Chapter 12

119 7 7
                                    

Chapter 12
Birthday

Nang makarating kami sa labas ng mansyon nina Johann, napatingin na agad ako sa maraming sasakyan na dumarating at sa mga bisita niyang bihis na bihis at paiksian ang mga babae sa kanilang suot. Mukhang karamihan sa narito ay mga taga-AU.

"Johann, nakakahiya ata." biglang sabi ko nang makita ang mga bisita niya na sabay sabay pumupunta at halos lahat ay may mga kasamang kaibigan.

"Don't worry. Vince will be there. Andito rin naman ako, I won't leave you." sabi niya bago hinawakan ang kamay ko. Napatingin naman ako doon at agad niya ring binawi ang kamay niya. Napaubo siya bago lumabas sa sasakyan at pinagbuksan ako.

He snaked his arms around my waist at inilalayan ako papasok ng bahay nila. Loud music blasted in my ears nang buksan ang pinto ng bahay nila.

Their house is so big, it looks like a mansion. Black and cream ang combination nito sa labas. Medyo malayo ang gate sa mismong entrance ng bahay nila. May malawak na swimming pool sa harap pero walang tao dahil nga malakas ang ulan kanina. Ang party sa loob ay parang yung mga parties sa bar. Maingay ang kanta at karamihan ng bisita ay may hawak na champagne glass. Kakikitaan ng class ang bawat babaeng nakakasalubong ko rito.

Dinala niya ako sa dining room nila at nakita ko roon ans isang mahabang table na may maayos na decorations na formal ang dating kagaya ng nasa mga restaurants. May tatlong malalaking chandelier na nakasabit sa itaas at napaka-classy ng dining room. Mula sa isang maliit na silid sa gilid, na sa tingin ko ay iyong room na pinaglulutuan, lumabas ang ilang mga maid na naka-uniform para i-serve ang mga pagkain.

Sa kabiseta ng lamesa ay naroon ang isang lalaking may edad na makisig na makisig. Kamukha siya ni Johann kaya napagtanto kong ito ang daddy niya. Sa kaliwa nito ay isang babaeng napaka-elegante mula ulo hanggang paa. Sa tabi niya ay isang batang babae na kamukha ni Johann. Maamo ang mukha niya at ang mata ay singkit din. Kapareho rin ni Johann ang kanyang ilong. Napagtanto kong kapatid niya ito. Sa kabilang bahagi naman ng lamesa ay isang babaeng may edad na rin at napakaganda. Ang nasa tabi nito ay isang lalaking sa tingin ko ay malapit lamang sa edad ko. Binati ni Johann ang lahat ng naroroon sa lamesa at nakipagbeso sa dalawang babaeng panauhin. Nang matapos ang batian ay napatingin sa akin ang lahat. Hinawakan naman ako ni Johann sa kamay at inilapit sa kanila.

"Mom, Dad, Hanna, Tita Ali, Drew, this is Aiesha." aniya at itinuro sa akin ang mga ipinakilala niya. "This is my family." aniya sa akin habang nakangiti. Nginitian ako ng mommy at daddy niya.

"Napakagandang bata naman nito, Johann!" nakangiting sabi ng tita niya sa akin bago nakipag-beso. Awkward at nahihiya akong ngumiti sa kanila. Napatingin ako doon sa kapatid niyang sobrang cute at napakasarap pisilin. Nakatingin ito sa akin na parang tinatantsa ako. Siya pala iyong babaeng nabanggit nung babae sa shop kanina.

"Hanna, say hello to your ate Aiesha." ani Johann nang lumapit sa kanya si Hanna para yumakap. Ngumiti siya sa akin at nahihiyang kumaway. Natawa si Johann dahil nakahawak si Hanna sa pants niya habang kinakawayan ako.

"Hi, baby." bati ko sa kanya at nilapitan siya. Mahilig ako sa mga bata, huwag lang talaga nila akong tatarayan.

"Hijo, hija, maupo kayo. Let's eat first bago mo puntahan ang mga bisita mo." sabi ng mommy niya at pinaupo kami. Umupo si Johann sa tabi nung isang lalaki at ako naman ay umupo sa tabi niya.

Medyo may kalayuan sa living room ang dining room nina Johann. Hindi masyadong malakas ang tugtog na naririnig dito. Tanging mga tunong lang ng utensils ang naririnig ko. Masayang nagkukwentuhan ang mga matatanda at minsan ay sinasabayan din ni Johann at noong lalaking pinsan niya yata.

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon