Chapter 19

42 5 0
                                    

Chapter 19
Nonsense

Panaginip lang pala. Akala ko pa naman ay totoo na.

Bumangon ako mula sa pagkakahiga at napabuntong hininga. Napatingin ako sa bintana ng aming kwarto at natunghayan ang maliwanag na ilaw na nagrereflect sa buwan. Lumapit ako sa bintana at tinanaw ang buwan at ang mga bituin na nagniningning.

Sa gitna ng aking pagmumuni-muni ay biglang may tumunog na cellphone dahilan kung bakit muntik na akong mapatalon sa gulat. Nilingon ko ang banda ni kuya at nakitang tulog na tulog pa rin siya kahit na patuloy ang tunog ng kanyang cellphone sa gilid. Tumigil iyon ngunit pagkalipas ng ilang segundo ay tumunog ulit pero tulog pa rin si kuya. Inis kong pinuntahan ang cellphone niya. Alas-kwatro na ng umaga at may tumatawag pa rin sa kanya? Tindi ha. Nakita kong si Johann ang tumatawag kaya sinagot ko na iyon.

"Tulog na tulog ang gagong tinatawagan mo. Walang pag-asang magising." bungad ko sa kanya. Hindi siya kaagad nakasagot pero kalaunan ay tumawa rin.

"Sorry to wake you up, miss. Pakigising naman si Vince. Badly need him." aniya sa isang malalim ngunit napapaos na boses. My heart almost skipped a beat nang marinig ang boses niya. Agad akong napailing at tinampal ang braso ng kuya kong humihilik pa. Ilang beses ko iyong ginawa pero wala pa rin siyang response sa aksyon ko.

"Wala talagang pag-asa 'to. Ano bang kailangan mo sa kanya?" Napaupo ako sa aking kama at pinakinggan ang mahinang pagtawa ni Johann.

"Nothing. I'll just have to deal with myself, then." aniya at tumawa ulit. Narinig ko ang pagsinghap niya at ang pagtahimik kalaunan. Tanginang ang musikang tumutugtog sa kabilang linya ang naririnig ko na maya maya ay tumigil din. Narinig ko rin ang marahang pagtigil ng makina ng sasakyan niya at tumahimik ulit. Tiningnan ko ang cellphone para malaman kung ibinaba niya na ba ang tawag ngunit hindi pa rin. Nanatili kaming ganoon nang ilang saglit.

"Ayos ka lang ba?" dahan dahan kong tanong sa kanya na sinagot niya lamang ng isang buntong hininga. Hinintay ko kung sasagot siya ngunit wala akong narinig sa kabilang linya. Maya-maya'y narinig ko na ang hudyat na tapos na ang tawag. Ibinaba ko ang cellphone ni kuya sa kanyang side table at bumalik na ako sa paghiga ko.

Hindi pa ako nakakapikit ay napahawak ako sa dibdib ko nang bigla namang tumunog ang cellphone ko. Nabatid ko ang paggalaw ni kuya at ang mahinang pagrereklamo niya. Himala at naalimpungatan siya. Hindi ko na lamang siya pinansin at sinagot ang tawag ni Johann.

"I'm outside your house." aniya na ikinagulat ko. Marahas akong bumangon sa kama at hinanap sa ilalim ang aking tsinelas.

"Ingay naman." bulalas ni kuya at tumalikod sa akin. Gusto ko sana siyang gisingin para ipaalam na nasa labas ang kaibigan niya pero papunta pa lang ako sa tabi niya ay narinig ko na ulit ang paghihilik niya. Napailing na lang ako at lumabas na sa kwarto.

Nang lumabas ako sa gate namin ay naabutan ko si Johann na nakaupo sa hood ng sasakyan niya. Napalingon kaagad siya nang marinig ang ingay ng gate. Nakita ko sa mga mata niya ang pagod kahit sa pagngiti niya. Napansin ko rin ang band-aid na nakatapal sa pisngi niya. Agad akong lumapit dahil sa pag-aalala.

"I just want to stay here. Sana hindi kita naabala." aniya sa isang malalim at mababang boses. Napansin ko ang pagtatago niya sa kamay niya at ang pagiging uneasy niya nang tingnan ko iyon. Nilingon niya ako at ngumiti na para bang walang masamang nangyayari. Kinuha ko ang kanang kamay niya at nakita ang  namumuong dugo roon. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kanya. Nakangiti lamang siya na tila sinasabing ayos lang.

"Nakipag-away ka ba?" agad kong tanong sa kanya. Natawa naman siya at napailing na tila nababaliw.

"You look like a concerned girlfriend. I like that, though." aniya at tumawa ulit. Tingin ko'y nakainom ang isang ito ngunit hindi ko maisip kung anong dahilan ng pakikipag-away niya. Napasinghap ako at tumayo para kumuha ng first aid sa loob ng bahay. Bago pa ako makahakbang ay pinigilan niya ako sa pamamagitan ng paghawak sa braso ko. Napatingin ako doon at agad niyang inalis ang kamay niya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 13, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanggang KailanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon