Chapter 3

5.8K 29 0
                                    

Chapter 3 [Flashback Part 2]

Tatlong araw mula nung nahimatay ako at nagising na lang ako ng nasa hospital na ako. Dinilat ko yung mga mata ko at napapikit uli dahil sa liwanag.

“Thalia” napatingin ako dun sa tumawag at nakita ko si Alyssa na nakaupo dun sa may sofa at ngumiti sakin. “Kamusta ka na?”

“I’m fine. Thanks for taking care of me, bes.” Ngumiti rin ako sa kanya at yayakapin ko sana siya kaya lang hindi ako makagalaw ng ayos.

“Wala yun ano ka ba. Pinapunta ako dito ni tito kasi may meeting daw siya ngayon kaya hindi ka niya mababantayan.”

“Wow ha? Mas importante pa yung meeting niyang yun kesa sa anak niya? Sana pala yun na lang yung ginawa niyang anak para naman wala nang batang naghihintay sa kanya na dumating at alagaan siya ng tatay niya. Nakakahiya naman sa kanya. Mukhang naging pabigat na ako sa kanya ah?”

“Don’t say that bes. Nagaalala sayo si tito pe-“

“Nagaalala siya pero asan siya? Sa tingin mo nagaalala talaga yun? Arte niya lang yun. Galing niya no? Napaniwala ka niya eh.” Pagkatapos kong magsalita ay saktong dating ng tatay ko.
“Mabuti naman at gising ka n-“

“Oo gising na ako pero kung ikaw lang rin naman ang makikita ko mabuti pang matulog na lang uli ako at hindi na magising pa.” Sabi ko sa kanya at humiga na tapos pumikit.

Narinig ko siyang bumuntong-hininga at nagpasalamat kay Alyssa tapos narinig kong bumukas at sumara uli ang pinto. Siguro umalis na yun.

May narinig akong mga hakbang papunta dun sa may table. “Bumili ako ng mga prutas para may makain ka dito.” Hindi ko siya pinansin at tumalikod sa kanya tapos humiga uli at pumikit.

Narinig kong may nagring na cellphone tapos bumukas at sumara uli ang pinto kaya alam kong lumabas muna siya.

Business na naman? Yung mommy ko hindi niya na naalagaan kasi inuuna niya yung business niyang yun pati ba naman ako? Anong klaseng ama at asawa ba siya na nagagawa niyang tiisin kami pero ang kompanya niya hindi niya kayang tiisin?

Nagsimula na namang maglabasan yung mga luha ko. Pinunasan ko rin ito agad nung bumukas na naman yung pinto.

“Princess, I need to go. May tatapusin lang akong meeting. Pinapunta ko dito sila Yaya para sila muna ang magbantay sayo.” Lalabas na sana siya pero nagsalita muna ako.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at tinignan si daddy pero napapikit ako nung may tumulo na namang luha galing sa mata ko. “Daddy..” Nahihirapan akong magsalita pero gusto kong sabihin ito. “Daddy, business na naman ba? Mas importante ba talaga yang business na yan kesa sa amin ni mommy. Papabayaan mo rin ba ako? Nung una si mommy ngayon naman ako. Gusto mo ba talaga kaming mawala sayo daddy?” Dumilat ako at tumingin sa mga mata niya. “Daddy please? Kahit ngayon lang. Hindi ko kailangan sila Yaya. Ikaw ang kailangan ko lalo na’t ngayong wala na si mommy. Please daddy. Ako naman yung pagtuunan mo ng pansin.”

Iyak lang ako ng iyak at yumuko. Napatingin uli ako kay daddy nung narinig kng umubo siya. “I’m sorry, princess.” Tapos lumapit siya sa akin at hinalikan yung noo ko. “I’ll be back later. I promise.” Tapos lumabas na siya.

Ayoko na. Shet. Hindi niya ba talaga naiitindihan? Kailangan ba munang mamatay muna ako para malaman niyang kailangan ko rin siya katulad ng pangangailangan sa kanya ng kompanyang yun?

Shit lang. Ang sakit. Ang sakit sakit na kahit nagmakaawa na ako sa kanya, wala pa ring nangyari. Iniwan pa rin niya ako. Ano bang klaseng ama siya? Kaya niya talagang baliwalain ako na sarili niyang anak?

Inalis ko lahat ng nakakabit sa akin at tumakbo palabas ng kwarto ko pati ng hospital. Takbo lang ako ng takbo kahit hindi ko talaga alam kung nasaan ako.

Tumigil lang ako nung napadpad ako dito sa lugar na palagi namin pinapasyalan nila mommy. Tahimik lang dito at walang tao kasi tago siya. Palagi kaming nadito nung bata pa ako… Kami nila mommy at daddy.

Tumigil ako sa may gitna at napaupo dahil nanghihina na talaga ako. Umiyak lang uli ako ng umiyak at sumigaw na rin ako ng sobrang lakas. “I hate you daddy!!!!”

Pagod na ako umiyak. Sana kasi yung sakit na nararamdaman mo lumalabas rin sa bawat luhang kumakawala sa mga mata mo para kapag natapos ka ng umiyak, natapos na rin yung sakit na nararamdaman mo.

“Sheeeet! Mommy! Ayoko na! Bumalik ka na please! Please! Ang daya mo! Bakit iniwan mo ako kay daddy?! Ang daya-daya mo mommy! Bakit ka ganyan?! Kailangan pa kita mommy! Ayoko kay daddy!”

Hindi ako tumigil kakasigaw hanggang sa nawalan na ako ng boses. Maya-maya ay naramadaman ko may dumating at lumapit ito agad sa akin. “Nako po! Miss Nathalia okay lang po ba kayo? Bakit po kayo umalis sa hospital? Nako po! Nagaalala na po sa inyo ang daddy niyo!” Wala na akong lakas at boses para sumagot sa kanya kaya naman sumunod na lang ako sa kanya papunta sa kotse. Sumakay na ako at umuwi na kami sa bahay.

Pero teka? Ano daw? Si daddy? Nagalala? Psh. Arte niya. Kung talagang nagaalala siya sa akin, edi sana hindi niya ako iniwan kanina diba?

Pagkadating na pagkadating namin sa bahay ay agad na naglapitan sakin ang mga katulong namin at inalalayan ako papasok sa loob.

Pagkapasok ko naman ay una kong nakita ang daddy ko na mukhang alalang-alala. Dali-dali niya rin akong nilapitan at pinaupo sa sofa.

“Princess, where have you been? I was so worried lalo na nung tumawag sakin si Yaya na wala ka daw sa kwarto mo! I have to cancel my important meeting para lang ipahanap ka!”

“Ay! Sorry Daddy ha? Dahil sakin muntik ng mapano ang kompanya mo. Sorry ha? Sorry kung pabigat ako sa inyo. Simula ngayon, hindi na ako magiging pabigat sayo at hayaan mo na ako. Dun ka na sa kompanya mo.” Sabi ko sa kanya at tinalikuran siya at umakyat na papunta sa kwarto ko.

My Daddy's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon