Chapter 4

5K 25 0
                                    

Chapter 4 [Flashback Part 3]

Weeks after nung tumakas ako sa hospital ay nagpahinga muna ako sa bahay at napagisip-isip ko na papasok na uli ako sa school kaya naman heto ako ngayon at nagre-ready na.

Pababa na sana ako ng hagdan ng makasalubong ko ang magaling kong ama. Hindi ko na sana siya papansinin kaya lang bigla siyang nagsalita.

"Mabuti naman at ayos ka na at naisipan mo ng pumasok ng school. Natutuwa ako para sayo at sure rin akong matutuwa sayo ang mommy mo kung makikita ka niya ngayon. Hindi rin naman matutuwa ang mommy mo kung makikita ka niyang umiiyak lang sa kwarto mo eh."

"Oo nga. Mabuti at maayos na ako papasok na ako sa school. Isa pa, kung papasok ako ngayon ng school, wag na wag mong iisipin na ginagawa ko ito para matuwa ka. Tsaka mas mabuti ng pumasok na lang ako kesa mukha mo ang makita ko." Nilagpasan ko na siya at tuluyan ng bumaba. Pumunta muna ako sa may kainan para kumain ng breakfast at umalis na rin ako after.

Nagpahatid lang ako sa driver namin ni mommy at nagpaalam na rin ako kanya nung nakarating na kami sa school. "Ingat po kayo miss Nathalia. I-text niyo na lang po ako kung magpapasundo na kayo." Nagpasalamat na lang uli ako sa kanya at tinext si Alyssa at tinanong kung asan siya. Sinabi niya namang nasa cafeteria siya kaya dun na rin ako pumunta.

Grade 8 student na ako kahit 12 years old pa lang dahil advance ako ng 1 year. Lagi akong top 1 sa klase at walang nakakatalo sa akin. May pina-exam sila sakin na pang Grade 8 at na-perfect ko naman kaya ayon.

Magkaklase kami ni Alyssa kasi mas matanda talaga siya sa akin ng 1 year kaya tuwang-tuwa siya nung nalaman niyang advance ako.

Nung nakarating na ako sa cafeteria ay agad ko siyang nakita dun sa may usual table namin kaya dumiretso na ako dun. Kinawayan niya agad ako nung nakita niya ako at ngumiti siya sa akin.

"Mabuti naman at papasok ka na! Alam kong hindi mo hahayaang may maka-agaw ng pwesto mo bilang top 1!" Sabi niya sa akon agad nung makaupo na ako.

"Syempre hindi ko papabayaan ang pagaaral ko para kay mommy. Isa pa, mas mabuting malayo ako sa bahay para hindi ko makita yung magaling kong ama." Inis na sabi ko sa kanya.

"Ay teka!" Napatingin siya sa orasan niya at napatayo bigla. Hinigit niya na rin ako kaya wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanya. "Late na tayo, bes!" Nagulat ako kaya napatingin ako rin ako sa relo ko at oo nga! Late na kami! Ako naman ngayon yung nauuna at siya naman yung hinihigit ko kasi nagsimula na akong tumakbo. Hingal na hingal kami nung nakarating kami sa room namin na 3rd floor lang naman.
Pagkarating namin doon ay sumilip muna kami para tignan kung may teacher na at napa-yes kami nung nakita naming wala pa si maam. Pumasok kami agad at umupo sa pwesto namin. Hindi rin naman nagtagal ay dumating si maam at nagsimula na kaming mag-lesson.

After two subjects ay recess na kaya dumiretso na kami ni Alyssa sa cafeteria at kumain. Ang daming inorder para sa akin ni Alyssa at sinabi niyang libre niya daw yun kasi ilang araw na daw akong hindi kumakain kaya daw dapat marami akong kainin kasi pumapayat na rin daw ako.

Minsan talaga para kaming magkapatid ni Alyssa na magka-age lang pero may times rin na nagiging parang ate na siya sa akin.

Wala na akong nagawa kung di ang sumunod kay Alyssa kasi talagang effort siya sa pagaasikaso sa akin ngayon. Mabuti pa siya kahit papano inaasikaso ako... Eh ang sarili ko kayang ama? Wala nga yung pakialam sakin. Psh. Hindi niya na rin naman kailangan makialam kasi hindi ko na siya hahayaan.

"Hoy! Wag ka ngang tumunganga dyan at kumain ka lang ng kumain!" Yan naman po siya. Lagi niya akong pinapagalitan... More on nililibang lalo na kapag napapansin niyang natutulala ako. Alam kong iniisip niya na iniisip ko si mommy o kaya si daddy kapag natutulala ako kaya naman agad niya akong kinakausap para lang mawala sa isip ko yun. Sweet niya no? Hahaha.

"Kain lang ng kain ha? Libre ko na rin ang lunch mo basta kumain ka lang ng marami!" Napatingin naman ako sa kanya at tinitigan siya tapos inirapan ko siya.

"Bes, alam kong nagaalala ka sakin pero di mo naman ako kailangan pagsilbihan at bigyan ng pagkain eh. Mas gusto ko yung i-trato mo ako na para bang walang nangyari kesa naman yung i-trato mo ako na parang bata pa. Mas gusto ko yung normal lang tayo para mawala sa isip ko yung mga nangyari." Mukha siyang nalungkot sa sinabi ko at napayuko kaya nataranta ako. "Sa totoo lang, sobrang thankful ako kasi nandyan ka pero ayoko rin namang nahihirapan ka sa pag-asikaso sa akin."

"Yieeee! Sweet mo naman bes! Nag-alala ka no?" Nakahinga ako ng maluwag nung ngiting-ngiti siya sa akin tapos napasimangot ako. "Niloloko mo lang ako eh!"

"Ikaw naman! Hahahaha! Pero hindi naman ako nahihirapan eh. Mas gusto kong tulungan ka. Gusto kong ma-feel mo nandito lang ako na bestfriend mo para sayo."

Niyakap ko siya agad pagkasabi niya nun at niyakap niya rin naman ako pabalik. Mukha kaming sirang nagyayakapan dito at natigil lang kami nung biglang nagring yung bell ibig sabihin start na ng next class.

Dali-dali kaming tumakbo papunta sa classroom namin at mabuti na lang ay kasabay lang namin dumating si sir. Filipino na ang subject namin.

"Okay class! Malapit na ang exams kaya kailangan na nating matapos ang Florante at Laura." Nagsimula kaagad si sir mag-lesson pagkapatong na pagkapatong pa lang niya ng mga gamit niya sa lamesa. "Sino ang ama ni Florante?" Tapos tinawag niya ang isa kong kaklase.

"Si Duke Briseo po." Sagot ni Ana.

"Sino ang ama ni Aladin?"

"Si Sultan Ali-adab po." Sagot ni Mario na tinawag ni sir.

Medyo napatalon ako sa kinauupuan ko ng biglang tumingin sa akin si sir at tinawag ako.

"Ibahagi mo sa amin ang pinagkaiba ni Duke Briseo at Sultan Ali-adab bilang ama, Nathalia."

Agad na napatingin sa akin si Alyssa at napatingin rin ako sa kanya.

What?!

My Daddy's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon