Chapter 10

3.9K 41 4
                                    

Last Chapter

"Princess, promise me na dapat pagsapit ng 18th birthday mo ako pa rin ang nagiisang lalaki sa buhay mo dahil kailangan ako lang ang magiging escort mo. Promise mo yan kay Daddy, okay?"

"Promise, Daddy!"

'Daddy dahil nag-promise ako sayo, tutuparin ko. Wala akong lalaki oh! Ikaw pa rin ang nagiisang lalaki sa buhay ko. At higit sa lahat ay ikaw pa rin ang escort ko kahit wala ka na.' Nakapikit lang ako nung narinig ko yung emcee na nagsalita. Minulat ko ang mata ko bago ako humakbang papasok.'

"Let's welcome the debutant, Miss Nathalia Jane Martinez!" Nagsimula na akong maglakad papasok at rinig na rinig ko yung palakpakan ng mga taong nandito sa loob.

Pumasok na ako at nakita ko na sila... Ang mga teachers, kaklase, batchmates, kaibigan... At ang pamilya ko... Pero may kulang...

Nagsimula na yung party at sinimulan na yung 18 roses. Pagkatapos naman ay 18 candles. Unang nagsalita ay si Alyssa na puro kalokohan lang ang sinabi.

"Hi bes! Sa totoo lang po nung unang beses po kaming nagkita ni Thalia ay inaway niya pa ako non. Pinagbintangan niya akong mangaagaw! Diba? Kaloka kaya! Alam niyo yun? Yung parang nakita niya ako kasama yung boyfriend niya tapos sasabihan niya ako ng mangaagaw at malandi! Tapos sasabunutan niya ako tapos pipigilan siya nung boyfriend niya tapos sasabihin niya na ako talaga ang mahal niya at hindi siya! Diba?! Ang ganda ng ending! Sabi ko sayo bes pwede tayong mag-artista eh! Pwede nga siya maging totoo sa buhay natin kaya lang medyo imposible na. Yan po kasing si Thalia ni isang beses hindi nagpa-ligaw yan! Gusto niya yung first boyfriend niya ay yung magiging last rin! Oh debah?" Puro tawa lang yung ginawa ko at dun ako naiyak sa huli niyang sinabi. "Im may only be your bestfriend, but I can be your sister too. Sister from another mother ang peg ko, bes! Lagi mo yang tatandaan. Nandito lang ako lagi para sayo, Thalia."

Sunod ay yung mga Tita ko pati yung iba kong kaibigan at ang huli naman ay si Mommy.

"Ayoko ng balikan ang mga nangyari sa pagitan natin noon. Oo, hindi naging maganda ang mga alaala natin noon pero sabi nga nila, everything happens for a reason. Ang masasabi ko lang ay proud ako sayo dahil lumaki kang ganyan ka-ganda at napakabait at matalino pa. Sigurado akong maraming naghahabol na lalaki sayo ngayon pero bago ka pumayag magpaligaw warningan mo muna sila dahil paniguradong mumultuhin sila ng Daddy mo. Sigurado akong proud rin ang Mommy mo lalong-lalo na ang Daddy mo. Alam ko namang kahit maging sino ka man, magiging proud pa rin sayo yung Daddy mo. Alam kong marami ka ng pinagdaanan. Alam kong masyado ka ng nasaktan kaya gusto kong sabihin sayo na nandito lang ako... Kami ng mga kapatid mo para sayo. Hindi naging maganda ang simula natin pero kaya pa naman nating itama yung mga naging pagkakamali natin noon. I love you, sweety." Tapos lumapit sakin si Mommy at niyakap ako.

"I love you too, Mommy." Umiiyak ako habang nakayakap sa kanya kaya naman napagalitan niya ako dahil sinisira ko daw yung make up ko.

Tumayo ako at naglakad papunta sa gitna. Ako naman ngayon ang magsasalita.

"Gusto kong magpasalamat sa lahat ng pumunta dito. Hindi ko akalain na pupunta kayong lahat. Gusto kong magpasalamat sa mga kaibigan ko, si Alyssa at si Marianne. Sa mga kapatid kong si Ezri at Ella na hinintay pa talaga ang 12MN para batiin ako." Natawa naman sila at napatingin sa kambal. "Pati na rin kay Mommy na nagayos ng lahat ng ito. Kung wala siya baka sa kalsada na lang ako nagpa-party." Muli ay nagtawanan sila.

"Higit sa lahat ay gusto kong magpasalamat sa isang taong nagawan ko ng napakalaking kasalanan. Sa kaisa-isang lalaki sa buhay ko na mahal na mahal ko. Sa lalaking kahit kailan ay hindi ako pinabayaan kahit wala na siya."

"Daddy, alam ko pong magkasama na kayo dyan ni Mommy. Sana po pakinggan niyo itong kantang to na para sayo." Nagsimula ng tumugtog yung background music kaya napapikit muna ako bago nagsimulang kumanta.

Aking Ama by Lil Coli

Nung ako'y bata pa

nang iwan ako ng aking ama

mata'y lumuluha na

di kaya ni nanay ng iwan nya

sakin ay may bumulong

sabi ni tatay na wag iiyak

malungkot ako aking ama

"Happy birthday rin sayo Daddy! Alam kong masaya na kayo ni Mommy dyan at wag na kayong magaalala sa akin dito. Masaya rin po ako at inaalagaan ako ni Mommy Elaine. Daddy, everything was for me, right? You married Mommy Elaine for me. Para hindi ako magisa. You're so stupid, Daddy. You're stupid because you hurt someone like Mommy Elaine. She loves you so much, Daddy. Pero alam kong minahal mo rin siya. Hindi mo naman siya papakasalan kung hindi mo siya mahal diba? You're lucky Daddy. You're lucky for having my 2 moms."

Kung may pagkakataon na mayakap sya

at masabi ko na mahal kita ama

awiting to ay alay ko sayo

mahal na mahal, mahal kita o aking ama

ako at si nanay, iniisip ka

sa panaginip nalang tayo nagkikita

kulitan natin dati

mga alaala mo nung kasama ka

haplos na galing sayo

mga payo na tinuro mo

di malilimutan aking ama

"Alam ko na Daddy kung bakit ako naging Daddy's girl. Because like you, I'm lucky. I'm lucky for having 2 mothers and a father. Syempre lucky rin ako for having 2 adorable little sisters. Matagal na akong swerte pero hindi ko agad na-realize yon. Totoo nga no, Daddy? Totoo na mare-realize mo lang yung importansya ng isang bagay kapag wala na ito. Mare-realize mo lang yung mali mo kapag natuto ka ng makinig. At matuto ka lang makinig kapag huli na ang lahat."

Kung may pagkakataon na mayakap sya

at masabi ko na mahal kita ama

awiting to ay alay ko sayo

mahal na mahal, mahal kita o aking ama.

"I love you and I miss you, Daddy. So much....

And I am and will always be My Daddy's Little Princess."

My Daddy's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon