totoo namang wala akong ama diba?

"Huh? Pero binibining Nathalia... Habang nabubuhay pa ang iyong ama, kanino mo siya maihahambing?"

"Pasensya na po pero ayoko siya pangusapan." Yan lang ang sinagot ko at umupo na. Mukhang naintindihan naman ni sir ang kalagayan ko pero alam kong iniisip niyang dahil kung bakit ayaw ko yun pagusapan ay dahil sa masakit pa sa akin ang nangyari.

Natapos na ang morning classes namin at lunch time na kaya naman nandito kami uli ni Alyssa sa cafeteria at syempre ponapagalitan niya ako ng sobra.

Hindi ko na lang siya pinansin kasi wala rin akong pakialam. Hindi sa wala akong pakialam sa kanya. Wala lang kong pakialam sa kinagagalit niya.

Nagring na rin yung bell sa wakas kaya naman natigil na rin si Alyssa na mag-sermon sa akin. Mabilis naman yung oras kaya mabilis lang rin natapos ang klase namin para sa araw na to. Sesermonan sana uli ako ni Alyssa kaya laking pasasalamat ko nung tumawag sa kanya ang mommy niya at pinapauwi na siya.

Nagpaalam na kami sa isa't isa at umalis na siya. Ako naman ay hinintay ko yung driver ko na dumating para sunduin ako.

Kaya lang... Hindi ko naman inaasahan na yung taong ayaw ko pang makita ang susundo sa akin ngayon.

Wala akong choice kung hindi sumabay sa kanya kaya naman lumapit na ako sa kotse at sumakay sa likod. Pagkasakay na pagkasakay ko ay napansin ko kaagad na may babae dun sa loob.

Tumingin ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. Siya naman ay binati ako at nginitian.

Who's this bitch?

Pero dahil sa wala naman akong balak kausapin tong lalaking to ay hindi na lang ako nagtanong kahit gustong-gusto ko.

Nakarating na kami sa bahay kaya dali-dali akong bumaba para makapasok na sa loob at pumunta sa kwarto ko kaya lang patapak pa lang ako sa hagdan ay pinigilan na ako ng magaling kong ama.

"Princess, I would like you to meet my fianc-" dahil dun ay napaharap agad ako sa kanya.

"Fianc- what?!"

"Yes princess. We're gonna be married soon."

"What the hell?! I don't even know who's that bitch i-"

"Watch your mouth! You're talking to your step-mom!"

"Step-mom your face! So ganon?! Wala pang isang buwan may kapalit na agad ang mommy ko?! Ang mommy ko na asawa niyo! My gosh!"

"You don't understand it... I love her.."

"Love?! Love?! Love your face! Who ever that bitch is, make sure I won't see her again!" Nahalata kong nagagalit na siya kaya naman umakyat na ako pero hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa kwarto ko ay hinila niya na ako.

"Don't walk away when I'm still talking to you! I'm still your dad! Respect me!"

Napatawa naman ako doon kaya mas lalo siyang nagalit. Yung babae naman niya ay nakatago sa likod niya.

"Respect?! Respect?! Nakakatawa naman dahil napunta sa respect tong usapan na to. Don't ever ask me or tell me or even demand for respect because you're not supposed to be respected! Kayo ba?! Kayo ba ha? Ni-respect niyo man lang ba ang mommy ko?! Wala pang isang buwan! Wala pang isang buwan pero napaltan niyo na agad siya! You didn't even asked me kung ayos lang sa akin na magpakasal ka uli! You're selfish! Hindi mo man lang inisip yung mararamdaman namin ni mommy! So ngayon! You're asking for respect?! Pano kita rerespetuhin ngayon ha?!"

Napatungo lang siya sa mga sinabi ko kaya naman tinignan ko yung babaeng nagtatago lang sa likod niya kanina pa.

"At ikaw naman! You bitch! Don't ever think that I'll accept you and treat you like a mother because you're not and you'll never be! My mother is irreplaceable! You get it?! Hinding-hindi mo siya malalamangan! Kahit pantayan hindi mo magagawa!"

Matapos kong isigaw lahat ng yun sa kanila ay tuluyan na akong pumasok sa kwarto ko at nagkulong.

My Daddy's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon