Chapter 1

574 62 209
                                    

Chapter 1
New Beginning

Panibagong taon sa eskwela, tiyak na marami ang pagbabago ngayon.

Narito ako sa main entrance ng kolehiyong aking papasukan. Maraming tao dahil first day ngayon. At hindi ko alam kung saan ba ako tutungo gayung ngayon ko lamang narating ang lugar na ito. Baka naman pwedeng magtanong ako, diba?

Napadpad ako sa gymnasium dahil doon nagmumula at nagpupunta ang maraming tao. Malalakas na hiyawan ang naririnig ko mula sa kinatatayuan ko. Hindi pa ako tuluyang nakakapasok sa gym pero parang mababasag na ang eardrums ko sa sobrang lakas ng mga tilian ng mga babae.

Kapag ako talaga na-late dahil sa paghahanap ng classroom ko, huwag silang magalit sa akin dahil sobrang laki ng paaralan na ito. Nakakaloka.

Lumayo na ako sa gym at naglakad lakad. Hanggang dito, naririnig ko pa rin ang mga tilian at sigawan ng mga tao. Ang ingay naman dito, nakakairita.

Naglalakad lang ako nang biglang may nakabangga akong tao. Malakas ang impact dahil siguro sa bilis ng takbo nito. Nahulog ang mga dala kong gamit.

Napatingin ako sa kanya. Pero teka, nasa langit na ba ako? Bakit ako nakakita ng isang anghel?

"Miss, I'm sorry. Okay ka lang?" At ang boses niya, parang kakaiba. Parang hinehele ako sa mahimbing kong pagtulog. Nakatulala lamang ako sa kanya hanggang sa napahawak ako sa ulo ko dahil naramdaman ko ang sakit ng pagkakahampas dito.

"Aiesha, late ka na!" sigaw sa akin ni mama habang ako ay mahimbing na natutulog at napasimangot ako dahil naudlot ang panaginip ko.

"Mama naman eh. Ang ganda na ng panaginip ko, panira ka." reklamo ko at dumiretso na sa banyo para makapaghanda. Actually, hindi pa naman talaga ako late. Sadyang OA lang si Mama dahil first day ko sa kolehiyo ngayon.

Sinimulan ko ang mga morning routines ko at natapos naman ako sa tamang oras. Pagkatapos kong mag-ayos ay pinalayas na agad ako ni mama dahil malelate na raw ako kahit na ilang beses ko nang sinabi sa kanya na hindi pa nga dahil ang aga pa.

Pagdating ko sa paaralan ay napahanga ako sa exterior nito. Malawak at medyo makaluma ang istilo ng paaralan. Puti at light blue ang kulay ng paaralan. Ang unipormeng nakikita ko ay isang light blue pencil cut skirt at isang long sleeve blouse na may necktie na kaparehong kulay ng palda. Ilang saglit pa akong napatigil sa labas ng paaralan bago nakisabay sa mga estudyanteng papasok. Bago pa ako tuluyang makalayo sa gate ay may tumawag na sa akin.

"Aiesha!" bati sa akin ni Luke. Hindi ko inasahang dito pala siya nag-aaral. Mas matanda si Luke sa akin ng isang taon pero noong elementary ako ay magkaibigan kami nito. Nagbago nga lang ang lahat noong highschool nang umamin siyang may gusto siya sa akin pero hindi ko naman siya gusto. Nagustuhan ko naman siya kaso ang torpe niya kaya binalewala ko na lang. Besides, studies first. Atsaka, past is past.

"Oh, Luke. Dito ka pala nag-aaral?" tanong ko sa kanya kahit na obvious naman. Natawa na lang siya habang sinasabayan akong maglakad.

"Kamusta naman? Balita ko, valedictorian ka raw last year?" tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya at um-oo. Nagkakwentuhan pa kami ng ilang mga bagay hanggang sa makarating kami sa may fucntion hall ng paaralan kung saan naroroon ang kumpulan ng mga estudyante. Hiningi ni Luke ang schedule ko dahil ang sabi niya ay ihahatid niya na daw ako. Pumayag naman ako dahil hindi ko pa rin naman kabisado ang buong campus.

"Ihahatid na kita sa first class mo. Tamang tama, doon din naman ang way ko." aniya nang makita kung ano ang section ko. Pumayag naman ako sa alok niya dahil ayaw ko ring mahirapan pa sa pagpasok. Nang makarating ako sa classroom ko ay nagpaalam at nagpasalamat ako kay Luke. Nalaman kong Engineering student pala siya at halos magkalapit lamang ang building namin at ang kanila.

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon