Chapter 8

3.4K 27 1
                                    

Chapter 8 [Flashback Part 7]

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa mata ko. Wala akong pasok ngayon at tinatamad akong lumabas ng bahay kaya naman dito lang ako sa bahay ngayon magii-stay. To be specific, sa kwarto ko. Ayokong lumabas dahil masisira lang ang araw ko kapag nakita yung babaeng yun.

Oo taon na ang nakalipas pero hindi ko pa rin siya tanggap. Para sa akin, wala pa rin siyang kwentang babae ng Daddy ko. I better keep it myself dahil nung last time kong sinabi yung ng harap-harapan sa babae ni Daddy ay narinig niya kaya naman ako pa ang napahiya.

Per dahil nagugutom ako at ayoko namang mamatay sa gutom, lumabas ako para pumunta sa kusina pero pababa pa lang ako ay rinig na rinig ko yung tawa ng kambal at si Daddy na nagsasalita.

Tinignan ko kung asan sila at nagsisi rin ako kung bakit ko yung ginawa.

Nandon siya. Nakikipaghabulan sa kambal. Dati-rati ako ang nasa pwesto nung kambal. Ako yon. Ako yung kalaro ni Daddy. Ako lang.

"Nathalia?" Agad kong pinunasan yung mga luhang tumutulo sa pisngi ko at hinarap yung kung sino mang tumawag sakin.

Kung sineswerte ka nga naman. Yung babae pa ni Daddy ang nakakita sa akin. Tinignan ko siya sa mata at nakita ko dun ang awa. Tsk. Hindi ko kailangan ng awa niya.

Aalis na sana ako pero nagsalita siya uli. "May problema ka ba? Baka may maitutulong ako." Napa-tawa na lang ako dun sa sinabi niya.

"Pag sinabi ko bang ikaw ang problema ko, aalis ka na ba dito? Titigilan mo na ba ang pagsira sa buhay ko?! Hindi naman diba?! Kasi kahit anong sira mo sa buhay ko, matagal na itong sira! Sinira mo! Mula nung dumating ka dito, sinira mo na ang buhay ko!"

"Nathalia!" Sandali akong nalatigil dahil dun sa boses nung sumigaw pero hinarap ko rin siya. Ang sama ng tingin niya sa akin habang tinatago niya sa likod niya yung kambal na para bang pino-protektahan niya ito mula sa akin.

Pakiramdam ko ay naluluha na naman ako kaya nagsalita na ako. "Oo na! Wala naman akong laban dyan sa magaling mong babae! Ako na lang lagi! Sige na! Pakasaya kayo!" Sigaw ko sa kanila at tumakbo na papunta sa kwarto ko at dun ako umiyak ng umiyak.

Hindi pa rin pala nauubos yung mga luha ko. Akala ko kasi wala na eh. Pagod na pagod na akong umiyak.

Iyak lang ako ng iyak hanggang sa hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako. Nagising lang ako nung may kumatok sa pinto ko. Hindi na nila ako hinintay magsalita at dire-diresto na silang pumasok sa loob.

Sila? Oo, sila. Dire-diretso yung kambal sa pagakyat ng kama ko. At dahil 1 year and 6 months pa lang sila ay inalalayan ko sila.

"Achi! Ochay cha yang?" [Ate! Okay ka lang?] Tanong sa akin ni Ezri. Hindi ko siya sinagot at naglakad ako papunta sa closet ko.

"Achi wach chayo chibi!" [Ate watch tayo TV] Hindi ko pa rin siya pinapansin at nagpunta sa loob ng CR para maligo. Dala-dala ko na rin yung mga damit ko.

Sandali lang ako naligo at nung nakapagbihis na ako at palabas na ay may narinig akong parang nabasag kaya dali-dali akong lumabas lalo na at narinig ko yung iyak ni Ezri.

Nung nakita ko kung ano yung nahulog ay biglang nagdilim yung paningin ko. Nakita ko si Ezri dun na umiiyak. Hinila ko siya dun at inilabas sa kwarto ko. Nakita ko namang nagmamadaling umakyat sila Daddy pati yung asawa niya papunta sa kwarto ko.

"Anong nangyari, Nathalia?" Kitang-kita ko sa mukha niya yung pagaalala. Hindi ko maiwasan makaramdam ng inggit.

Itinulak ko si Ezri papunta sa kanya. Sa una ay nagulat ako sa ginawa ko at nagpasalamat ako dahil nasalo siya ni Daddy pero nung nakita ko yung pagaalala sa mukha ni Daddy ay nawala rin ito.

"Ano bang problema mo, Nathalia?! Mabuti na lang at hindi napano si Ezri! Ano bang nangyari sa loob?!" Galit na tanong sakin ni Daddy.

"Sinira niya yung bigay sa akin ni Mommy nung 10th birthday ko!"

"Yun lang?! Yun lang tapos ganyan ka kung magalit sa kapatid mo?!"

"Kapatid?! Ni minsan hindi ko siya tinuring na kapatid! At yun lang?! Lang?! Palibhasa hindi na importante si Mommy sayo! Palibhasa kinalimutan mo na siya! Pero sa akin Daddy importante yun! Isa yun sa mga nagpapaalala sakin kay Mommy tapos sisirain niyang anak mo?!"

"Nathalia hindi pa rin yun sapat na rason para saktan mo yung kapatid mo! Anak ko siya kaya kahit sa ayaw at sa gusto mo, kapatid mo siya! Ngayon, magsorry ka kay Ezri at sa mommy mo!"

"Hindi! Wala akong kapatid! Bakit ako magso-sorry?! Siya yung nakasira ng gamit ko! Isa pa, anong mommy?! Nakalimutan mo na ba na wala na si Mommy?! Dahil sayo! Dahil sa kapabayaan mo!" Napatingin ako dun sa babae niya. "Don't tell me siya yung sinasabi mong Mommy ko? You're insane, Dad!" Napapikit na lang ako nung naramdaman ko yung palad ni Daddy na tumama sa pisngi. Ang sakit.

"Hindi na ikaw yung anak ko! Hindi na kita kilala! Wala akong anak na kasing bastos mo!" Galit na galit na sigaw ni Daddy sa akin.

"Oo, Daddy! Hindi na ako yung dating Nathalia! Yung dating Nathalia na prinsesa mo kasi pinagpalit mo na ako! Hindi na ako yung dating Nathalia na may ina na mapagmahal kasi wala na si Mommy! Hindi na ako yung dating Nathalia dahil sayo! At hindi mo na rin ako kilala kasi may iba ka ng pamilya! Pakiramdam ko ako dahil sa akin kaya hindi kayo masaya! Pakiramdam ko sampid lang ako sa pamilya mo! Kaya sana maging masaya kayo kapag umalis na ako! Wag kang mag-alala Daddy! Simula ngayon, wala na kayong anak na katulad ko. Dahil simula ngayon, hindi niyo na ako anak at hindi na kayo ang Daddy ko." Sabi ko sa kanya at tumakbo palabas ng bahay.

"NATHALIA!" Rinig kong sigaw ni Daddy bago ako tuluyang makalabas ng bahay. Parang sinaksak ako sa puso non lalo na nung narinig ko yung pag-crack ng boses ni Daddy.

Pero hindi na pwede. Hindi na ako pwedeng bumalik. Gaya nga ng sabi ko, hindi niya na ako anak at hindi na siya ang Daddy ko. Wala na akong mapupuntahan. Wala na akong pamilya.

Muntikan na akong mawalan ng pag-asa nang bigla akong may naisip.

Si Alyssa... Siya na lang ang meron ako. Siya na lang ang pamilya ko.

Dali-dali akong pumunta sa kanila. Pagkakitang-pagkakita niya pa lang sa akin ay niyakap niya agad ako. Hindi siya nagtanong ng kahit ano at pinapasok na lang ako sa loob. Nakita rin ako nila Tita Stella pero hindi rin sila nagtanong sa halip ay pina-inom nila akong ng tubig at dinala sa kwarto ni Alyssa para makapag-pahinga.

Nagising na lang ako na katabi ko na sa kama si Alyssa at natutulog na. Tinignan ko yung cellphone at nakita kong 4AM pa lang.

Itatago ko na sana yung phone ko ng bigla itong nag ring...

Daddy calling...

Hindi ko alam kung bakit pero nagkusa na yung daliri kong pindutin yung accept at napabangon agad ako sa kama kahit hindi pa siya tapos magsalita.

"Nathalia, ang Daddy mo....."

My Daddy's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon