Chapter 7 [Flashback Part 6]
1 year and 4 months have passed and guess what? It's my birthday! It is supposed to be a special day for me... And for him.. But I don't want to celebrate my birthday with him so lalabas na lang ako kasama si Alyssa.
Nung nakalabas na ako ng kwarto ko ay ang unang bumungad sakin ay si daddy kasama ang asawa niya katabi ng dalawa niyang anak. Yeah. Nabuntis ang babae ni daddy and they're twins.
"Happy birthday, princess. So where do you want to celebrate our birthday. This will be the first time that we'll celebrate it with Elaine and your sisters right?" Nakangiting sabi sakin ni daddy.
Yes. Magkasabay kami ng birthday ng daddy ko.
"Oh. Why don't you celebrate your birthday with your family, Dad? I can take care of myself. I'll be more than happy to celebrate my birthday with Alyssa than to go with you. I hope you'll be happy with your family too. So I guess I should go now? Enjoy your day." Hindi ko na siya hinintay sumagot at lumabas na ako ng bahay.
Hinatid ako ng driver ko papunta sa mall na pinagusapan namin ni Alyssa and there I saw her with Marianne... Her friend? Haha.
"Hoy bakla! Basta ikaw bahala magayos sakin sa party ni Mommy ah?"
"Oo na! Ano pa nga bang bago? Ako naman lagi ang nagaayos sayo!"
At ayan na naman po sila. Nagtatalo na naman na para bang wala ng bukas. Buti na lang at sanay na ako dyan sa dalawang yan kung hindi nasapak ko na sila.
"Sorry Aly, hindi ako makakapunta sa party ni tita mamaya. Pakisabi babawi na lang ako. Pupuntahan ko si mommy mamaya eh. I'll celebrate with her." Natahimik naman yung dalawa at napatingin sa akin.
"Okay lang Thalia no! I'm sure maiintindihan naman yun ni mommy! Sure ka? Gusto mo bang samahan ka namin?"
Umiling kaagad ako. "No! You two should go to Tita's party which is your Mom's party! I'll be fine! More than fine nga siguro kasi kahit papano madadalaw ko na uli si mommy."
"Sige girl! Basta kapag nagka-problema ka at kailangan mo ng kausap, tawagan mo kaagad ako ha? Kapag di ako sumagot etong si bakla ang tawagan mo."
"Oo nga friend! Alam mo namang napamahal ka na rin sa akin! Jusmiyo marimar! Mas maganda ka pang kasama kesa sa bruhildang itech! Basta kapag nainis ka ulit kay padir mo, you can call me agad-agad! Sasagutin ko karakaraka!"
Oo. Alam rin ni Marianne lahat ng nangyari sa buhay ko dahil napalapit na siya sa amin ni Alyssa. Mas close nga lang silang dalawa kahit madalas silang hindi magkasundo.
"Salamat! So pano ba yan? Enjoy kayo sa party! Pupuntahan ko na si mommy! Ingat kayo!"
Nung makarating ako sa sementeryo ay pinuntahan ko kaagad ang puntod ni mommy at nakita kong may kandila pang nakasindi dun at bulaklak.
So.. Dinalaw pala siya ng magaling kong ama? Di na nahiya. Kasama niya pa yung babae niya nung pumunta sila dito.
Umupo ako dun sa damuhan tsaka humiga. Araw-araw naman itong nililinis kaya walang problema.
"Hi Mommy! Happy birthday to me! 14 years old na po ako. Sayang lang wala kayo dito para makita niyo kung gaano na ako kalaki. Siguro nagagalit kayo sakin ngayon kasi hindi ko ni-celebrate yung birthday ko kasama si Daddy no? Siguro disappointed ka sakin kasi lagi kong inaaway yung lalaking mahal na mahal mo. Pero mommy, masakit kasi eh. Hindi ko pa rin matanggap na napaltan ka agad niya. Bakit ba kasi hindi ako nagmana sa inyo Ma? Bakit ba hindi ko namana yang ugali niyo. Yung pagiging mabait niyo. Mommy sorry ah? Sorry kung disappointed ka sakin pero hindi ko lang talaga mapigilan. Mommy mahal niyo siya eh. Mahal na mahal. Kaya nga kahit wala na siyang pakialam sa sayo okay lang sayo eh. Simula kasi nung dumating yang lintik na kompanya ni daddy nagbago na ang lahat."
Huminga muna ako ng malalim bago binalikan ang mga masasayang alaala namin tatlo nila mommy bago nagbago ang lahat.
"Naalala mo pa ba mommy? Yung bata pa ako umiiyak ako kasi sinabi sa akin ni Tito Ninong na may baby daw sa loob ng tiyan ni daddy at hindi na lang ako ang baby niyo? Iyak ako ng iyak non kaya nasapak ni daddy si Tito Ninong."
"Daddy! Daddy!" Iyak ako ng iyak habang papalapit sa daddy ko.
"Oh? Sinong umaway sa prinsesa ko? Bakit ka umiiyak? Sino? Dali at bubugbugin ni daddy!" Yumakap ako at kumalong sa kanya.
"Daddy sabi ni Tito Ninong may bago ka na daw baby dyan sa tiyan mo! Hindi na daw ako ang baby mo! Daddy! Ayoko! Ako lang dapat baby mo!" Narinig ko yung tawa ni Tito Ninong sa kusina at nakita ko ring sumenyas si Daddy kay mommy na siya muna yung kumalong sa akin at kinuha nga ako ni mommy kay daddy kaya mas umiyak ako.
"Princess, wag ka maniwala kay Tito Ninong mo ha? May saltik lang talaga yan sa utak. Hindi ka naman ipagpapalit ni Daddy kahit magkaron tayo ng bagong baby. Ikaw pa rin ang princess ko, okay? Siya wag ka ng umiyak. May uupakan lang ako." Sabi ni Daddy bago pumuntang kusina at narinig ko yung paghingi ng tulong ni tito ninong.
"Naalala mo pa ba mommy yung pumunta sa bahay si Tita Stella kasama yung baby niya? Yung inaway ko pa si klyssa nung una naming pagkikita kasi nagselos ako sa kanya nung bnAlyssa nung una kaming nagkita kasi nagselos ako sa kanya nung binuhat siya ni Daddy."
"Bitawan mo Daddy ko!" Sabi ko dun sa batang babaeng nakakalong sa Daddy ko. Pero ayaw niyang sumunod sa akin kaya naman hinila ko yung paa niya. Maya-maya lang ay binaba na rin siya ni Daddy. Tinulak ko siya pagkababa niya kaya siya natumba at biglang umiyak.
Dali-dali namang lumabas sila Mommy at Tita Stella sa kusina at lumapit dun sa batang manga-agaw.
"Princess, bakit mo siya tinulak?" Tanong sa akin ni Daddy habang si Mommy ay masama yung tingin sa akin.
"Kasi Daddy, inaagaw ka niya sa akin!" Umiiyak ko ring sabi. Pinatahan ako ni Daddy habang si Mommy ay pinapagalitan ako. Mabuti na lang at pinigilan siya ni Tita Stella at sinabing okay lang daw pero pinilit pa rin ako ni Mommy na mag-sorry dun sa bata.
"Sorry." Sabi ko sa kanya. Akala ko itutulak niya rin ako bilang ganti dun sa ginawa ko sa kanya pero sa halip na ganon ay nginitian niya na lang ako.
"Hello! Ako si Alyssa! Okay lang yun. Naintindihan naman kita! Sorry kung akala mo inagaw ko ang Daddy mo sayo ah? Wala kasi lagi sa amin yung Daddy ko kaya miss ko na siya. Sorry." Lumungkot yung mukha niya at mukhang maiiyak na naman kaya naman niyakap ko siya.
"Gusto mo ba share na lang muna tayo sa Daddy ko habang wala pa yung iyo?"
Naluha siya dun sa sinabi ko at ilang beses tumango at niyakap ako. Nung humiwalay siya sa akin ay niyaya ko siyang pumunta sa kusina kasi nandun ang Mommy namin at ang Daddy ko. Lumapit ako kay Daddy habang hila ko si Alyssa.
"Daddy! Okay lang ba kung share muna kami ni Alyssa sayo? Wala kasi yung Daddy niya kaya ikaw muna!" Masayang sabi ko kay Daddy at niyakap siya. Hinila ko rin si Alyssa para mayakal niya si Daddy.
Nung napatingin kami sa mga Mommy namin ay nakita naming pareho silang mangiyak-ngiyak na dalawa.
Hindi ko mapigilang matawa habang inaalala yung nangyari non. Simula non ay araw-araw ng nasa amin si Alyssa at naglaro kami. Don nagsimula ang pagiging magbestfriend namin.
Habang binabalikan ko yung mga masasayang alaala ko kasama ang Daddy ko ay hindi ko mapigilang mapaluha.
I am a Daddy's girl... Noon. Hindi na ngayon.