Chapter 1

13.4K 59 2
                                    

Chapter 1


"Miss Nathalia! Ohmygash! You're so late! Kailangan na nating bilisan ang pagaayos sayo! Nako!" Ayan na. Sabi na nga ba at magf-freak out tong baklang to kapag nakita ako. "What happened to your hair?! Look at your face! My muta ka pa! Ohmygash! Kakagising mo lang ba?!" Tinignan ko lang siya at nginitian.


"Ano ka ba namang bakla ka! Kung sinisimulan niyo na kaya akong ayusan ng matapos na rin tayo hindi yung sine-sermonan mo pa ako!"


"Hoy! Nathalia, inaaway mo na naman tong bakla kong stylist!" Napatingin ako dun sa nagsalita at napangiti nung nakita ko yung bestfriend ko nandoon rin at nakangiti sa akin. Lumapit siya sa akin at nag-beso kami. Tapos tumingin naman siya kay bakla. "Ikaw naman, bakla? Simulan mo ng ayusan tong bestfriend ko kung ayaw mong mawalan ng trabaho!"


"Napaka mo talaga Alyssa! Kung suntukin kaya kita dyan? Binu-bully mo na naman tong si Marianne!" Yes. Marianne ang pangalan ni bakla and ang bestfriend ko naman na ubod ng taray ay si Alyssa Castro. 


"Hay nako ha! Ano ba talaga? Pinagtatanggol niyo ba ako o pinagtutulungan?! Nasisira ang beauty ko sa inyo! Mygash!" Sagot naman ni Marianne sabay inirapan kami. Kung sinasapak ko rin kaya to ngayon? Hahaha biro lang.


"Pwede ba?! Mamaya na tayo maglokohan kasi debut ko na at ilang oras na lang bago mag-start pero hindi pa rin ako naayusan." Nagkatinginan naman yung dalawa at sabay ring inirapan ang isa't isa. 


Kahit ganyan yang dalawang yan sa maniwala kayo't sa hindi, magbestfriend rin yan. Minsan lang sila magkasundo pero please lang. Wag niyo ng hilingin na magkasundo sila kasi nagkakasundo lang sila kapag may ipapa-date sila saking lalaki. 


"Sige na! Ayusan mo na yang bruhang yan! Yung sobrang ganda to the point na maraming magkakandarapa sa kanya at sana naman may magustuhan na siya dun!" Magsasalita pa sana ako ng dumating bigla si Tita Elaine kasama si Ella at Ezra na parehong 5 years old at kambal pa.


Lumapit sila sakin at kiniss ako sa cheeks ganon rin si Tita Elaine. "Alam kong hindi kayo makakapagsimula kaagad kasi knowing Marianne and Alyssa" sabay tinigin niya dun sa dalawa na sabay pang napayuko "magtatalo muna yang dalawang yan bago kayo magsimula kaya naman pumunta na ako dito.... Pero hindi para maging referee kung di para sabihan kayo na magsimula na." Napatawa naman ako sa sinabi niya. Kilalang-kilala niya na talaga yung mga kaibigan ko. 


Tumingin siya sakin at niyakap ako... "I'm sure he's happy right now seeing you laughing like that." Sabi niya sakin then umalis na rin siya kasama yung kambal. 


Tinignan ko naman yung dalawa kaya naman automatic na napa-kilos agad sila. Inayos muna syempre yung buhok ko na kung ano-ano pang pinagagagawa ni Marianne tapos nilagyan ako ng make up.


Nung natapos na akong lagyan ng make up ay inayos uli ng onti yung buhok ko kasi medyo nagulo tapos nilagyan rin nila ako ng pedicure and manicure.



Inaayusan lang nila ako ng inaayusan pero syempre hindi pa rin naman nawawala yung asaran nilang dalawa kaya titigil sila pero babalik rin kaagad sa pagaayos kasi maya't mayang pumupunta si tita dito para i-check kami.


Matapos akong ayusan ng ayusan ay pina-suot na nila sakin ang gown ko. Simple lang siya gaya ng gusto ko. Kulay pink ang tela kasi favorite color ko. Girly I know pero walang basagang ng trip. Pina-suot rin nila ako ng kung ano-anong alahas. 


Suot ko yung mga bracelet na bigay sakin ni mommy nung bata pa ako. Habang tinitignan ko ang mga ito ay napapangiti ako lalo na kapag naalala ko si mommy habang binibigay niya ito sakin.


Akala ko okay na ako pero maya-maya pumasok uli si tita sa kwarto na may dala-dalang box. "You should wear this, sweety." Sabi niya sabay bukas nung box at napatulala agad ako nung nakita ko yung laman non. 


Tinignan ako ni tita at napangiti siya nung nakita niyang gulat yung reaksyon ko. "Yes, sweety. Akala mo nawala na to no?" Lumapit siya sakin at itinalikod ako tapos  ini-suot niya sakin yung necklace. "Your father told me to keep this and take care of this because it's really special for him. Nagtataka nga ako kung bakit pero nung nakita ko yung picture sa loob, nalaman ko rin." Humarap uli siya sakin at tinignan ako sa mata at niyakap. "Happy birthday, sweety."


Naluluha na ako pero pinipigilan ko itong tumulo kasi ayokong umiyak kasi sobrang special ng araw na to para sa akin. Ayokong masira ito kapag umiyak ako. 


"Tita.." Basag na yung boses ko nung tinawag ko si tita. Umiling siya sakin at sinabing wag daw akong iiyak. 


"Tita, I'm sorry. I'm really sorry." Napaiyak na talaga ako nung sinabi ko yun kaya dali-dali akong niyakap ni tita. "No. It's not your fault, okay? It's not and will never be your fault so wag mong sisihin ang sarili mo." 


Iyak pa rin ako ng iyak pero hindi kumalas sa yakap si tita hanggang sa unti-unti na akong naging maayos. Tinignan ko sila Alyssa kasi napansin kong nanahimik sila at natawa ako nung nakita kong namumula pareho yung mga mata nila at magkayakap pa sila. 


Nung tuluyan na akong naging maayos ay inayusan uli ako ni Marianne pero hindi pa rin umaalis si Tita.

"The party is about to start. Smile." Sabi sakin ni Tita Elaine.


"Thanks.... Mommy." Nakita kong nagulat siya at napansin ko ring napapaluha na rin siya  pero pinilit niya pa ring ngumiti sa akin pero nung tumalikod na siya ay hindi niya na ata napigilan kasi tumulo na yung luha niya. Lalapitan ko na sana siya pero hindi ko na siya naabutan kasi nakalabas na siya.


Nung natapos na akong ayusan uli ay lumabas na sila Alyssa at hinihintay ko na lang na tawagin ako nung emcee.


Nagmumuni-muni lang ako dito nung biglang may kumatok at nagsalita yung emcee. "Start na po tayo miss Nathalia." Tumango ako sa kanya at sumunod na palabas pero may isa pang pinto para hindi kaagad nila ako makita kasi hindi pa ako pinapakilala nung emcee. 


Bago ako tuluyang lumabas ay tumigil muna ako at hinintay na magsalita uli yung emcee. "Let's welcome the debutant, Miss Nathalia Jane Martinez."


Lumabas na ako at nakita ko na sila... Ang mga teachers, kaklase, batchmates, kaibigan... At ang pamilya ko... Pero may kulang. 


My Daddy's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon