Chapter 2

7.3K 39 0
                                    

Chapter 2 [Flashback Part 1]


"Mommy! Mommy! Mommy!" Sigaw lang ako ng sigaw habang umiiyak. Wala akong pakialam kung maraming nakakakita sakin. Wala akong pakialam kung may makakita man saking ganito ako at kung masira man ang pangalan ko. Wala akong pakialam! 


"Mommy! Mommy!" Hindi ako tumitigil sa pagiyak at kulang na lang makasira ako ng gamit dito.


"Princess, calm down!" Sigaw sakin ng daddy ko pero tuloy pa rin ako sa pagsigaw sa pangalan ng mommy ko. Nagulat ako nung bigla niya akong pinalo kaya naman mas napaiyak ako. "I told you, calm down!"


"No! No! How can I calm down when I know that my mommy is inside this stupid emergency room and I don't know anything! Wala akong alam sa kung anong nangyari kay mommy kasi wala kayong sinasabi sa akin! Sa tingin mo kakalma ako?! I can't calm down because I'm not like you! Hindi ako katulad mo na walang pakialam kay mommy!" Nagulat ako nung sinampal ako bigla ni daddy. Ang sakit...... Hindi yung sampal yung masakit kung di yung puso ko. 


Mukhang nabigla siya sa nagawa niya kaya naman sinubukan niya akong lapitan pero lumayo ako kaagad sa kanya bago niya pa ako mahawakan. "No princess. I'm sorry. Nabigla lang si daddy." Pilit pa rin siyang lumalapit sakin pero ayoko. Hindi ko na siya hahayaang lumapit sa akin. 


"No! Stay away from me! I hate you daddy! I hate you so much!" Tatakbo na sana ako palayo ng biglang bumukas ang pinto at nakita kong lumabas yung doktor kaya dali-dali akong lumapit sa kanya. "Doc! Tell me my mommy's okay right?! She'll be okay, right?!" Tumingin siya sakin tapos kay daddy na parang humihingi ng permiso na sabihin sakin yung totoo at nakita kong tumango si daddy kaya napatingin uli sakin yung doktor. "I'm sorry... Ginawa na namin ang lahat ng makakaya namin pero huli na ang lahat. She's.... Dead." Para akong nahilo dahil sa narinig ko. Muntik na akong matumba pero mabuti na lang at nasalo ako nung doktor.



"No! No! Mommy! Mommy! Mommy!" Tumakbo ako papasok kahit hindi pa ako nagpapaalam at nilapitan ko kaagad si mommy. Hinawakan ko ang kamay niya at niyugyog ko yun. "Mommy! Mommy! Mommy please wake up! I know they're lying! You are not dead! You'll wake up, right?! Pagod ka lang pero gigising ka pa! Mommy! Mommy!" Iyak lang ako ng iyak habang niyuyugyog ko yung kamay ni mommy nang maramdaman kong may yumakap sakin kaya napatigil ako. 


Nilingon ko ito at nakita ko si daddy. Agad ko namang naalala ang lahat. "Get off of me! Kung hindi dahil sayo, hindi mawawala si mommy! Kung sana mas inuna mo si mommy kesa sa company natin, baka nadala kaagad natin siya dito! I hate you daddy! I hate you! Sana ikaw na lang ang namatay at hindi si mommy!" Sabi ko sa kanya at tumakbo na palabas. Iyak lang ako ng iyak habang tumatakbo pero pinigilan ako nung bodyguard ni daddy na makalayo. Sumama na lang ako sa kanila at dumireto na kami sa bahay namin. Nakita kong wala pa dun si daddy kaya umakyat na ako sa kwarto ko bago pa siya makarating dahil ayoko siyang makita.


Hanggang ngayon iyak pa rin ako ng iyak nang biglang pumasok ang isa sa kayulong namin. "Miss Thalia, pinapatawag po kayo ng daddy ninyo. Kumain na daw po kayo." Hindi ko siya pinansin at tuloy lang sa pagiyak. 


I'm only 12 years old pero bakit ganito? Bakit nangyari na kaagad to sa akin? 


Bumangon ako sa kama ko nung nakita ko yung picture ni daddy sa may lamesa ko at kinuha yun tapos binato ko kaya nabasag ito. Dali-daling may kumatok na maids at tinignan kung anong nangyari at nung nakita nila yung ubog at sirang picture frame ni daddy ay agad nila itong inayos. 


Nung narinig ko yung boses ni daddy na parang nagtatanong kung anong nangyari ay sumigaw na kaagad ako. "Get out! Get out of my room! Hindi ko kayo kailangan! Lumabas na kayo!" Mukhang natakot yung mga maids kaya naman agad silang sumunod sa akin. 


Pumasok sa kwarto ko si daddy at mukhang nagaalala na natatakot. "Princess you don't nee-"


"I said get out! Hindi ko nga kayo kailangan! Si mommy! Si mommy ang kailangan ko! Si mommy at hindi kayo! Sana kasi kayo na lang yung namatay at si mommy na lang yung nandito sa tabi ko!"


"Don't say that prin-"


"Shut up! Hindi na ako makikinig sayo! Hinding-hindi na ako makikinig sayo kahit kailan! Kung naging mabuting asawa ka lang kay mommy hindi siya mawawala! Kung inalagaan mo siya gaya ng pagaalaga mo sa company na iniingatan mo, hindi mangyayari to! Ngayong wala na siya, anong magagawa mo?!" Magsasalita pa sana siya pero nagsalita uli ako. "Wag mong sasabihin na para sa amin naman ni mommy yung ginagawa mo kasi san ba mapupunta yang mga ginawa na para sa amin mo kung wala na rin naman si mommy!? Wala diba?! Wala na yang kwenta! Lumabas ka na dito! Ayaw na kita makita!" Halos mapaos na ako kasi-sigaw ko pero wala akong pakialam. Wala rin akong pakialam kung tatay ko pa siya kasi dahil sa kanya nawala ang mommy ko. 


~


Ilang araw na ang nakalipas pero hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto ko at hindi pa rin ako nakikipag-usap sa kahit sino, kahit ang bestfriend ko pang si Alyssa na laging pumupunta dito hindi ko pinapansin. Miski kumain, hindi ko ginagawa.


"Princess, kumain ka naman. Baka kung ano pang mangyari sayo."


"Don't act as if you care for me because I know you don't! Isa pa kung mamatay ako, edi masaya diba?! Masusundan ko na si mommy! At wala ka ng kailangan intindihin kung hindi yang kompanya mo! Mas gusto ko pang mamatay kesa ikaw ang makasama ko!" Hinang-hina na ako at nahihilo na pero nakaya ko pa rin sabihin yun sa kanya bago ako tuluyang mawalan ng malay. 


My Daddy's Little PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon