Chapter 9

3.2K 26 4
                                    

Chapter 9 [Last Flashback]

Habang tumaktakbo ako papasok ng hospital ay hindi ko maiwasan mabalikan ang mga alaala ko kasama si Daddy.

"Princess, wag ka maniwala kay Tito Ninong mo ha? May saltik lang talaga yan sa utak. Hindi ka naman ipagpapalit ni Daddy kahit magkaron tayo ng bagong baby. Ikaw pa rin ang princess ko, okay? Siya wag ka ng umiyak. May uupakan lang ako."

Umiiyak na ako at tumatakbo pero pakiramdam ko parang ang bagal-bagal ko. Parang bumagal yung oras.

"No princess. I'm sorry. Nabigla lang si daddy."

"Happy birthday, princess. So where do you want to celebrate our birthday. This will be the first time that we'll celebrate it with Elaine and your sisters right?"

Dire-diretso lang ako sa pag takbo at wala akong paki-alam kung pinagtitinginan ako ng mga tao. Wala akong pakialam sa mga iniisip nila.

"I love you, princess."

"Don't cry princess, alam mo namang ayaw kang nakikitang umiyak ni Daddy diba?"

"My Princess is so beautiful. Manang-mana sa mommy niya."

Nung nakarating ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Daddy ay dali-dali akong pumasok at nakita ko sa loob yung babae ni Daddy na magang-maga yung mga mata at hanggang ngayon ay umiiyak pa rin. Nilapitan ko siya at tinanong kung anong nangyari pero iyak lang ang sinagot niya sa akin kaya naman yung doctor na yung tinanong ko.

"Doc! Ano pong nangyari?! Kamusta na po ang Daddy ko?!" Kinakabahan ako lalo na nung nakita ko yung itsura ni Tita Elaine pero ayaw ko maniwala.

"I'm sorry but... he's gone."

"I'm sorry but... he's gone."

"I'm sorry but... he's gone."

Marami pang sinabi yung doctor pero hindi ko na ata kayang makinig. Umulit-ulit lang sa utak ko yung sinabi niya.

Lumabas muna yung doctor at iniwan kaming dalawa sa loob. Wala na dito si Daddy.

"Inatake siya nung umalis ka sa bahay." Nagulat ako nung biglang siyang nagsalita. Halata kong pinipilit niya lang magsalita kahit di niya kaya. "Dinala kaagad namin siya dito sa hospital pero sabi ng mga doctor huli na daw ang lahat. Yun na ang pinaka-malala at hindi na kinaya ng puso niya."

Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Mukhang nabasa niya yung nasa utak ko kaya tumango siya.

"Ilang beses na siyang inatake noon. Buhay pa ang Mommy mo inaatake na siya." Iyak lang ako ng iyak habang nakikinig sa kanya.

"Hindi niya naman talaga nakalimutan ang Mommy mo... Kayo ng Mommy mo. Hindi niya kayo pinabayaan. Totoo na para sa inyo ng Mommy mo kaya siya laging nagt-trabaho. Nung mga oras na yun ay maraming utang yung kompanya niyo. Alam ng Daddy mo yung tungkol sa sakit niya at hindi niya alam kung kailan siya kukunin. Gusto niyang safe na ang future niyong dalawa kaya naging abala siya sa trabaho. Ginawa niya ang lahat para masagip ang kompanya niyo. At nung namatay ang Mommy mo, akala mo ba hindi siya nasaktan? Sobrang mahal niya ang Mommy mo pero pinilit niyang maging malakas para sayo. Kahit ilang beses mo siyang sinagot, kahit ilang beses mo siyang sinaktan, kahit ilang beses mo siyang itinulak hindi ka niya iniwan. Hindi ka niya iniwan kasi mahal na mahal kanniya. Ikaw na lang ang tanging alaala ng Mommy mo sa kanya."

"Kung... Alam mong may sakit si Daddy, bakit hindi mo siya iniwan? Bakit nagpakasal ka pa rin sa kanya?" Mas lalo siyang naluha dahil sa tanong ko.

"Dahil mahal ko siya. Nathalia, mahal na mahal ko ang Daddy mo." Tuluyan na siyang nag-breakdown sa harap ko kaya niyakap ko siya.

"Mahal na mahal ko siya kaya kahit na alam ko yung tungkol sa sakit niya, okay lang. Mahal na mahal ko siya kaya kahit mahal niya pa ang Mommy mo, okay lang. Mahal na mahal ko siya kaya tanggap ko ang mga yon."

"I'm sorry. I'm sorry po. Kung hindi dahil sa akin hindi mangyayari to. I'm sorry po kasi ang sama-sama ko. I'm sorry po."

"Kahit hindi ka mag-sorry, alam kong matagal ka ng napatawad ng Daddy mo. At sana ikaw rin, mapatawad mo na siya."

-

Ilang araw na yung nakalipas at ngayon na yung araw na ililibing si Daddy. Nandito kaming lahat ng nagmamahal kay Daddy. Si Tita Elaine mismo ang nagayos ng lahat. Kahit alam kong sobrang sakit rin para sa kanya ay pinilit niyang kayanin. Gabi-gabi ay naririnig kong umiiyak si Tita sa kwarto nila ni Daddy. Si Tita rin mismo yung nagsabi na sa tabi na lang siya ni mommy ililibing.

Nagsalita kanina si Tita para sa huling pamamaalam niya kay Daddy na nagpaiyak saming lahat na nandito. Ngayon naman ay ako na ang magsasalita. Huminga muna ako ng malalim bago nagsalita.

"Bata pa lang ako, kilala na ako as Daddy's girl. Close rin ako kay Mommy pero mas close talaga ako kay Daddy. Si Daddy yung tipo ng taong mapagmahal at mapagaruga. Lagi niya kaming inaalagaan ni Mommy. Magpagpatawad rin si Daddy. Magda-dalawang taon na nung si Mommy yung nawala sa amin. Nagyon naman pati si Daddy kinuha sa akin. Hindi ko alam kung saan ako pupulutin."

Tumingin muna ako kay Tita Elaine bago ako nagpatuloy sa pagsasalita. "Then na-realize ko... Meron pa naman akong pamilya. Meron akong bagong pamilya pero lagi ko silang tinutulak palayo. Meron akong bestfriend na para ko ng kapatid." Tumingin ako kay Alyssa sandali at nakita ko siyang umiiyak na rin kaya binalik ko yung tingin ko kay Tita.

"Meron akong dalawang kapatid na kambal.. Si Ezri at Ella.... At higit sa lahat ay may bago akong Mommy na kahit ilang beses kong pinagsabihan ng masasakit na salita ay nandyan pa rin para sa amin at hindi umalis sa tabi ni Daddy. I'm sorry Tita." Sabi ko sa kanya at siya naman ay mas naiyak sa kinauupuan niya.

"Inaamin kong naging masama akong anak. Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan ay ginawa ko na. Kung pwede ko lang buhay muli si Daddy ay ginawa ko na para makahingi ako ng tawad at masabi ko sa kanya kung gaano ako nagsisisi at kung gaano ko siya kamahal. Ilang beses kong nasaktan si Daddy dahil sa mga pinagsasasabi ko. Noon nga ay sinabihan ko siya na sana siya na lang ang namatay at hindi si Mommy." Kita ko yung gulat dun sa mga taong nakikinig sa akin.

"Get off of me! Kung hindi dahil sayo, hindi mawawala si mommy! Kung sana mas inuna mo si mommy kesa sa company natin, baka nadala kaagad natin siya dito! I hate you daddy! I hate you! Sana ikaw na lang ang namatay at hindi si mommy!"

"Pero ngayon pinagsisisihan ko yun. Sobrang akong nagsisisi. Mahal na mahal ko si Daddy. Sobra pa sa sobra. Pero anong ginawa ko? Sinaktan ko siya. Ang sama-sama kong anak." Lumapit na sa akin si Tita non at pinigilan na ako. Hinila niya na ako papaupo at pinainom ng tubig.

Habang inaayos na ang lahat ay nagtayuan na kami para lumapit habang binaba na yung kabaong ni Daddy sa lupa." Iyak lang ako ng iyak habang tinitignan yun na bumababa habang si Tita Elaine ay nasa likod ko at umiiyak rin.

"Wag kang mag-alala Daddy! Simula ngayon, wala na kayong anak na katulad ko. Dahil simula ngayon, hindi niyo na ako anak at hindi na kayo ang Daddy ko."

I'm sorry Daddy....

My Daddy's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon